Dami ng Nawalan ng Trabaho Dahil sa AI: 3 Simple at Epektibong Gawin Ngayon   updated!


“Dami na ng naapektuhan at nawalan ng trabaho dahil sa AI.” Ito mismo ang sentiment ng ex-officemate kong si Sarah nang magkamustahan kami tungkol sa work. Nagsimula ang usapan sa career journey hanggang sa isyu ng artificial intelligence o AI sa employment. Kasi, oo nga, hindi pwedeng ‘di tayo affected nito ngayon.

Reality check: Maraming ng nawalan ng trabaho dahil sa AI  

Taong 2023 pa lang ay may tanggalan na sa work dahil sa AI. Mas marami nga lang pagpasok na ng 2024. Bukod sa tech automation, maraming kompanya at industriya ang nag-adapt dito. Sa rami nga naman ng kakayahan at sari-saring klase ng AI ay maraming magagamitan nito. To the point na nga, mapapalitan na sa trabaho ang ilang uri ng empleyado.

Mimo, the robot, at Mind Museum

Ayon sa Future of Jobs Report 2025 ng World Economic Forum (WEF), 22 porsyento ang mababago sa istraktura ng labor market mula 2025 hanggang 2030 dahil sa AI. Base na rin iyan sa kanilang survey sa mahigit 1K global companies na may 14M manggagawa.  

Kabilang sa kanilang report ang…

  • Estimatedly 14% bagong klase ng trabaho katumbas ng kasalukuyang bilang
  • Estimatedly 8% ang mawawalan ng trabaho. 
  • 86% ng mga employer ang nagsabing mag-a-adapt sila ng AI at ng information-processing technologies.

Personally, may na-interview akong mga applicant noon na tinanggal sa trabaho dahil sa AI. Indikasyon yon na kalaban na ngayon ang AI tools sa job hunting. Iyong job interview na iyon ay para sa isa hanggang dalawang job vacancy lang. Subalit, 700+ ang natatangap application ng company.  

Sa experience ko naman sa B2B sales department, marami na rin ang small and big companies na preferred ang AI. They think mas flexible, cost-efficient, at mas quality service nito over third-party assistance. Kaya maapektuhan nito ang mga nasa outsourcing at ilang remote jobs. 

Analysis: 3 Paths to Future-Proof Your Career in The AI Era

Magkaiba kami ng pinagdaanan at pinanggagalingan ni Sarah, pero pareho kami ng pananaw tungkol sa AI. Kailangan nating mag-adapt, mag-adjust o sipagan pa sa pagtatrabaho dahil dito.

Patalastas

1. Mag-upskill o mag-reskill para maka-adapt sa AI era

“Aba gutom tayo kapag ‘di tayo nakisunod sa uso,” reaction ni Sarah tungkol sa pag-adapt sa AI-related job. ‘Lalo na ngayon ang dami talagang bata na magaling, need mo makipagsabayan.”

Nasa designing field si Sarah bago sya napunta sa UI/UX. Ang kanilang kompanya ay gumagamit ng AI tool(s) para sa kanilang tasks. Anya, thankful sya na naka-adapt at nanatili syang may work sa dami ng nagsasarang company. 

Sa tingin ko, nagiging usual na rin ang AI-generated texts, designs and videos. Ang isa ko pang friend, Syngkit AI, ay nasa ganitong larangan. Ito ang kanyang ilang examples para sa Hoshilandia: 

2.  Mag-specialize sa isang field o industriya, at bigyang-prayoridad ang pagiging unique 

Totoo na maraming trabaho na puwedeng gamitan ng AI. Pero may skills at professional qualities na hindi basta o never na mapapalitan nito.

I will not argue na in milliseconds kayang magsulat, mag-design, mag-code o ano pang magagawa ng generative AI. Ako man ay gumagamit din ng AI sa trabaho para makakuha ng ideas at mag-check in seconds. Pero ilang beses ko ring kailangan i-manual edit o i-fact check ang texts na pino-provide ng tool(s). 

Ilan sa na-experience ko:

  • Kahit typical famous quotes, na searchable sa Google, ay may tendency na mali ang i-provide ng AI. 
  • Kahit super specific at ayos ng prompts, maraming chances may something wrong sa texts.  
  • At ang numero unong napapansin ko ay ang generic ng laman ng text. Madadala ka sa choice of words pero kung babasahin maigi ay posibleng inikot-ikot at mababaw ang laman. 
  • May mga pagkakataon naman na almost ready for posting na ang AI-generated text. Iyan ay kung ang pang general public ang topic. 

Kung ang text or article ay para sa niche industry or field, ang daling ma-point out na shallow ang laman. Mapaghahalata hindi ka insider o walang alam para sa mga taga-industry. Ang malala ay mali talaga sinasabi mo. 

Puwede i-train ang AI. May nagsabi sa akin na pwede ng i-train ang AI para makuha ang tono o thought process mo. May nakakakita na rin akong ilang job posting tungkol sa training ng AI tool. Kaya ang hirap magsabi kung hanggang saan ang kayang abutin ng AI very soon.

Sa ngayon may limit pa rin ang kakayahan ng AI tools, iyan ay base na rin sa isang pag-aaral na inilahatla noong January 2026. Sa experiment nina Arend Hintze, Frida Proschinger Åström at Jory Schossau, gumamit sila ng iba-ibang text-to-image tools, systems, at prompts. Hinayaan lang nila ang generative AIs na mag-produce ng caption at images. 

Ang resulta? Kahit anong prompts at paggamit ng magkakaibang tools ay “generic outcomes” ang hantong. Ibig sabibihin halos magkakapareho ang images.   

Regardless of how diverse the starting prompts were – and regardless of how much randomness the systems were allowed – the outputs quickly converged onto a narrow set of generic, familiar visual themes: atmospheric cityscapes, grandiose buildings and pastoral landscapes. Even more striking, the system quickly “forgot” its starting prompt.

May nabasa rin ako ang generative AI ay nakabase sa algorithm at nasagap nitong mga data. Kaya ang paggamit ng lamang AI for creation lead to cultural stagnation. Kino-curate lang ng tools ang nasasagap nitong data na pwedeng ma-transform sa words o images. Pero kung walang bagong creative pieces na madagdag ay pare-pareho lang ang makikita natin. In short, walang progress.

Pinta ni Jan P. Blanco sa Blanco Museum, Angono Rizal

May nakausap pa ako na may pamilyang puro artists. Sabi nya hindi sila affected o nagpapaapekto sa AI. Anya kinukuha sila ng clients nila dahil sa kanilang niche, original, at unique arts. Nakita ko rin yung artwork nila, sobrang detalyado ng bawat bahagi at mahirap gayahin. Kahit pa siguro sila pa mismo ang mag-drawing/ sketch ulit.

3. I-master ang multiple skills para mag-thrive bilang versatile at multi-specialty professional

Okay, this is my side story about why I am surviving, and hopefully thriving, in the age of AI.

Dahil sa financial goals at passion for learning, kinakarir ko ang mag-freelance gigs. Iba-ibang industry ang gusto ko, pero kailangan may kinalaman pa rin sa research, communication, or business. 

Nagsimula yan dahil din na-burn out, nagka-impostor syndrome o nagka-quarter life crisis ako. But thank God, eventually ay naging advantage ko na rin yung na-acquire kong knowledge, skills, at experiences. Kung baga, in a way, ay na-future proof ko ang aking career. Nung dumating ang AI, nagkaroon ako ng choices na mag-shift sa ilang klase ng specialties. 

And I don’t think we can fully rely on AI for in-depth research and analysis. A great example of this is news reporting and storytelling. Storytelling cannot be replaced because real-life experiences are always meant to be personal and unique. 

Kaya kung ako ang tatanungin mo, whether within your field or not, mas mabuting pag-aralan mong i-expand ang iyong nalalaman o kasanayan. Ideally, iyong klase ng work na hindi pa kayang pasukin ng AI. Pero puwede ring yung hindi pa napapasok ng artificial intelligence—unahan mo kung baga.

Mag-aral ka ng iba’t ibang skills na may human touch, medyo blue-collar, o mga trabahong hindi kayang gawin ng AI nang sabay-sabay. Nagtrabaho ako sa ilang tech-related company. Ang common problem sa kanila ay technical glitch, customization at customer service. At the end, tao pa rin ang magso-solve ng problem sa business. Dagdag pa dyan, gumagamit sila ng iba’t ibang tools.

Conclusion 

All these point to the idea that whether you use AI or not, kailangan mong maging unique at effective sa ginagawa mo.

On the creative side, maaaring maraming naging content creators professionally dahil sa tulong ng AI. Everyone can write or design in this age. Pero iilan lang ang masasabi mong effective at natatangi. Darating din ang point na ang “wow factor” ng generic AI-generated content ay magiging common. Maghahanap at maghahanap ang mga customers at businesses ng kakaiba.

On the tech side, learning AI is inevitable. We always use technology to find better ways to do what we do. Kaya kung nasa industry ka na talagang gumagamit ng AI, learning the tools is the most logical and fundamental step.

For frontliners—blue-collar, medical, education, agriculture, construction—you’re safe, irreplaceable, and we love you all 😉



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.