Food Review: Mann Hann’s sister Resto – Mannang


Dahil sa birthday ni Iamstorm.com ay napakain na naman ako sa medyo above food chain level na kainan. This time naman ay sa Mannang, na sister restaurant ng Mann Hann restaurant. May branch ito sa SM Megamall (na kauna-unahan ata) at sa SM Mall of Asia.  Magkatabi lang ang dalawang restaurant (dati) ang maganda kung halimbawa bukod sa Filipino cuisine na specialty ng Mannang ay pwede ka rin maka-order dito ng Chinese cuisine mula sa Mann Hann. Parang Hoshi Sr at Hoshilandia Jr lang. hehehe!

Sisig of Mannang 

Dahil walang Champorado hehehe ang inorder ko para safe ay ang Sisig. Sisig ang first choice ko pag ganitong kainan kaso takam na takam ako makalasa ng iba’t ibang luto nmg sisig na kung hindi tuyo ay may basa. Pasado naman sa panlasa ko ang Sisig ni Mannang at sige na nga aprobado na ang 165 dahil malaki-laki naman ang serving.

Sisig of Mannang

Natikman ko rin ang Sweet and Sour Pork with Peach  na sa sarap ay panay ang hingi ko hehehe bakit ba? Kahit hindi ko matikman ang sugpo (dala ng aking allergy) sa Sinigang sa Sugpo  ay masarap naman ang sabaw nito na may miso pa.   Humahagod ang asim, init at  gaspang ng mismo sa aking digestive system.

sweet & sour pork of Mannang

Ang hindi ko lang tinikman ay ang Seafood special na inorder ni birthday boy. Una ay seafood na naman saka iyong itsura hindi alluring sa paningin ko.

Seafood special of Mannang

Originally ay ilalagay ko sana ang price ng mga food  na ito kaso hindi naman namin naitabi yung resibo at iba-iba ang price na nasa ibang website. Ang masasabi ko lan usually ay naglalaro ang mga ito sa Php 160-300.  May kabagalan ang pagse-serve kahit dun sa pagbabayad na pero pagdating naman sa food at ambiance, pasadong-pasado na.

 

Minimal ang interior design at maliwanag ko namang nakikita  yung pagkain at kaharap o katabi ko, at  nakakausap ko pa sila ng matino dahil  banayad lang ang background music (meron nga ba?)

Ang pinakana-appreciate ko mula sa Mannang ay yung pag-inom ng tea pagkatapos kumain.

Patalastas

Usually kasi umiinom ako ng mainit na sabaw o soup bago kumain lalo na ‘pag gutom na gutom ako.  Pang neutralize yun ng rebelusyunaryo kong tyan.

Pero sa pag-inom ng hot tea, tinatanggal naman nito yung maanta na dating sa iyong dila at bigat sa iyong tyan.  Sa kape kasi nawawala ang bigat pero maya-maya parang nagugutom na naman ako. dito sa tea, banayad lang at nandoon pa rin yung busog ka.

Seafood special of Mannang

Note: Hindi ako sure kong bukas pa sila, mayroon pa sa Megamall or lumipat lang ng location.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

12 thoughts on “Food Review: Mann Hann’s sister Resto – Mannang

  • sasaliwngawit

    hello, hoshi. maganda ang pagkakasulat mo nito, bukod sa tila nabusog ka, ahihi. di pa ako nakakain sa Mannang pero sa Man Hann, medyo madalas naman. masubukan nga minsan pag sinipag akong mag- megamall, haha. ^^

    ah, ganire. usually, pag house tea, hot tea ‘yon kapatid at sabi nga sa ‘taas, libre. pag iced tea, usually, may bayad, ahaha. except sa few instances na promo nila, free ang iced tea.

    pag ang resto ay nasa price range na gaya nitong nasa post mo, kadalasan, may house tea na ‘yon. kumbaga, packed in na sa presyo noong foods na o-order-in mo. di na sila lugi kung me pa-tsaa. btw, noong babagong umpisa ang chowking (na isang fastfood, kung tutuusin) may house tea rin silang isini-serve. wala na ngayon, pambihira. pati sa maxim, meron din. ngayon yata, bibigyan ka na lang pag nag-ask ka. kayrami ring belt-tightening measures ng mga kainan ngayon, as in… ^^

    sana ay nasa maigi ka. salamat for this post. cheers! 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      wah ngayon ko lang nasagot ito kung ‘di pa may bagong comment. hehehe!

      salamat sa iyong pangangamusta, maigi naman ako at sa panahon na nasagot ko itong comment mo (yun ay kung binabalikan mo ang comment mo hohoho)ay papunta na ulit ako sa isa pang blog event, iBALL ng Nuffnang at Ayosdito

      hindi ko alam na may mga libreng ganyan ang Chowking at Maxim ( 2 beses ko pa lang ata nakainan). siguro yun yung time commercialized. I don’t know pag nagiging under ka kasi ng ibang company nawawala yung spirit ng business na sinimulan.

      mabuhay!

  • apollo

    huhuhu! miss ko na ang sisig. tea! tea! puro na lang tea! lols!

    in fairview, mas madami talagang benefits ang tea kesa sa kape o carbonated drinks.

    • Hitokirihoshi Post author

      ouch! nasaktan ang isang coffee drinker dito. iba kasi ang lasa ng kape sa tsaa lalo na sa amoy. hhehehe. pero hindi niya pasusubalian ang iyong tinuran tungkol sa magandang dulot ng Tea at tea sa ating katawan. hohoho!

  • Tim

    Kapag “house tea” kasi libre lang yun. Karamihan naman sa mga chinese restos na nakainan ko, meron nun. Yung iba lang ang may bayad, pero mura lang, mga Php20 lang siguro ang isang pot.

  • Tim

    Yung Seafood Special kasi, parang version nila yan ng classic chinese dish na may white sauce. Yun ang madalas kong inoorder kapag meron sa chinese resto na kinakainan ko. Pero alam ko naman na hindi ka big fan ng chinese cuisine. Hehehe.

    At maganda talagang palate cleanser ang tsaa. Maganda rin syang inumin kapag bigla kang nakakain ng maanghang. Kaya mas gusto ko talaga ang tsaa sa kape kasi mas malinis ang lasa nya. At mas mura pa. Biruin mo ang tsaa na ito ay libre lamang. Just ask for house tea. ^_^