Emergency fund: Do we need it?


emergency fundSince 2011 ay naging interest ko ang pagbabasa about personal finance. Kadalasan, ang laman ng ganitong paksa ay may kinalaman sa investments gaya sa mutual fund, t-bond and stock market.

Pero hindi lamang ito tungkol sa kung saan mo mapapalago ang iyong pera, kundi kung paano mo rin ima-manage ang iyong kinikita. Kaya naman apart sa pagba-budget sa panggastos at kung saan magandang mag-invest, dapat ay mayroon ka ring itinatabi or  emergency fund.

Hindi na ako lalayo sa example, I’ll tell you my own experience minsan at ang lesson na na-realize ko roon.  I have money na naka-time deposit and  na-invest ko na sa stock market.  Between the two, pinaka-easy (o gusto) ko na mahuhugot  ay ‘yong pera sa time deposit kapag may kailangan ako. The problem with time deposit is better na kunin ang pera mo sa maturity date nito. Why? Because sa liit ng interest nito, nakakapanghinayang na kunin mo then magbabayad ka ng penalty na puwedeng katumbas ng ilang buwan sa bangko.

Why in Time deposit?

Before ako magbasa about personal finance, nakapag-time deposit na ako.  Naisip ko ‘yon kasi lumaki na rin kahit papaano ‘yong savings ko sa kakatipid sa aking sahod at kaka-sideline. So since wala pa akong naiisip na saktong negosyo na gusto ko, I opted na i-time deposit muna para habang nagre-research ako, nag-iinteres na ang pera.

How about in time…emergency?

Ang masaklap in time deposit or other type of investments, kung gaano mo sila kabilis na nailagak ay hindi naman ganun kabilis mong makukuha a.k.a ‘di liquid. You know in time of emergency, hindi lamang halaga ng pera ang kailangan mo kundi bilis ng oras na maipo-produce mo iyon especially kung health ang katumbas. Fortunately, hindi naman matter of life and death ang isyu nung sa akin. Pero kailangan ko ng ganitong halaga sa loob ng isang linggo and magiging, alamat na lang ang time deposit ko.

Emergency fund helps your personal finance

Since ang emergency ay isang bagay na hindi mo hawak pero alam mong puwedeng maganap, ang paglalaan dito ng pondo ay magandang bagay.  Isa pa’y majority ng medium to long term investments ay mararamdaman mo lang ang kita sa pagtagal ng panahon. Kung dito ka kukuha palagi for your emergency expenses, hindi ka makaka-build up ng money. Ayon sa mga financial expert, ang ideal amount for your emergency fund ay kayang i-cover ang iyong 6-month expenses.  Kung ako ang tatanungin mo (na simpleng blogger at hindi financial expert), kung gusto mo magkaroon ng emergency fund. then gusto mo rin kumita at the same time, piliin mo ang above ordinary savings account. Kahit maliit lang ang interest basta mabilis mong mawi-withdraw at  hindi nakakatakot na mauwi sa wala  or not volatile.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

23 thoughts on “Emergency fund: Do we need it?