Why it is important to backread?


I’m sort of futuristic person because it gives me passion to “live more.” Medyo maka-“ngayon” din ako lalo na kung kailangan ko ng focus. What about past? Is it important? Backread!

Backreading: Tracking

  1. You’re not lost.  Especially sa mga forum at blog post na may mahahaba ng thread of comments. Ang daleng madale at mawala sa usapan kong hindi ka muna magbabasa bago ka mag-comment.
  2. You’ll see the progress.  Kailan lang ginawa ko ulit ito sa blog kong Kwento’t Paniniwala ni Hitokirihoshi. Of course, ibang-iba na ako noon sa pagdating sa paglalahad ng kwento pero napansin ko nabawasan rin ang humour ko. So kailangan ko maging humorous ulit?
  3. You’ll avoid mistake.  Madugo at nakakatamad pero may reason bat maganda mag-backread. Na-e-edit mo ‘yong mga mali at na-e-enhance mo pa ‘yong mga post/ comment mo.
  4. You’ll have direction.  I think this is important thing kung seryoso ka sa pagba-blog at gusto mo magkaroon ng niche. Balikan mo ‘yong post na mataas ang hits, maraming positive comments at kung anong  style mo roon.

Backreading: Reviewing diary

old and used notebooks

Hindi ko alam kong may issue ako sa kabataan ko pero kung may malungkot man at mayroon din naman happy moments, pero parang parang ayoko na balikan. Ewan, para itong isang libro na kapag isinara ko na, ayoko na sana basahin ulit depende kong kailangan kong i-review 🙂 !

Pero once a while binubuklat ko rin ang mga old diaries ko, lalo na kung walang magawa o feeling blue.  And sa pagba-backread mo sa personal account mo…

You laugh. Alam mo ‘yong matinding problema mo noon ay kababawan na lang sa iyo ngayon.  Tawa ako nang tawa noong nasabi kong depressed ako kasi hindi ko napanood  ang isang episode  ng Samurai X. Eh hello, ilang ulit pinalabas sa TV ‘yon at may movie version pa ngayon ang Rurouni Kenshin.

You cry. Sometimes, I like to cry for the sake of crying. Iba ‘yong umiiyak ka habang nire-release mo ang galit mo at lungkot mo. Pero dramatic at mas may freedom kung ikaw lang mag-isa ‘pag umiiyak. Hindi ko kasi trip ang umiyak sa balikat ng isang kaibigan, ayaw magpapahid! Hehehe!

You learn. Definitely, may mga lessons na hindi  nakukuha sa libro, paaralan, trabaho  kundi  mula sa  mismong mga experience mo.  At mas napagtatanto  mo ang mga ‘yon ‘pag nire-record mo.  Bakit nga ba ganoon ako dati? Bakit hindi ako pumasa? Bakit hindi nila ako maintindihan? Iyong mabuti  pala naghintay ka, nagtyaga at naniwala.

Patalastas

You lose.   Alam mo may mga pagkakataon na na-frustrate at umuwi kang loser.  Masakit ‘yon pero nare-realize mo rin na hindi lahat maa-achieve mo. Hindi lahat kaya  mong ma-charm. Kailangan mong maging open-minded, humble, paghirapan at kung minsan  ay i-give up ang  gusto mo kahit gaano mo ito kamahal. 🙁

You love. Of course, ang masayang part sa pagba-backread ay ang  ma-realize mo ang development mo at natupad na pala ang mga pinapangarap mo dati. Iyong mga blessings na dumating kahit hindi mo naisip na hilingin. Iyong  mga panahon na down ka in-up ka ng mga mahal mo sa buhay. Mas naintindihan at minahal mo na ang iyong sarili.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

12 thoughts on “Why it is important to backread?

  • apollo

    Maigi nga yung magbackread kasi dun natin nakikita yung ibang perspective natin. Madalas kasi na emotionally-driven ang ating posts so possible na magkaroon tayo ng ibang pananaw ngayon kumpara noon. Tama ka rin na may mga nakikita pa rin tayong corrections ngayon na hindi natin nakikita noon. Mabuhay!

  • Rogie

    Ang pagbabackread talaga sa mga forum at comments ay importante. Kasi minsan magmumukha tayong engot o kaya naman ay troll dahil sa paguulit lang ng mga sinabi ng iba. pero di naman yun mortal sin. hehehe.

    pero sa buhay, tulad ng ginagawa mo sa diaries mo (na nakakainggit kasi wala ako nyan) ay malaking bagay yan bilang bahagi ng pagrereflect sa buhay. malaki ang iniimprove natin pag tinitingnan natin ang sarili natin. marami sa tin ang mas napapansin ay ang ginagawa ng iba pero ang sarili natin ay hindi. kung lahat ng tao ay ginagawa ang tulad mo, di sana e mas masaya ang mundo. parang si madam hoshi. 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      naku salamat sa iyong komento Sir Rogie! Pero opo napakalaking bagay ang pag-aanalisa at pag-aaral ng sarili para magkaroon ng direksyon at progreso ang iyong pagkatao.

      mabuhay!

      • Rogie

        Walang anuman madam hoshi. good luck sa mga contestants sa iyong pacontest nga pala. bigatin pa ang mga judges. sigurado akong mahigpit ang pagdadaanan ng iyong mga contestants.

        di na po ako nakasali pala, nabusy na rin. pero matagal ko nang gustong isulat ang topic na yan. di ko alam kung naisulat ko na nga talaga yan o hindi kasi nga gustong gusto ko isulat yan at feeling ko e naisulat ko na. pero parang di pa talaga eh. hehehe

        • Hitokirihoshi Post author

          naguluhan ako sa second paragraph ng iyong komento, sir rogie! hahaha. joke! puwede mo naman isiwalat yang gusto mong sagot kung makakahabol at mababasa mo kaagad ang komentong ito.

          gusto ko sana gumawa ng avp kapag nilabas ko na yung result. puwede kong isama ang iyong kuro tungkol sa why am i blogging? gusto ko rin ito mai-upload sa youtube. hhehehe

          oo magagaling din yung mga contestants, pare-pareho lang nahirapan. hehehe

          • Rogie

            hehehe. yup. magpopost naman ako talaga sa topic na yan. Talagang di ko alam kung naipost ko na o hindi ang rason kung bakit. O baka naikwento ko lang madalas sa iba pero di ko pa talaga naisulat? ako rin naguluhan. mukhang kailangan ko mag backread. O ha, pasok pa rin sa topic madam hoshi. hahaha