Kada bagong taon, nag-iisip tayo ng resolusyon o layunin sa susunod na 12 buwan. Paano namang kung pag-isipan mong muli ang mga bagay na maaaring maigi, pero puwedeng paunlarin pa? Anong mga aspeto ang kailangan lang ng bahagyang pagbabago para makamit ang progresong nais mo? Para itong muling pagdedisenyo at pagtatama sa maling balanse sa iyong buhay. Para sa akin, magandang simulan ito sa pagninilay kung anong gusto mong matamo? Anong klaseng pagkatao ang nais mong maging? Pero sa post na ito, ang ibabahagi ko ay ang napagbulayan kong makamit sa hoshilandia.com. Anong tipo ng blogger o content creator ang gusto kong maging. At ano-ano ang mga plano kung hakbang.
Every new year, we think of our resolutions or goals for the next 12 months. How about rethinking the things that probably work but can be improved? What aspects to modify so you can achieve significant progress? It is like redesigning and fine-tuning the imbalance in your life. For me, it’s good to start by contemplating what you want to achieve. What kind of person do you choose to become? But for this post, I’ll share with you my introspection of what I want to achieve for hoshilandia.com. what kind of blogger/ content creator I choose to become. And what are my action plans.
4 Things I want to achieve this year as a blogger/content creator?
Bounce back! Sa kabuuan, ito ay para sa aking enerhiya at gana sa pagba-blog kasi hindi ako kasing sipag gaya ng dati. Kaya ko pa ngang bilangin sa aking mga daliri ang mga nilathala ko sa loob ng tatlong taon. Ang maganda ay nakapaglathala ako ng ilang mahaba at malamang artikulo na nagkasaysay. Ang mga iyon ay nakatulong para makaraos ang website ko para sa anumang gamit at layunin. Pero utang ko sa aking sarili at sa aking publiko na kumatha pa ng mga laman.
Overall, it applies to my energy and enthusiasm to blog because I wasn’t as prolific as before. I can even count the number of posts I have published for the last three years with my fingers. The good thing is that I published a few long and meaty articles that paid off. Those helped to make my website afloat for whatever uses and purposes. But I owe it to myself and my public to create more content.
Nagpapasalamat ako sa mga nagbahagi ng aking mga post, nag-iwan ng komento, at nag-email sa akin!!! Nakatanggap pa nga ako ng mga mensahe na sinasabing binanggit nila ang aking artikulo sa kanilang mga pag-aaral. May iba nadiskubre ko na lamang. Maraming salamat! Samantala, paumanhin sa aking mga mambabasa/bisita sa hindi pagsagot sa kanilang komento at email agad (may iba di pa nasasagot). Ang totoo, maraming pagkakataon na ako ay pagod na, bagsak, o abala.
I am grateful to those who shared my posts, left comments, and emailed me!!! I even received messages from my readers that they cited an article of mine in their studies. There were some that I just discovered. Thank you very much! On the other hand, I’m sorry to some of my readers/visitors for not replying to their comments and email promptly (some left unanswered). The truth is there are times I’m exhausted, down, or busy.
Nalulungkot ako para sa aking sarili, ang Hitokirihoshi. Pinagkaitan ko ang aking sarili na ipursige ang mga hilig ko lalo na ang lumikha ng lathalain. Para bang pinabayaan kong alagaan ang aking sarili. Ngayon taon, babawi ako at uunahin din ang pagba-blog/ paglikha ng lathalain para sa aking sariling media.
I also feel sorry for myself, the Hitokirihoshi. I deprive myself of pursuing my passions, especially creating content. Somehow it’s like neglecting self-care! This year, I will bounce back and prioritize blogging/creating content for my own media.
Shift gears! Napagtanto ko rin na napakadaldal o agresibo ko sa pagpapahayag ng mga ideya. May pagkakataon, sinasabi ko kung ano ang maiisip ko o gustong-gusto kong pag-usapan—walang kiyeme! Siguro paraan ‘yon para makayanan ko ang pangungulila sa harapang pakikipag-usap o kawalan ng totoong pakikihalobilo sa aking kapwa.
Also, I realized I was very talkative or assertive about my ideas. At some point, I said whatever popped up in my head or was passionate to discuss—no holds barred! Maybe it was a coping mechanism for missing face-to-face conversations or a lack of real social interaction.
Naniwala akong wala namang malaking dapat pagsisihan sa mga nasabi ko. Sa pagkalahatan, pinipili kong maging direkta pero sa diplomatikong pamamaraan para klaruhin ang bagay-bagay. Mabuti na sa akin kainisan kaysa manahimik sa malabong usapan at maling kuro. Subalit, alam ko rin na hindi lahat ng ideya/panukala ko ay matatanggap—kahit na makakatulong. Naiintindihan ko rin na hindi lahat ng tao ay palaging bukas sa mga ito.
I believe there were no such big, regrettable things that I shared. Generally, I choose to be straightforward but in diplomatic way to set the records straight. I better be considered annoying than mum about miscommunication and misinterpretation. However, I also recognized that not all my ideas/suggestions are acceptable—even if they’re helpful. Understandably, not all people are always receptive.
Ganunpaman, ayokong itago lang ang aking mga ideya, istorya, at napag-aralan. Inspirado ako na sundin ang payo ng aking kaibigang si Claudia. Aniya, ang makabuluhang bagay ay kailangan ibahagi para ang karunungan at kaalaman ay makarating din sa iba na nangangailangan ng mga ito.
Nevertheless, I don’t want to just keep my ideas, stories, and studies. I am inspired to follow my friend Claudia’s advice. She imparted that meaningful things need to be shared, so the wisdom and knowledge also reach others who direly need these.
Rethink purpose/tactics! Bakit ko nga ba nakakalimutan na mayroon akong paglalabasan ng mga naiisip, lalo na dito sa hoshilandia.com? Bakit ko nakakaligtaan na ang pagba-blog ay nagbibigay sa akin ng ‘di matatawarang kabutihan, kasama na ang therapy at pagkakaroon ng silbi. Kung babalikan ko ang mga “bakit” sa pagba-blog, ginagawa ko ito kasi mayroon akong maibabahagi. Gusto kong tumuklas at matuto ng iba’t ibang aralin. Gusto kong magbigay ng impormasyon, mabigay-aliw at makatulong sa pamamagitan ng aking mga likha.
Simula ngayong taon, pagtutuunan ko ang “mga paano”—ang mga taktikal na hakbang—para sa anong nais kong makamit.
Why do I forget that I have outlets to share my thoughts, especially hoshilandia.com? Why do I forget that blogging offers me priceless benefits, including therapy and having purpose. Going back to my “whys” in creating content, I’m doing it because I have something to share. I want to explore and learn diverse lessons. I want to inform, entertain, and serve others through my content.
Starting this year, I’ll focus on “the hows”—the tactical steps—for what I want to achieve.
Level Up! Nanatili ang mga bagay na aking pinapahalagahan sa paglikha ng lathalain, pero nais kong pag-igihin pa ang pagiging blogger o indibidwal.
My core values in creating content are intact, but I like to level up as a blogger or individual.
3 Steps to Level Up in content creation
My plan beginning from this post is to do any or all of these:
Publish bilingual posts- Mula’t mula pa ay ipinagmamalaki ko ang pagba-blog sa Filipino. Subalit sa pag-iisip kung paano maibabahagi pa ang aking saysay bilang manlilikha, dapat din ikunsidera ang mga dayuhang bisita hindi nakakaintindi ng wikang Filipino. Nitong Kapaskuhan, napagtanto ko na ang dami kong pinalampas na pagkakataon para makipag-ugnayan sa kanila. Oportunidad ito para sa nais kong matamo bilang Pinoy blogger—ipakilala ang Kultura, destinasyon, sining, at iba pang bagay tungkol sa Pinas.
Paumanhin sa mga mambabasa ko dati na nagtanong at humiling na mag-blog in English. Atrasado lang ako!
I have always been proud to publish articles in Filipino. But as I am rethinking how to serve my purpose as a creator, I reconsidering foreign visitors who cannot understand Filipino language. It was only this Christmas season that it came to my senses; I missed the chances to connect with them. And it’s opportunity for what I want to achieve as a Filipino blogger—to promote Philippine culture, travel destinations, arts, and more.
Sorry for those readers who asked and request that I blog in English before! I am a late bloomer!
Audio blogging/ podcasting – Seryoso kong inaalisa ito mula pa noong Nobyembre 2020 sa tatlong kadahilaan
- Kaya kong gawin ang audio blogging, narration, o podcasting. Panahon na para isakatuparan ang aking mga natutunan mula sa karanasan ko sa produksyong pang-radyo at streaming at mga nakilalang podcasters.
- Makakaugnay din ako mga ‘di palabasa o mas gustong makinig ng mga lathalain.
- Hindi talaga ako kumportable humarap sa kamera gaya ng ibang magagaling na vlogger at youtuber. Kaya, ito ang mainam na alternatibo para sa akin.
- At makakadagdag pa ako ng mga komento at pagbati, hehehe
I have been seriously considering this since November 2020 for three reasons.
- I can do audio blogging, narration, or podcasting. It’s time to flex my learnings in radio production and streaming experiences and from podcasters I met.
- I can reach those who non-readers or prefer to listen to content.
- I am not comfortable being in front of the camera like other great vloggers and YouTubers do. So it’s the best alternative for me.
- And I can add more commentaries and shout-out, hehehe!
Video version/ vlogging – Alam na alam ko na ang vlogging ang uso sa content creation. Pero bukod sa hindi ako mahilig sa selfies; ang totoo ay hindi ako pursigidong bumili ng kailangang gamit sa vlogging. Ngayon, oo na! At sa wakas din ay napagtanto ko na rin ang makapag-vlog na hindi ko kailangan magpakita sa video. Pambihira, bakit ko nakaligtaan na ako ay anime fan? Gusto ko ng animation, cartoons, pagdo-doodle at kahit anong visual o multimedia arts! ‘Lam na?!
I have been aware that vlogging is the in-thing in content creation. But aside from that, I am not into selfies; the reality is I was unwilling to buy the necessary gadgets for vlogging. Now, it’s a yes!
And it finally makes sense to me that the ways to do vlogging without showing up on video. My goodness, why do I forget that I am anime person? I like animation, cartoons, doodling, and any visual or multimedia arts. Gets?!