Kung sa TV show at movies ay hindi ako fan ng adaptations, remakes at minsan sequels– sa music ay teka parang hindi ata. Siempre iba yung ikaw ang original na nagpasikat at lalo na ang sumulat. Kaya nga di ba iba ang dating nila Tito Barry Manilow, Tito Jose Mari Chan, manay Taylor Swift (though sorry di ko sya trip), manay Yeng Constantino, crush na Rico Blanco at sobrag marami pang iba. Kaya naman bilang musician (ako?) challenge ‘yong mabigyan mo ng bagong dating yung dati ng sikat or mas mapaganda. Dapat mabigyan mo rin ng buhay ‘yong dating kanta na hindi gaanong nag-hit.
Sa ngayon napansin ko sa aking sarili (buti tinapunan ko ng pansin), na nahihilig ako sa mga old songs. Maraming dahilan pero ang pinaka-major siguro ay dahil wala akong matipuhan sa mga recent songs at hmmm pag nag-videoke ang laging available ay yung mga lumang kanta. Dagdag ko na rin na siguro lumaki ako sa mga taong old school (bunso kaya ako?!).
Madalas ngayon natitipuhan ko yung mga revivals ni Aiza Seguerra. Feeling ko kasi yung mga versions niya mas madaling masundan at kayang abutin ng malamyos (define malamyos) kong tinig. Gusto ko ang version n’ya ng Man in the Mirror (siempre maka-Michael Jackson din ako) at Take me, I’ll Follow (original ni Bobby Caldwell)
May ilang kanta na nagugustuhan ko sa Session Road lalo na ang Gusto Na Kitang Makita at Suntok sa Buwan pero maganda rin ang version nila ng classic rock na Nosi Balasi ni Sampaguita
Okay din ang revival ng Childstar ng Laguna at Sugar Hiccup ng Tao (ni Sampaguita pa rin)
Kahit Konti (komposisyon ni Gary Granada na pinaawit niya kay Florante) tas sumunod siya na mismo ang kumanta.
ito namang Pangarap Ka ay original na inawit ni Karel Marquez pero ni-revive ni Barbie Almabis na mas trip ko.
Nagustuhan ko rin ang Ang Pag-ibig kong Ito ng Moonstar 88 (with Acel Bisa) na di ko na malaman kung may nauna pang kumanta kay Leah Navarro
at gustong-gusto ko talaga ang version ng Eraserheads ng Tuwing Umuulan at Kapiling Ka
http://www.youtube.com/watch?v=D1ZGAEP2vT4
sa mga foreign acts gusto ko ang pagtira ng Blue sa Sorry Seems To be the hardest Word (na pinausong una ni Elton John)
ni Celine Dion ng Alone ng Heart
ni David Cook ng makapatid litid na I don’t Wanna Miss A thing ng AeroSmith
http://www.youtube.com/watch?v=A2Y1TnU1Dc8
yung iba ay inaalala ko pero so far hindi yung paulit-ulit kong pinapakinggan.
Napanood ko yong music video record mo nong march ang galing di tama ang guess ko na may hawig ka sa boses ni aiza, partida pa yon di ba? wala pang guitar na ginamit mo.Ikaw ba ang tindera doon sana pinalitan mo na ng pangalan mo di ba? revise edition kung baga. Ingat God bless.
wahhaha may dagdag na nambola na naman sa akin. baka lumaki po ang ulo ko nyan at gumawa pa ako ng isa with music naman. hehehe
pero salamat po, nakakangiti ang comment ninyo.
siguro may hawig ka kay aiza o sa boses kaya build up mo sya. he..he
ahhemmmm hehehe. puwede nyong i-check dito http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com/2011/03/13/music-video-of-my-parody-of-tindahan-ni-aling-nena/
kung may pagkakahawig ang boses namin. buhehehe.
hindi din ako fan mga adaptations lalo na yung mga serye-serye na nauuso sa atin.
xD sorry naman
siguro kaya iba ang dating ng musika, kahit revival o remake pa ang mga ito, dahil simula’t-simula pa kabahagi na ng mundo, ng tao ang musika.
Mabuhay! Be blessed!
Be blessed Kuya Pong!
oo naman sabi nga sa slogan ng music museum “life without music isa mistake.”
naku tama ka dyan… nawawala ang creative juices natin pag ganyan ng ganyan. siempre lagi na lang ok ang original.
mabuhay!
Akala ko revival na mga palabas sa TV at sine, kanta pala. Pero napansin ko lang sa mga karamihan ng mga revivals na ginagawa dito sa atin (pwera yung mga pina-squatter na sikat na kanta ha) parang kulang sa artistry, parang basta para mai-revive lang.
parang namali ka ata ng comparison. hehehe!
Hmmm at parang may pinaghuhugutan yang sagot mo…parang bandang Side A lang. buhahaha!
oh well aminado naman tayo dyan. lalo na roon sa mga singer-singeran na basta maka-videoke (siempre di ako yun) lang ay naglalabas na ng plaka este CD na pala. Pero gaya ng sinasabi ko rito eh may mga artists naman na nakapasa sa challenge at sa panlasa ko.
may mga mga singers na puro mga cover songs ang binibirit na talagang pangarap nila ang magkaroon ng original songs. iba lang daw talaga ang challenge ang magpasikat ng kanta na magigiging signature song mo. at sabi ng isang batikan na walang masama sa revival.
Pingback: Favorite Pinoy revivals « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
dapat kung ayaw mo ng sequel sa movies
ayaw mo din dapat ng remake sa kanta
dapat consistent ka
hehe
napatawa mo ako sa comment mo a. galing! superb!
(note: save mo itong comment ko baka wala na itong sequel. hehehe)
saved na po
hehe
teka, ganda ng bagong anyo dito ah
magaya nga
nyahaha
naku nambola ka pa ha. hehehe
ako?
bolero?
di nga?
ay sige iisip ako ng ibang term. waheheh pero dikit dyan ang meaning.