Finally nasubukan na namin ang mag-Manda Centrale, isang night food market, kapareho ng Banchetto (Ortigas) at Mercato (Makati/ Taguig). Kung mahilig ka sa iba’t ibang pagkain at okay ang kumain sa cowboy set up, swak na swak sa iyo ang ganitong klaseng kainan.
Night: after office
Ang Manda Centrale ay pakana rin ng mga taong nasa likod ng Mercato at ito ay parang kabuteng umuusbong sa Mayflower Parking Area, Greenfield District ( malapit sa Edsa Central) tuwing Wednesday to Friday at mula 6pm to 3am.
Bilang naaya at kakain, maganda ang time-slot ng ganitong tsibugan para sa kagaya ko na nagpapanggap na nag-oopisina dahil pang-oras ng uwi at malapit lang sa Mega tambayan ko. Hindi ka magmamadali, chill –chill lang habang naglalakad going there.
Sari-sari food
Puwedeng ikumpara sa Eat All You Can, Food Court, at Pistahang probinsya ang Manda pero puwede rin naman ‘yong napapanood natin sa mga Koreanobela. Malaking tent lang kasi ang bubungan nito at open na open ang place.
Marami siempreng mapagpipilian dito lalong-lalo na mga patok na street food like you know –Kwek-Kwek, BBQ, ihaw at mga Silog meals. Ako kung hindi lang may ina-eye na kainin at hindi kuripot ( so parang sinasabi ko na ring imposible) ay titikman ko yong mga cakes na itinitinda. Kung hindi ako nagkakamali that night ay may 4-5 na nag-o-offer ng ganung food. Iyong may pa-food tasting ang okay ang sarap at siguro ‘pag nakabalik ako bibili na ako, hello Miss Sweets!
Ang gusto ko talagang kainin nung gabing ‘yon ay gelato (tawag sa ice cream ng mga Italian). Pero dahil gutom na ako naglagay muna ako ng cushion sa aking ever sensitive stomach. Ikot-ikot, hanggang sa mapadpad at mapagaya ako sa pagbili sa Chicago Pizza. Okay naman kasi talagang mahilig ako sa pasta kaya order na ang Hoshi ng pesto pasta, with matching chicken wings, muffin at garlic bread for only 130 pesos. Bumili rin si Len ng cheesy potato salad sa kanila at masarao naman.
After lumafang ng cushion este ng pasta, diretso na ako sa Mio Gelati kung saan turo ako ng turo na puwede ko munang tikman at saka ako pumili ng sorbetes. Ang pinili ko ay isang Bubble Gum at Mango Cream flavour na regular at premium ice creams. Depende kasi sa combo ang price so ‘yon ang napili ko gitna lang P 160 price. Hatol? Sarap!
Business: Opportunity
Wala pa naman ako balak at hindi ko alam sakto kung paano pero I think ‘yong ganitong night market ay magandang opportunity para sa mga small time or new entrepreneur na may food business. Since ang location ay business district nandoon ‘yong chance na isa na pala sa customer mo ay willing na mag-invest at saka willing din to spend ang mga customers basta masarap ‘yong product. Hopefully ay affordable naman ang fee ng mga organizer ng Manda Centrale (isa raw dito si RJ Ledesma) para sa mga gustong mag-join.
Ang dami sigurong food stand….i love gelato too…:) Mag business kana kahit maliit lang..parang nice spot ung nakita mong lugar- night market!…:)
Wow thank you sa encouragement! Sana nga makapagtayo na ako soon at definitely, itatago ko itong comment mo para pang motivate ko. Maraming Salamat!
this is one of my wish list. I haven’t tried night food market 🙁 I hope so soon 🙂
at talagang lumalabas ang pagka-enterpreneur mo girl! go!
try nyo ate mas marami naman na ngayon, mayroon na sa makati, up techno hub, taguig, metrowalk, at iba pang business centers sa city.
uy meron na pala sa EDSA central. Dati dyan ako sumasakay pauwi sa min. Dyan dati ang terminal. Ngayon kainan na pala. makadaan nga uli minsan dyan.
Go -go -go! basta be careful sa day kasi tatlong araw lang sila doon.
mabuhay!
yup yup. hehehehe. thanks sa info. si wife ko rin na-excite. hahaha
ni isa sa mga nabanggit mo hindi ko pa nakakainan
kamusta naman yon
hehe
oo kumusta naman yon?
ano ba ang pagkain sa malibay? hehehe
Alam ko involved din sa Mercato saka yung ganun din sa QC si RJ Ledesma. Masarap talaga pumunta sa mga ganyan kasi maraming mga pagkain doon ay doon mo lang makikita saka kung tutuusin ay mas mura sa mga counterparts nila sa mga malls.
agree ako sa mga sinabi mo na doon mo lang makikita. hindi ko lang alam doon sa price. pero dun naman sa mga nakita namin, afford pa naman. hehehe
Syempre mas mura doon kasi parang tiangge-type lang naman yung mga tindahan doon. Medyo mas sosyal lang kaya hindi yung tipong murang-mura ang presyo. Pero maraming unique na stalls talaga kaya sulit pumunta. Makaka ilang balik ka para matikman mo lahat ng mga masasarap kainan.
Also best enjoyed with a group of friends. 😉
naman. parang ang kiyeme lang pag ikaw lang ang mag-isa magpunta. hehehe
ako enjoy ko yung food and business nila.
Actually, magandang venue ito para sa entrepreneurs na gusto i-test yung mga food products nila. Money Matters subject in the making oh! Hehehe.
Since Christmas season, magandang dalawin nyo rin yung ibang mga ganitong markets, meron sa Salcedo Village sa Makati sa weekends, hindi rin gabi yun, umaga naman. Alam yata ni Verne yun.
Oo nachuba ko na ito pero hindi sa mindset sa lasap. hohoho!
hmmm puwede ko siguro ma-try ito kung mag-overnight ako sa makati area. sa layo ng Makati sa amin at traffic, kailangan ng matinding effort.
pero let’s see .
hello… ala, alam ko saang banda yan. makapunta nga… sino kayang maaya, hmn. teka, until what time sila open, kapatid? 🙂
sige try mo ate. hanggang 3am sila kaya puwedeng-puwede after office.
mabuhay!
hi, hoshi… hala, until 3am? ang galing, pupunta kami, isang friday, isang barangay, hakhak. matataba ang family ko, ‘lam mo ‘yon? dalawa lang kami ng isang niece ko na hindi… puro kain kasi ang ginagawa namin, hehe. thank you, aayain ko ang mga sexy, hihi. regards, kapatid. 🙂
go go go kapatid. magandang exercise ang pagkain, nakakalusog ng katawan. hohohoho!
isa ito sa namimiss ko sa pinas. mga pagkain natin. naalala ko rin ung mga hawker sa singapore. tingin ko dun nakuha ang idea ng mga ganitong kainan (bancheto, mercato, etc.) sa atin…
mabuti nakuha nila kasi maganda naman ang concept. nakakatikim ang mga foodies at may chance na mag-shine ang mga small time entrepreneur.
tara na sa singapore, hohohoh!
mahal ko ang singapore. na-assign din ako dun dati ng mga seven weeks. kung sakaling magreresign ako, gusto kong sa sg magtrabaho. safe ang lugar at convenient din dahil established na ang public transport nila. dagdag mo pa ang masasarap nilang pagkain. yuum!
naku makapag-apply nga dyan sa country na yan. dati kasi kung papipiliin ako ng country canada lang nasa isip ko, then kung sa mas possible Japan.
hindi mahal ang cost of living dun?