Ano ba ang kahulugan at kahalagahan ng safety first?


Sa mabilisan at simpleng sagot, ang kahalagahan ng safety first ay dahil wala namang notification kung kailan at saan eksaktong mangyayari ang aksidente, krimen o sakuna. Pero kung may ganitong mindset at aksyon ay maaaring makaiwas, madaling makaresponde o maka-recover sa kapahamakan. Paano nga ba magkaroon ng safety first mindset

Ang totoo ay malapit sa safety risks ang Pilipinas lalo na sa natural hazards. Kung babalikan natin ang lesson sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (kinumpleto ko raw), ang Pilipinas ay lindolin dahil kasama ito sa Pacific Ring of Fire, na maraming aktibong bulkan at tectonic plates. Siyempre sikat sa ang Mayon Volcano at Taal Volcano pero marami pang bulkan sa bansa, gaya sa Camiguin na may pito. Bukod sa lindol, madalas din bagyuhin ang bansa dahil tabi lang nito ang Pacific Ocean, na kung saan madalas namumuo ang bagyo. Hindi nga ba’t madalas may matinding bagyo sa Samar? Kaya masasabing disaster-prone ang maraming lugar sa bansa. Tandaan din na mayroon pang landslide, tsunami, buhawi at man-made hazards.

Simulation of volcano eruption sa The Mind Museum

By the way, may pagkakaiba ang kahulugan ng disaster at hazard.

Ang hazard ay peligro na puwedeng magresulta ng disaster gaya ng aksidente. Halimbawa ay, ideally wala dapat nakatira sa loob ng tinuturing na danger zone areas gaya ng malapit sa bulkan, fault line, dagat, dam o iba pa. Kaya kung house buyer ka, ito ang isa sa mga dapat mong isaalang-alang. Hindi lang yung tibay ng pagkakagawa ng bahay at access sa mga establisyemento gaya hospital, botika, o palengke. 

Ano ang ibig sabihin ng safety first? 

May mga sakuna o aksidente na maiiwasan sana o hindi ganun kalala ang epekto kung may pagpapahalaga sa safety. Nag-uumpisa ito sa sarili ng bawat miyembro sa buong kumunidad.

Ayon sa mga diskyunaryo gaya ng Cambridge at Meriam, ang kahulugan ng safety first ay mga aksyon upang maiwasan ang anumang peligro at mapanatili ang kaligtasan. Ang maganda sa pagkakaroon ng safety first mindset ay hindi lamang ito pang kaligtasan at kalusugan, kundi sa iba pang mahahalagang aspeto ng buhay gaya ng pamumuhunan, money management, at kahit na sa pangangalaga ng espiritualidad.

wearing life vest is a safety first action

Kung tutuusin din ay bawat lugar o kumunidad ay may polisiyang pang-kaligtasan. Subalit, ang tanong ay gaano kalaki ang porsyento ng mga miyembro sa isang lugar ang sumusunod sa safety measures and protocols? Kung iilan lang ang sumusunod ay mahirap nga magkaroon ng ligtas at payapang lugar. Ang masaklap pa minsan ay kung sino pa itong maingat ay sila pa itong naa-outcast ng mga nagkikibit-balikat sa safety protocols. Dagdagan pa sa isyung ito ay kung ang isang pamunuan ay pabaya at kulang sa mahusay na pamamahala. Tipong kapag may nangyari ng aksidente ay saka lamang may konkretong aksyon.

Patalastas

How do you develop a safety-conscious mind all the time?

Ang komunidad na ligtas, malusog at payapa ay mayroong safety first culture. Para makamit ito ay hindi lamang dapat iatang lahat sa mga lider ang trabaho. Ito ay nagsisimula sa pagkatuto muna sa pagkakaroon ng safety conscious mind ng bawat bahagi ng community. Sa mga bata, ang pinakamainam na magtuturo nito ay mga magulang, nakakatandang kapatid, at guro. Sa mga matatanda ay dapat personal itong pahahalagahan ng bawat isa. Tipong kapag nakatatak na sa isipan ng kapamilya, katrabaho o kababayan na dapat “safety first” ay otomatikong aaksyunan ito at susuportahan. 

Ang taong may safety first mindset din ay prayoridad ang kaligtasan kahit ano mangyari. Tipong kahit nakakatamad ay gagawin pa rin ang tama at dapat. Kahit mapapagastos o kakain ng oras, gagawin pa rin n’ya ang protocols may nakabantay man o wala. 

Ang mga halimbawa ng safety first

Vehicle-related

  • pagsusuot ng helmet kapag nagmo-motor o nasa construction site
  • pagsusuot ng seatbelt kapag nakasakay sa behikulo. 
  • Paghawak sa safety handrails sa bus, tren at jeep
  • Pagsunod sa signal sa mga traffic lights at street signages
  • Pagtawid sa tamang tawiran gaya ng pedestrian lane (ped xing), overpass ( foot bridge) at underpass.
safety first ang pagsunod sa traffic rules
safety first ang pagsunod sa batas trapiko at kalsada

Food related 

  • Paghuhugas ng mga gulay, prutas at iba pa
  • Paglalagay ng takip sa mga pagkain o paglalagay sa refrigerator
  • Maging maingat sa food expiration at pagkapanis ng pagkain. Halimbawa ay mga pagkain na may kamatis at gata o nyo ay madaling masira.
  • Alamin kung may food allergy gaya sa seafood, mani at iba pa. 
  • Alamin ang bawal na food sa sakit gaya ng gout, rayuma, diabetes, at iba pa. Kadalasan bawal Ang mga beans sa naunang dalawang sakit.
Ang masarap na ma-nyog na Palitaw

Electrical and fire-related

  • Maaayos na pagsaksak plug ng appliances sa outlet
  • Pagtatabi ng wires at cables
  • Pagbili ng quality gadgets at electronic products. Ex. Naranasan ko na sumabog yung speaker na sinaksak ko sa computer.
  • Malayo ang mga sasaksakan sa tubig, gas o anumang kemikal.

Sa aspeto ng national disaster, isa sa ‘di ko makakalimutang aral ay mula kay Philvocs Director Renato Solidum. Ayon sa kanya ay mahalaga na magkaroon tayo ng disaster imagination na kung saan dapat naisiip natin kung ano puwedeng mangyari kung magkaroon ng disaster. Halimbawa, kung bahain sa isang lugar ay gaaano ba ang kataas ang mga bahay rito para hindi lubhang maapektuhan ang mga residente nang pagtaas ng tubig.

Dagdag pa n’ya mahirap din ang umasa sa base sa experience ng iba. Anya, ang malalaking lindol ay nangyayari halos every 400+ years. Kung ganoon walang nabuhay ng nakaraang 400+ years para magkwento ngayon kung gaano kalala ang nangyari sa panahon nila. Isa pa’y kung mayroon man, magkaiba na ang lagay ng estado ng mga lugar sa atin ngayon. ‘Di na puro dampa o bahay kubo na lang, may mga imprastraktura na gaya ng mga nagtatasang gusali, billboards at fly over. Siempre, mas marami na rin ang populasyon sa Pilipinas na maapektuhan ng mga peligro.

Dir. Renato Solidum

Ikaw may halimbawa ka pa bang safety first step



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.