Ang sahig o flooring sa bahay ay halos kasing lawak ng istraktura. Pero madalas, hindi gaya ng pader o dingding at bubong, ay hindi agad ito pinaprayoridad. Kung ikaw ang may-ari o magpapagawa ng bahay, magandang tingnan na mahalaga ang flooring sa bahay – mula sa tibay, klase, gamit at ganda nito.
Why flooring is important?
Kung pinarerentahan ang bahay o may instensyong ibenta (residential or commecial real estate man), importante ang flooring para sa itaas ang aesthetic, sturdiness, at monetary value nito. Tandaan na ang sahig ang nagdadala ng bigat ng anuman at sinuman sa bahay. Ito rin ang tinatapakan at tinutuntungang pundasyon na dapat lang ay komportableng at ligtas para sa mga paa o anumang kagamitan. Higit sa lahat, ang tibay ng sahig ay malaki ang kinalaman sa katatagan ng buong buhay. Ika nga kung mahina pundasyon, hihina rin ang mga haligi nito. Lahat ng mga katangian na ito ay importante para sa mga house buyers at real estate investors. Dahil anumang bahagi ng bahay, isa na ang flooring, kung bakit nila masasabing sulit sa pera, ligtas, at kaaya-ayang ang kanilang investment sa bahay sa mahabang panahon.
3 Bagay na Nakakasira ng Flooring
Dahil ipinapalagay natin na mahalaga ang flooring sa buhay, dapat isipin kung paano ito mapapangalagaan at maiwasan na nasisira. Sa realidad, ang home repair o home renovation ay mangyayari at mangyayari. Subalit ibang usapan kung ito ay napadali at napapadalas. Bukod sa malaki-laking gastos, abala rin ito sa panahon at ernerhiya. Kaya, ano-ano ba ang mga elemento ang nakakasira sa sahig ng bahay na dapat nating tandaan?
>Foot traffic – Ito ay dami at bigat ng lakaran o galawan ng mga nakatira sa bahay. Mas maraming tao at aktibidad ay mas possible ang gasgas, palo, bunggo, at pagbitak ng sahig.
>Palaging basa o expose sa likido – Ang liquid substances na tumutulo sa kisame, gripo, o saan man gaya ng tubig o kemikal ay floor damaging agent. Nagkakaroon ng mold o amag sa semento at kahoy, at kalawang sa bakal kapag laging mamasa-masa ang sahig. Kaya, ‘wag ipagwalang-bahala ang tamang pagpili ng flooring na depende sa kondisyon ng iyong lugar. Siyempre, iba-iba rin ang klase ng flooring gaya sa mga ‘di maiiwasan na laging basa gaya ng CR at kitchen.
>Furniture / muwebles at appliances – Hindi ka ba mapakali sa paglipat-lipat ng kabinet, upuan, TV set, ref at kama? Isa sa apektado sa paiba-ibang isip at setup sa bahay ay ang sahig. Depende sa pagbuhat at paglapat ng mga gamit, madaling magasgasan o magkakabitak ang sahig kung di iingatan.
>Temperatura at panahon – Kung tutuusin, hindi praktikal na gumamit ng kahoy o wooden flooring lalo na kung pangmatagalan itong gagamitin. Ito ay dahil ay nag-iiba ang porma ng kahoy kapag malamig at mainit. Ang resulta ay nagkakaproblema sa pagkakalapat at tibay. Pero siempre maganda tingnan din ang kahoy at maraming bahay sa Pinas na gawa sa kahoy, kasama na ang sahig. Ang kaso ay natutungkab at madaling maalis sa pagkakapako ang kahoy lalo na kung humina na ang kalidad niyto.Dito lamang ang ibang klase ng flooring gaya ng tiles, vinyl, marmol semento o bakal na halos walang reaksyon sa temperatura.
>Insekto at peste – Isa pang problema sa wooden flooring ay inaanay, binubokbok at pinamamahayan ng nakakasirang pester. Kaya mapapansin na lang na may wooden flooring na natatanggal sa pagkakapako. Gaya ‘yan ng mga pintong kahoy na bigla na lang ‘di sukat sa hamba sa paglipas ng panahon.
Hindi tamang pagkakagawa – Minsan kahit anong ingat at alaga sa sahig, kahit anong tibay o kalidad ng nabiling flooring material ay balewala. Iyan ay kapag hindi maayos ang pagkakagawa ng sahig. Halimbawa, madaling ilagay ang vinyl tiles kaya puwede itong i-DIY. Pero kapag hindi ito maayos—lapat, pantay at walang tibay ang dikit—ay madali itong matutungkab at masisira. Ganito rin kahit marmol tiles o ordinaryong flooring cement.
7 Bentahe sa tamang pagpili ng flooring sa bahay
Pagsasaayos at pagpapabuti ng estetika: Ang pagpili ng tamang flooring ay nagbibigay-daan upang mapabuti ang estetika ng iyong tahanan o anumang espasyo. May iba’t ibang uri ng flooring tulad ng kahoy, laminado, tile, o kahit na carpet. Maaari kang pumili ng disenyo at kulay na mag-aayos at magpapaganda ng iyong tahanan.
2. Pananatiling matibay ng iyong sahig at buong bahay: Mahalagang manatiling matibay at pangmatagalan ang kalidad ng sahig para sa kaligtasan sa iyong pamilya. Sa pamamagitan ng tamang flooring, matitiyak na tatagal at hindi madaling masira o mabakbak ito. Higit sa lahat mas masisiguro ang kaligtasan ng mga gumagamit nito.
3. Madaling linisin: Maraming uri ng flooring ang madaling linisin. Halimbawa, ang tiles at laminado ay maaring punasan nang gamit ang basang panyo o mop. Sa kabilang banda, ang mga carpet ay maaaring magkaroon ng mga mantsa, ngunit mayroong mga solusyon tulad ng mga espesyal na produkto para sa paglilinis nito.
Ang madaling paglilinis ng flooring ay nagbibigay-daan din para mabalis at mapanatiling malinis at maganda ang tahanan o tindahan.
4. Pagpapainit o pampalamig: Ang iba’t ibang uri ng flooring ay may iba’t ibang katangian sa pagpapanatili ng temperatura sa loob ng iyong tahanan. Halimbawa, ang kahoy na flooring ay maaaring magbigay ng isang mainit na atmospera, samantalang ang mga tiles ay maaaring makatulong para makadama ng lamig. Ang mga ito ay maaaring magamit upang mapanatili rin ang kaginhawahan sa iyong tahanan, depende sa iyong mga pangangailangan.
5. Kakayahan na ilabas ang iyong estilo: Ilan sa paborito kong online games ay may kinalaman sa desigining, Kahit doon man lang maging interior designer or architect ako. hehehe! Pero paalala rin na sa flooring sa bahay ay daan din para ilabas ang iyong sariling estilo, personalidad o sining. Siyempre depende yan sa disenyo at materyal na pipiliin mo.
Maaari kang pumili ng mga maliliit na tiles para sa isang modernong anyo, o kahit na magsama ng iba’t ibang kulay at hugis upang lumikha ng natatanging disenyo. Ito ay isang paraan upang magpakita ng iyong pagkamalikhain at pagkatao sa iyong tahanan.
6. Madaling malagay, ma-assemble or ma-install: May mga uri ng flooring o tiles na na madaling i-install. Halimbawa, mayroong mga laminado at vinyl flooring (gaya ng napili ko) na maaaring ikabit nang hindi kailangan ng espesyal na kasanayan o kagamitan. Ito ay maaaring makatipid sa oras at gastos sa pagpapasadya ng iyong tahanan.
7. Dagdag na halaga sa iyong bahay/ negosyo: Ang pagpili ng magandang kalidad na flooring ay maaaring magdagdag ng halaga sa iyong tahanan. Gaya ng nabanggit ko sa itaas mas attractive at matibay, mas nakakaengganyo sa buyer/ renter/ customers. Kung ibebenta mo ito sa hinaharap, ang magandang kondisyon at disenyo ng iyong flooring ay maaaring magdulot ng mas mataas na halaga ng iyong ari-arian.
Ang mga ito ay pitong benepisyo na maaaring makuha sa pamamagitan ng pagbili ng tamang flooring. Kaya mahalaga na pag-aralan ang iba’t ibang uri ng flooring at isaalang-alang ang mga pangangailangan ng iyong espasyo bago magdesisyon.
Para sa mga interesado rin ana makabili ng flooring para sa house/ room renovation gaya sa akin, inirerekomenda ko ang VNC Tile Center. Maganda experience ko sa store na ito at accomodating sila sa mga questions ko.