Delicacies to taste in San Fernando, Pampanga


Delicacies or food rin ang  yummy sa pagta-travel at ito rin ang pambato ng iba’t ibang tourist destinations sa Philippines, hindi lang fun sa eyes kundi may “wow” din sa tummy. Ano kaya ang mayroon sa  San Fernando, Pampanga?

(Invitation! please  SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more  food and travel tip/stories.  Salamat and Mabuhay  🙂

Noong sumama ako sa bloggers and media tour for Giant Lantern Festival sa San Fernando, Pampanga ay hindi lamang paggawa ng malaking parol ang ipina-experience sa amin ng City of Tourism Office of San Fernando kundi maging ang masasarap na food mula sa tatlong kainan sa  kanilang probinsya. Unahin na natin ang…

Wil-Fel’s Delicacies

maja-blanca-rice-cake-cassava-cake-platito-2-by-hitokirihoshiNa-excite ako sa pagpunta namin sa outlet ng Wil-Fel’s Delicacies sa Bantayan, Dolores (beside Dolores Church) at  umeksena rin ako sa interview portion sa manager nito na si Mr. Wilfred Q. Sanga. Dalawang bagay kasi, una ay alam n’yo na- mahilig ako sa kakanin at pangalawa  ay negosyo. Family business pa man din ito kaya nakaka-inspire malaman kung paano nila napalago  ang kanilang simpleng kabuhayan.

Ayon kay Sir Wilfred, nag-umpisa lamang din talaga sila sa paglalako. Nung nakita nila yung chance magtayo na mismo ng store sa labas ng kanilang tahanan ay doon na talaga bomongga. Naisipan na rin nila na pangalanan ang kanilang masasarap na kakanin ( garantisadong Hoshi ito) at bigyan ng packaging para naman mas makilala ang kanilang produkto saan-saan man ito bitbitin.

 business lesson: Tama nga naman kung walang pangalan, hindi lamang parang ordinary kundi  mawawalan ka ng chance na mas mai-market ang iyong busines.    So go sa packaging at pagpapa-rehistro sa DTI or SEC ( kung big time ka at corporation ang mayroon ka) para maging legal din ang iyong negosyo.

Ang kabuhayan din ito ang nagbigay daan para matapos sa pag-aaral ang mga anak ng mag-asawang Wilfredo at Felicitas. Homemade lamag ito kaya mas masarap ika nga ni Sir Wilfred at ang peak season nila ay siempre tuwing Pasko.maja-blanca-rice-cake-cassava-cake-2-by-hitokirihoshi

products and prices

  • mochie – Php 110  per box  -tatagal ng 3 araw sa viaje
  • cassava – Php 110 per box –  tatagal ng 3 araw sa viaje
  • maja-blanca (tibok-tibok) – Php 110 per box (pinakamasarap for me) – isang araw lang ang itatagal
  • rice cake – Php 120 – tatagal ng 3 araw sa viaje

Mayroon din naman silang mga half box at mas makakamura kung mismo dito sa outlet ka nila bibili. mayroon din daw silang branch.

wilfredo-q-sanga-by-hitokirihoshi

Mr. Wilfred Sanga

[hana-code-insert name=’Pampanga Travel Book’ /]

Patalastas



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

6 thoughts on “Delicacies to taste in San Fernando, Pampanga

  • Tim

    Yun oh! Mga kakanin na iyong paborito! Try mo rin yung kulay itim na kalamay, nalimot ko kasi yung pangalan nun. Yun ang pinakamasarap na natikman kong kakanin so far. Sa Tarlac, Betty’s ang nagbebenta nun.

  • Balut

    hay naku puro pagkain talaga ang nababasa ko today sobra na cravings ko! sumabay pa ng mga mga kakanin dito anovey! haist!

  • Rogie

    Mahilig din ako sa mga kakanin. Bukod sa masarap kasi, nakakabusog pa agad. Mabigat sa tiyan kahit maliit lang ang kainin. 🙂

    Sa mga malalapit na probinsya sa Maynila, ang Pampanga ang di ko pa talaga napupuntahan. Nadadaanan lang pero yung mag-ikot, di ko pa nagagawa. Though alam ko na maraming magagandang lugar dyan. Hopefully, makarating ako diyan at makatikim ng kakanin ng Wil-Fel.

    • Hitokirihoshi Post author

      Oo try mo yang tindahan na yan. hindi naman siya sakto na alam mong resto pero puwede kang mag-take home. mas mura lang din. mayroon din sila branch sa DAO at mayroon din ata minsan sila sa SM or Robinson’s sa lugar nila.

      Abangan mo pa may 2 pa ako food sa San Fernando, Pampanga na isusulat.

      Mabuhay!