How to Avoid Credit Cards Paranoia


jayson loDid you see Confessions of a Shopaholic starring pretty Isla Fisher and gorgeous Hugh Dancy? Credit Card was described as a magic card there by Rebecca Bloomwood (Isla). Well, there are people who are sinking because of credit card debt while there are others who are afraid of using it like me. Sign of Paranoia?

Use Your Credit Card Wisely

Sa lahat ng kakilala ko, isa sa aktibo at wala naman problema sa paggamit ng kanyang credit card ay si Mhona  Andrade. Three times na rin akong naki-paki sa kanyang credit card, like nung shopping galore namin sa Palawan, domain fee ko sa Go Daddy, at ang airline ticket namin sa South Korea. Heto ang tips ni Madam Violet sa tamang paggamit ng credit card.

OLYMPUS DIGITAL CAMERADo’s

1. Be a good payer

2. Isipin mo muna kung yung paggagamitan mo ng CC mo ay kailangan mo at importante sa ‘yo

3. Always check your account kung meron iregularity uso pa naman yung scam sa CC

4. Be responsible USER.

Patalastas

5. Bantayan mo lagi yung ang pag-SWIPE ng cashier kasi minsan na nagdo-double sila. Naku, mahabang process pa yung pag-reverse magrereklamo ka pa sa customer service ng department store at tatawag ka pa sa bangko para i-inform sila na my ganun nangyari.

 Don’ts

1. Huwag mong pabayaan na mabaon ka sa Utang

2. Dont be late ‘pag nagbabayad para hindi ka ma-charge ng finance fee. Sayang din ang P600-P700.

3. Kapag may naki-swipe sa ‘yo siguraduhin mong magbabayad sila kundi wala kang choice kundi bayaran ‘yun

4. Huwag ka gumamit kung hindi naman importante

Credit Card is Useful for..

1. Lagi (Credit Card company) silang may promo like free Jollibee or Chowking every time na magpu-purchase ka ng P2000 pataas

2. Ang bilis mag-purchase nga Airline ticket

3. Hindi mo na kailangn magdala nang Pera

4. Magagamit sa oras nang kagipitan.

How to apply for a Credit Card

Nakakuha ako ng Credit card dahil sa ni-refer ako ng co-worker ko 3-5 days yung processing and ID at Payslip lang ang hininging requirement sa akin. Iyong ibang CC ko naman ako mismo nag-apply sa bank ganun din- ID at Payslip ang requirement. Three working days ang binigay na nila sa akin na processing.

Which is better Credit Card?

Mhona said…

1. HSBC -Ito ang unang-unang card ko, maganda naman sana ‘yung card kaya lang ‘pag nagkulang ka ng kahit piso na bayad ay tsina-charge nila ako kaagad ng finance fee kaya after a year ay pinaputol ko na at di ko rin naman nagagamit.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

2. BDO -Nakuha ko siya after ko ipaputol yung HSBC ko at may kasama na siyang SM Advantage Card ito rin yung ginamit ko nung unang beses ako nag-treat sa Daddy ko 🙂 Pinaputol ko ito kasi after a year nag-charge sila ng monthly fee. Ang alam ko dapat annual fee ung babayaran ko pero sa kanila monthly fee daw kaya ayun pinaputol ko na ulit.

3. CITIBANK -Ito yung card na pinakamaganda sa lahat ( ng nagamit ko). Unang ito ang lagi kong gamit ‘pag nagpu- purchase nang mga plane ticket ko. Ito rin ang gamit ko ‘pag nag-a-abroad hindi mo na kasi kailangn itawag sa bank na gagamitin mo siya sa ibang bansa. Lagi siya online at isa pa, madaling makausap ang customer service nila. Ang bilis mag pa-waive or mag-discount ng annual fee. Every purchase mo magte-text sila sa ‘yo na nag-purchase ka nang ganito amount at kung saan mo ginamit at kung kelan… ( isang way para maalala mo saan mo ginamit at just in case may ibang gumamit ng card mo).

4. BPI -Maganda rin ito card na ito, mostly ginagamit ko ito ‘pag bibili kami ng gamit sa bahay at sulit itong gamitin.

Enjoy your shopping….

How To get Out of Debt

Note: Mhona Andrade, online publisher of http://mhona31.tumblr.comis the second guest blogger in the history of Aspectos de hitokiriHoshi 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

6 thoughts on “How to Avoid Credit Cards Paranoia

  • sa saliw ng awit

    hello, hoshi… ay, so back na ang hoshilandia, congrats! ang ganda ng bago mong theme and lay -out. like ko rin ang wento mo about your credit card experiences. btw, wala na sadyang WP like button dine? 😉

  • sa saliw ng awit

    hello, hoshi… o, so back na ang hoshilandia, congrats! ang ganda ng bago mong theme and lay -out. like ko rin ang wento mo about your credit card experiences. btw, wala na sadyang WP like button dine? 😉

    • Hitokirihoshi Post author

      thank you sa iyong pagbisita Ate San! Yeah, good thing hindi pa ako nag-try ng ibang theme. nag-attempt na ako pero tama ng highlights ng website na ito ay ang mga kwento ko. minimalist is the best.

  • neneng gala

    hindi pede credit card sa mga impulsive na buyer… it takes a lot of self control kung credit card holder ka or else parang payatas yan matatambakan at mababaon ka unless nlng your the daughter of Janet Napolis you have all the money in the world.
    Shop till you drop, as in anywhere anytime.

    • Hitokirihoshi Post author

      isang makabagbagdamdamin ang iyong komento neneng gala. parang galit sa waldas at bukas sa nangyayari sa labas. isa kang certified gala. hehehe

      salamat sa iyong pagbisita.