I’m fan of variety show and thriftiness that’s why siguro I rather roam around sa mga food court. So far, it helps me to cope up para sa aking daily expenses , budgeting 101 at maarteng-boring na appetite. Para sa akin ang meal na ₱50 ay ideal na at ang sobra sa ₱100 ay pang payday delight na, ehehehe.
Hindi ko alam kung magiging habit ito for me, ang mag-post at mag-review ng sulit meal, pero isa ako sa loka-lokang ngiti-ngiti ‘pag nakakatikim ako ng masarap at nabili ko ng mura. Puwedeng may mas mura pa sa ₱50 ( like Jollibee’s Pork Steak Meal ₱49) na mabibili sa mga carinderia at pagbabaon ng pagkain, pero sa ngayon po wala akong time na mag-iikot at magbabaon ( dahil unang-una ang galing-galing ko rin kasing magluto- hindi proud).
Paotsin’s Pork Dumpling & Lemak Rice – ₱60
For 2 days, ito ang kinasasarapan kung lantakan. Sakto kasi yung pagka-salty para sa alat na kini-crave ko ilang araw. Hindi ko pa sure kung saan lupalop na nakuha ang term na Lemak pero para sa akin isa lang s’yang masarap na sinangag na may special appearance ng mga butyl ng fried garlic.
Pero kung gusto mo ng fried siomai at may rice na mas mura pa, makakabili ka rin nito sa MiniStop around ₱37.
Masarap din ang green rice o Hainanese (ito alam ko na galing sa Singapore) ng Paotsin pero parang mas feel ko na ang Lemak. By the way, mabuti at pinalitan na ng Paotsin yung kulay nila na violet. Favorite ko ang color na ‘yon pero ewan parang hindi inviting sa mga foodies. Pero nung time na ganoon pa ang kulay ay nasa ₱40 pa ang fried siomai+rice combo nila. So change color, change price? Peace! Like you na!
Sisig Hooray’s Pork/Chicken sisig and rice – ₱75
Comfort food ko ang sisig, (yun din ba ang term ‘pag wala ka rin maisip na iba?) na una kong pinipili pag nag-o-order sa mga restaurant. Ang claim ng Sisig Hooray ay freshly prepared ang kanilang mga sisig, oo nga naman parang halo-halo lang na ginagawa sa harap mo ang order mo, at mabilis naman ang pagse-serve lalo na sa kagaya kong girl-on-the-go.
Sanay ako sa medyo salty, greasy and a bit dried type of sisig pero sa kanila medyo sweet, wet and spicy na delectable naman for me. Nakalimutan ko rin actually na sabihin na hindi ako mahilig sa maanghang pero gorah na rin.
Ayon sa aking mga nabasa, nakakapayat din ang pagkain ng sili este maaanghang. Siguro ang isang clue doon ay mas marami ang naiinom ng tubig kaysa nakakain, hohohoho!
Chowking’s Pork/ Beef Chao Fan and 3 siomai – ₱79
Actually estimate ko lang yung 79 pero parang ganun yung binabayaran ko pag ito ang order ko. Kahit minsan mabagal at marumi ang karamihan ng branches ng resto nito, pasalamat ako sa Chao fan ng Chowking. Ito ang Kanin pa lang ulam na at saka napakagaan nguyain para sa kagaya ko na may braces. Lunok-lunok na lang pag baging adjust na lang.
Kung wala ako sa wisyo na mag-rice, trip na trip ko naman ang pag-order sa kanila ng regula siopao asado and beef siomai o kaya naman ay tofu (a.k.a tokwa).
Ano masasabi ko sa mga rice meal na gaya ng chao fan? hindi ko pa matantya saka parang hindi rin sulit kasi hindi pa kasama ang drinks.
Jollibee’s Garlic Bangus Meal – ₱89
‘Pag timaan ako ng konting kyeme, gusto ko ang Jollibee‘s Super Value Meal Garlic Bangus na may kasama ng sobrang masabaw na macaroni soup (₱109). Pero yung meal na mismo na may kasama ng iced tea ay swak na swak na sa aking tinamaan ng magaling na appetite. Masarap ang timpla ng kanilang sauce na dapat automatic na binibigay ( may isang branch ako na napuntahan na hiningi ko pa talaga) na syang nagbibigay ng extra na saya sa pagkain nito.
Davao’s Tuna Grill – Sinigang Tuna Panga with rice – ₱135
Dapat hindi ko isasama ito dito dahil pang pay-day worth nito na ₱135 pero kasi nagulat din ako na may may kasama ng masarap na fried lumpia ang kanilang sinigang. Masarap din ang kanilang sabaw although sakit nga sa panga ang matinik nilang isda. Siguro mali lang ako nang na-order na part. Dapat siguro belly boneless tuna, next time yun nga.
paborito ko ang sisig hooray pero napansin ko iba iba ang presyo nya depende sa lugar. for example, 80+ ata sya sa megamall foodcourt pero mas mura sa shopwise sa cubao. howell…
yes iba-iba talaga ang presyo nila at ito pa ang napansin ko ha, medyo mas mahal ang presyo nila kapag sa food court. may dagdag na 1 or 2 pesos.