Before this upcycling project for my faulty wall clock ay nakadalawa na akong oplan resurrection ng orasan. Pareho kong ginawang photo frames dahil mga square ang hugis at sakto pa talaga sa mga napa-print ko na collage ng travel photos ko.
What you can do with Old defective wall clock?
Aside sa makikita mo sa ibaba at sa photo frame ay I think mas marami pa at mas magandang design. Ang isa ko pang balak ay door wall decoration na may welcome to my store, office, ihian here, o mabuhay sa Hoshilandia. Gagamitin ko roon ang mga tinibag kong keys mula sa aking mga precious old computer keyboards. Kaso cannot be na for this round wall clock dahil ‘di kasya ang mga keys, unless mag-effort pa ako na tapyas-tapyasin ang bawat key. Ayoko rin naman na i-itchapwera ang salamin kasi buong-buo pa. So why not wall clock decoration na motivational. Anyway, mahilig naman talaga ako sa mga quotes, bible verses, at tips for positive vibe sa aking work station. So again, you can turn a defective/ inoperative wall clock into a
- Wall decoration
- Sign board
- Photo frame
- Art frame
- + more
Wall decoration made of recycled materials
The concept. Usually wala naman concrete plan ang mga ginagawa kong art project, basta ang gusto kong gagamitin mga materials ay scrap materials at as much as possible ay hindi ako gagastos. Pero next sa mga iyan ay kapag may nakita na akong isang bagay na magandang pinaka-focal point. This time ay isang cutout phrase sa aking planner (Everything is Possible) last year na may nakasulat na…
“Success is the Sum of Small Efforts, Repeated Day-in Day Out.”
Ang isa ko pang pinagpipiliian ay “Do Ordinary Things Extraordinary Well” ni Jim Rohn ( one of my favorite motivational writers /entrepreneurs na siguro). Naniniwala ako at personally din, napatunayan ko na kapag dinibdib mo yung quote/phrase/verse na sa tingin mo ay tama ay masusundan mo ito nang dahan-dahan at kahit minsan di mo na pala namamalayan. Anyway, itong simple design ko ay interpretasyon ko ng “success is the sum of small efforts…” Kaya naisip kong background yung mga nalistahan kong plano at mga souvenir ng mga tinatrabaho ko (kasama sa blogging). Reminder na rin itong maliliit na bagay na ito ay naging susi ng tagumpay ko ngayon at ng mga susunod pa.
Materials I used for this Wall decoration.
- Sirang orasan na okay pa ang frame at salamin ( kahit wala ng salamin , okay naman). Itong clock na ito ay freebie ng nabiling bag of choco sa Airport. Kaya libre ito mula’t mula pa at may taon na rin bago nasira.
- Colorful Notepad/ papers para sa background. Ang ginamit ko yung mga sinulatan ko na. Pero may dagdag lang konti na blangko. Siempre sa ibang gaya nito puwede rin naman ang mga cut out sa magazines, art paper, or stationery.
- Glue
- Double sided tape
- Old colorful cards/souvenir items. Naisip ko lang yung mga IDs, badge, at cards na ginamit ko para pa rin sa theme. Pero sa ibang design, I suggest yung mga botones, tela, photos, o iyong materials na ginagamit sa scrapbooking o crafting.
- Cut out Motivational Quote/Phrase from my old planner. Makakahanap din siempre old magazine at books o print out mula sa internet. By the way, I recommend sa mga art projects na gaya nito ay mag-check sa Pinterest.
- Small na foam at mga retaso ng tela
Steps in Turning Faulty Clock into a Wall Art
- Buksan ang orasan at tanggalin ang mga kamay nito at kung kailangan ay pati numero (depende sa disenyo ng pagkakagawa).
- Dikitan ng notepad / colorful papers gamit ang double sided tape.
- Patungan ang mga notepad ng souvenir items gaya ng calling cards, ids, badges, o kaya photos alin man sa glue o double sided tape. I recommend na double sided tape ang gamitin para sa mga papel at glue para sa mas makapal na bagay.
- Para walang butas sa gitna ay ibinalik ko yung part kung saan nakakabit ang mga kamay ng orasan. Tapos nilagyan ko ng maliit na foam para masuportahan at umangat yung cut out phrase, gayon din ng 2 retaso ng tela na tinupi ko. Take note, sinusudan ko lang yung tingin ko magagamit ko na bagay na available sa akin. Baka mas may ibang paraan para magawa ito nang tama at mas maganda.
Sana maka-inspire itong simple art project ko using scrap materials and I dare you to do your own. Mabuhay!
uy nakasama ujg drawing ko hehe üü