Where are you Crafter?


You can’t have much money with it nor praise but doing arts and crafts is personally beneficial.

Noong Saturday, nakuha ko na ang aking prize sa Craft Time Magazine, kasama si Femi na gaya ko ay nanalo rin sa pa-contest nila (read here for more details). Bukod sa pagkuha sa  premyo, nakausap din namin ang editor in chief ng magazine na si Ma’am Angela Parma.

Accounting talaga ang kanyang field pero dahil mahilig siya sa arts and crafts, kaya naisip niya na makapag-put up ng babasahin nakatuon sa  iba’t ibang handicrafts at para na rin maturuan  ang mga mambabasa nito. Sa ngayon, ang mag ay mabibili pa lamang online at sa piling crafts store.

Maraming talented na Pinoy” (There are so many talented or artistic Filipinos)

Naniniwala ako sa sinabi na iyan ni Mrs. Angel, kasama na ang pagiging mahiyain at walang bilib sa sarili ng karamihan ng mga Pinoy. Ako man ay nagdalawang-isip pa noong una sumali. Pakiwari ko kasi ay mas marami ang magaling sa akin at walang-wala akong laban.

Sabi niya, madalas na ganito ang iniisip ng nakakarami kahit pa iyong mga inanyayahan na niya mismong sumali. Wala silang katiwa-tiwala sa kanilang sarili.  Sa bagay, ano naman kung magsasali sa contest at maipamalas ang iyong sining. Sali lang ng sali, ‘wag ka nga lang masyadong mag-expect na porke’t maganda na ang iyong artwork ay llamado ka ng manalo.

Are there any solid Filipino groups about arts and crafts?

Patalastas

Siguro mayroon pero hindi nga lang sikat sa lahat at doon naman sa mahilig sa arts, nagka-kanya.  Isa sa naiisip ni Ma’am Angela ay magkaroon ng grupo para rito o regular event kung saan magsama-sama ang mga crafters.

Sa ganang akin ay may mga bloggers na crafters din at the same time.  Siguro kung magkakaroon lang  ng mangunguna na magkaroon ng event para sa kanila at  naabisuhan naman ay tiyak naman kahit papaano at paunti-unti ay magkakaroon  ng Filipino Crafters group.

super like ko yung maleta store ng Aromateria

super like ko yung maleta store ng Aromateria

Naalala n’yo ba ang Arts and Crafts Fair sa Alabama (read here for more details). Ito ay nabuo lamang sa konsepto na magsama-sama ang mga taong mahilig sa crafts at puwede naman makapagbenta. In fact, may time na strict sila na kailangan hindi mass produce ang mga nilalako rito.

If you’ve got it, flaunt it – express yourself in art

                Sabi pa ni Ma’am Angela, sa ibang bansa ay mayroon ding mga competition sa arts pero mas proseso at puno ng technicalities.  Pero hindi naman ibig sabihin noon ay wala na tayong laban, minsan nga mas raw at mas naiiba ang arts ay’ yon ang angat.  Pero  ang pinakamabuting isipin, ay gawin ang iyong crafts dahil isa itong personal na bagay para sa iyo – nakakatanggal ng stress, nakapagbibigay ng saya at higit sa lahat, dahil may iaangas ka sa arts.  

By the way, kung sino raw na gusto mag-submit ng kanilang crafts ay puwedeng mag-submit sa kanila- find and them in Facebook and MultiplyCraft Time Magazine for more details

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

10 thoughts on “Where are you Crafter?