Ano ang self-care at bakit ito importante?


Ang self-care o pangangalaga sa sarili ay pagkakaroon ng panahon para bigyan halaga na mapanatili o mapainam pa ang iyong pisikal, mental, o kabuuang kalusugan. Ito ay ayon na rin sa National Mental Health Institute (NMHI). Mahalaga ang self-care para maging  maganda talaga ang lagay mo. Sa gayon, maging okay ka rin sa ibang aspeto ng iyong buhay. Ang simpleng intindihin, pero sa totoo mahirap din makamit at maranasan ito, ano?

Quality is sleep is self- care, hoy!
painting of Noel P Blanco, Blanco Museum

Anu-ano ang pillars ng self-care

May iba-ibang pillar o haligi ang self-care, ayon sa bersyon ng blissfulmind ito ay pangangalaga sa  iyong

  • mentalidad o kaisipan
  • emosyon
  • pangangatawan
  • kapaligiran
  • espiritu
  • pag-aaliw
  • sosyal 

Bawat isa rito ay mahalaga at may iba-ibang paraan upang palaging makamtan. Samantala, sa bersyon ng ISF o International Selfcare Foundation , ang pitong pundasyon ng self-care ay

  • karunungan sa kaalaman at kalusugan
  • kaigihan ng mentalidad
  • aktibidad na pisikal 
  • malusog na pagkain
  • pag-iwas sa mga peligro
  • pagiging malinis o hygienic
  • tamang paggamit ng mga produkto at serbisyo

 7 Life lessons that I have learned about self-care

Noong bata ako, hindi ko pinapansin ang saysay ng selfcare. At ang ideya ko rito  ay tungkol lamang pagpapaganda at pagppahinga. Puwede naman kasama talaga ang mga ito, pero siempre natutuhan natin na ang self-care ay higit pa sa mga ito. 

Narito ang mga natutuhan ko tungkol sa ano ang self-care at bakit ito importante : 

  • Lead yourself: Working on your self-made confidence is achieving self-care. 

Noon ang laking puntos kung ano ang ang iisipin ng iba tungkol sa akin. Siempre, madalas ay naapektuhan ako kung ‘di pabor. Pero napagtanto ko rin na kung ano tatanggapin mong opinyon ay iyon lang din mahalaga. I learn to toughen myself against comparison by appreciating my strengths and embracing my weaknesses as well. Package deal ‘yan. I am perfectly imperfect!   

Ang realidad naman ay palaging mas may bata, maganda, magaling, matalino o nakakaangat. Kapag tinatanggap natin ganoon, hindi rin naman ibig sabihin ay mababa ang pagtingin natin sa ating sarili. Katunayan, we can genuinely be happy for others’ success or happiness. Dapat maniwala tayo sa ating bukod-tanging katangian. Hindi biro ang mga pagsasanay at karanasan, at patuloy na pagpapabuti sa sariling kasanayan. Hindi dapat itatapon ang mga hamon, kritisismo, papuri at pasasalamat na natanggap natin sa buhay. Ang sa akin lang din ay ako mismo ang tumulong sa sarili ko para maging ako at gusto ko pang maging. So I should be confident and be proud of myself for being responsible for my achievements, including bouncing back from failures. Hindi rin madali ang disiplinahin ang sarili, huh!. Kaya bakit ko masyado iisipin kung ano sasabihin ng iba? Ako nakakakilala at tutulong sa sarili ko.

Patalastas

At para roon sa tumatrato nang hindi maganda base sa ganda, timbang, kulay ng balat, kasarian at iba pa ay bahala sila (‘wag lang bastusan). Sa totoo lang, ang unang impresyon ko sa ganyang tao ay ang luma o obsolete ng mindset! Hindi ko sakop ang negatibo niyang pag-iisip. 

Katrina miranda tuazon’s mirror painting 2
  • Adopt an abundance mindset: Don’t expect everyone to value you, but appreciate those who do. 

May mga tao na pinakisamahan mo naman nang maganda pero parang binabalewala ka. Minsan deadma lang, pero minsan din masakit depende sa tao o sitwasyon. Pero sa paglipas ng panahon ay naunawaan ko rin na sadyang may tao na nakatuon lang ang atensyon sa sarili o iba-ibang bagay para unahin ka. 

Pero kung halata o parating itsapuwera, maaaring ibig sabihin nito ay di ka talaga importante para huwag isama sa priorities. Sa ganyang sitwasyon, di ko na ipipilit at gagawa na ako ng “the move.” Kumbinsido ako na palaging may tao o organisasyon na magpapahalaga sa akin. Siempre, kailangan bigyan halaga ko rin sarili ko. Base na rin sa mga karanasan at natutuhan sa buhay, kailangan mo lang talaga ay pala magsalita, mag-quit, maghanap o ano pang magandang move at masusumpungan din! 

  • It is okay to feel weird.

Naranasan mo na ba parang kakaiba o di ka nababagay sa mga kasama mo? Me, I feel it most of the time ever since I was a kid. Ang ilang bagay na feeling ko ay weird ako sa iba ay dahil I like boyish-type of clothings, diverse interests (from business to anime), loner and sociable (ambivert), at iba pa. Ilang taon iniisip ko kung may mali ba sa akin? Parang kasalanan ko bang ganoon ako? Pero kahit ano pang logic o philosophy ang aralin ko, WALA TALAGA! And it turns out what’s weird about me is my notable trait. Halimbawa, sinasabi nila kengkoy ang pagiging mahilig ko sa anime o art. Pero nakatulong ito sa akin ito para maging creative thinker-problem solver. 

You are unique, accept it
  • Be frank and diplomatically communicate your ideas or thoughts 

It is so good to be polite all the time. Pero gaya ng nabanggit ko sa itaas, may mga tao na prayoridad ang sarili nilang kapakanan o pinapahalagahan. Kaya anong gagawin mo kung pakiramdam mo dehado, inaabuso, o di ka pinapansin? Kimkimin? Kapag nagsalita ka ba automatic, nakikipag-away ka na? 

Sa paglipas ng panahon ay natutuhan ko nang magkaprangka kung walang ibang choice at ‘yon ang solusyon. At madalas naman ang mga isyu nag-uugat sa miscommunication or misinterpretation kaya kailangan ng diyalogo. Try to reach out first, puwedeng sa text messaging, email, o chat kung doon mas kumportable. Pero kung di madaan sa ganoon, you have to be frank about your concern. Sa ating Pinoy, tatawagin kang mataray pag ganun but that is just mere norm. Mas maganda pa rin ang ilabas ang saloobin mo, straight to the point pero kalmado. Kahit ano pa ang result o reaksyon na makukuha mo. Ang payo ko lang ay maging diplomatiko parati sa pakikipag-usap at maghanda ng mga hakbang sa posibleng result. And don’t forget to stay respectful. 

rotary dial telephone
Communicate your thoughts and feelings
  • Look for more social connections, and choose to be with people who have positive mindset. 

Minsan kasi yung toxic people ay malapit na mismo sa iyo, at naapektuhan ka na sa pagkanegatibo nila. You can’t just give up and iwan sila basta, di ba? And they deserve din naman ng pang-unawa. Pero ang hirap naman kung parating negative or emotionally draining ang usapan. Kaya makatulong na may grupo, barkada, o ibang tao ka makakasama. Hindi lang sa nakakahanap ka ng aliw or mahihingahan din, kundi nakakakuha ka rin ng positive outlook sa buhay. 

  • Don’t forget to take a break! 

Ang simple nito pero kahit ako nakakalimutan kong mag-break kapag sobrang abala. Yung break na tinutukoy ko ay puwedeng sa isang araw, linggo, o buwan. Base sa ibang research at interview ko kay Dr. Corazon Zaida N. Gamil, may epekto talaga sa health kapag walang pahinga. And it’s urgent to take a break if you feel you’re often sad, stressed or sick.

May nangyari sa akin na sa sobrang hina ng  pakiramdam ko. Pati gana ko sa work at buhay ay nasaid na. I don’t know I just question if everything I do have value. Ang pangit ng pakiramdam, parang ayaw ko ng bumangon sa higaan. Napagtanto ko noon talaga ng kahalagahan ng pagbibgay ng importansya sa health. Kasi kahit gaano ka ka-passionate, walang saysay. Tama yung nagsabi na ang pinakamahalaga sa buhay ay ang buhay mismo. Hindi trabahong di matatapos o gawaing bahay. 

Taking a break ay ang self-care na magagawa mo araw-araw

Ikaw kumusta ang selfcare mo? 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.