Before our trip ay ‘di ko alam kung ano at saan ang Shenzhen. Ang alam ko lang na lugar sa China ay Macau, Beijing, at Shanghai. Itong huli ay dahil sa kapapanood ko ng Chinese series and films. Ang masaya pa sa instant discovery travel ko ay madaling gawin. As in isang biyaheng train at ang entrance pass ay iyong passport lang kung baga (na-apply na kami for group visa). Pero ano nga ba ang mayroon sa Shenzhen China?
Shenzhen: From fisher village to modern industrial city
Ayon sa aming tour guide ay dating fishing village lamang ang Shenzhen na nasa Guangdong Province ng China at North bound ng Hong Kong. Ngayon ay isa na itong young industrial city na nagpapakita ng modern feel because of the mesmerizing buildings and business centers pero may touch pa rin ng Chinese culture. Ilan sa tech companies na narito ay ang Huawie, Lenovo, and Oppo.
Bicycles are everywhere. Malanis ang paligid at mapuno naman ang paligid kahit masasabing business districts dito. In fact, marami kang makikitang naka-park na bicycle sa paligid at bibihira ang tao na nagdadaan. Bakit?
May app daw na para sa pagpaparenta ng bike or bike-sharing system- hirap ipaliwanag pero isipin mo na lang na Grabpadyak or Uberpadyak. Noong may nilapitan ako na bike ay may napansin akong bar code sa bandang manibela. So kahit daw saan pa i-park noong humiram ay ma-monitor ito ng company.
People in underground. Sinabi rin na kaya unti ang tao sa ilang area ay dahil nasa ang mga passerby nasa ilalim ng lupa. Kaya puwedeng may subway trains din sa ilalim or underpass – imagine underpasses along Makati at MRT stations sa underground like Shaw boulevard and Ayala.
Tourist spots in Shenzhen
Marami ang mapupuntahan daw sa Shenzhen gaya ng China Folk Cultural Village, Shenzhen Happy Valley, Splendid China, and Window of the World. Ang napuntahan namin ay sumusunod:
Window of the World. Ano ang naiisip mong sikat na landmark sa France, Greece, United Kingdom, Egypt at iba pa? Possibly mayroong replika ang mga iyon sa Window World – naalala ko tuloy ang Nayong Filipino ah.
Anyway, sa harapan pa lang nito ay mabubusog ka na sa iyong matatanaw dahil kita agad ang replika ng Eiffel Tower ng Paris, modern Pyramid ng Egypt, at Acropolis ng Greece . Pihadong marami pang makikita sa loob at may live shows din daw sa loob.
Shenzhen Municipal People’s Government Building. Well bukod sa head turner ang laki at itsura nito, ayon sa guide name ay nagsasaad din ito ng balance sa feng shui. Pero para sa isang opisina ng gobyerno ay okay na okay ito. Partida, hindi pa ito office of the president.
Kuang Yi Cultural Exhibition. Sa dami ng jewelry or anumang stores na napuntahan ko, isa ito sa may good PR. Well alam naman natin kung paano ang hard sell at yung obvious na subtle promotion. Sa Kuang Yi, they make it a point that you know what you get and open sa pagsasabi kung expensive.
Negotiable yung mga abubot nila pero siempre it’s up to you na to see whether they valuable or not. I just want to commend yung customer relationship at strategy, especially na nag-exert sila ng way to give us souvenir. I forget their names pero magaling si Manager Emmy at yung nagga-guide sa amin na una na sales lady. Na-explain sa amin ang luck na dala ng jade stone at feng shui item na gaya ng Pi Xiu. Ipina-feel din nila na welcome kami.
If you ask me, pagkauwi ko naka-receive ako agad ng isang good news. So puwedeng dahil sa jade stone na natanggap ko from them kung usapang luck.
Food Trip at Shenzhen– Personally isa ako sa walang kiyeme food service. Alam ko kung gaano kahirap ang trabaho sa isang resto, especially marami akong kapatid na nag-food chains at restaurants. Pero hindi ko maiwasan na magulat na para sa isang fine dining resto ay padabog ang pagbaba ng takure ng tea (as in natapon yung laman) at pagpatong sa isang plato sa isa pang plato na may food pa. I don’t know if it’s normal doon, pero nakakain naman ako sa Chinese Restos dito sa atin at hindi naman ganun. In fact, sulit na sulit ang kumain sa isang Chinese resto kasi madami ang putahe at servings.
PERO, masarap naman yung mga pagkain in general at malinis yung buong paligid. And I think one of the best things to do pa rin talaga ay mag-food trip sa travel. Doon sa area na pinuntahan namin, maraming makakainan and if my opportunity sana mag-iikot ako doon.
All in all masarap i-explore ang Shenzhen, exciting city ito for me.