My ticket to Blogapalooza was my being a blogger but I went there not only because of blogging but to get experts’ business, writing and personality development ideas. This event ignited my many passions (such as entrepreneurship, blogging, and arts), satisfied my cravings (in coffee, healthy drinks, doughnuts, chicken and yummy food) and lead me to interesting services or products. Apart from those, I’ll repeat yung sinabi ni Vince Golangco we’re able to help Yolanda Victims sa masayang event na ‘to.
First time ko na maka-attend sa Blogapalooza and gusto ko ulit maka-attend dito next year. It’s jam-packed of cool stuff, information, gimmicks and business ideas. Hindi rin ako naman nakaka-doubt mag-recommend ng companies especially they offer valuable services for Filipinos.
The event started at 11am and ended at 9pm so imagine kung ilan ang nahakot kong tangible and intangible freebies dito na hahatiin ko sa ilang series of posts. Let me start with…
When Bloggers meet Business companies
Bulky ang brown body bag ko because I brought my old big grocery bag. Yes, I expect na may maiuuwi naman ako, pero hindi ko naman akalain na no need na ito dahil marami rin akong nakuhang ecobags with freebies and prizes. Halos lahat ng nakahilerang booth (more than 30 ?) ay may binibigay. Nanalo ako sa gimmicks ng Ambient Digital Media (one of ads here), The Mind Museum (matalino rin pala ako sa science), Slenda (yes to hourglass body Hoshi), Chooks To Go (take home delight!), Enjoy Philippines (12-month membership kit), and Megaworld Lifestyle Malls (cute brown Teddy Bear).
I commend din ‘yong pagkilala nila sa mga bloggers. Hindi lang sila willing to explain their services or products kundi talagang may sigasig talaga. Dito ko mapupuri si Ms. Eilene Balagon of Tino Suit, staff of The Mind Museum, Rika and the gang of Ambient Digital Media, Ms. Ma. Abigail Encarnacion of PLDT/ Smart, 2 bubbly ladies of Chooks To Go, Mr. Enrico Curioso of Brown Bag Coffee Solutions, New York Therasphine, Megaworld, Lulu Nails & Dry Bar, Grabtaxi , Hungry Juan, Rich Prime Global, Whirlpool. Sa totoo, I’m not familiar sa halos lahat sa kanila but I’m willing to listen kung maayos ang entrance at clear ang explanation.
Sa mga susunod kong post, I’ll introduce pa yung mga services or products at nung iba pa according sa food, products, service and entertainment category.
A day with Influential People
Kinondisyon ko ang sarili ko na makikinig lang ako once na mag-start na yong different talks. Pero in the end naging pili lang yung naabutan ko dahil hindi rin kami mapakali sa loob. Nariyan yung kakain, maglalaro, iikot sa mga booth at tweet ako ng tweet hehehe.
Anyway, ang naabutan ko yung Vlogging panel nila Mike Bustos, Bogart D Explorer and Jako De Leon (yes anak s’ya ni Joey De Leon); konti ng Stand Up Comedy with Tim Tayag ng Comedy Cartel, Blogging and Branding ni Jason Cruz;Radio and Blogging ni DJ Karen Bordador; Podcasts and New Media ng Boys Night Out trio (ToniTony, SlickRick and SamYG); and yung different talks ng mga business partners ng event. Interesting yung sa Wheatgrass C.A.N Int’l kasi they explain yung sa normal blood circulation, The Mind Museum, Rich Prime Global, GrabTaxi and ZipMatch.
Of course dapat ding ma-mention dyan yung mismong masterminds and renowned bloggers ng Blogapalooza- Vince Golangco,Franics Simisim, Anton Diaz of Our Awesome Planet and When in Manila.
Help me to help Yolanda Victims
After kong tapusin ang aking mga work, naghahanap talaga ako ng way para makatulong naman sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda especially ako mismo naghahanap din ng mga kamag-anak sa Guian Eastern Samar. Good thing nag-collaborate ang Blogapalooza and Piggy Bank Movement para makalikom ng pera na ido-donate sa Yolanda victims sa pamamagitan ng World Vision Philippines (WVP). Ang nakaka-touch pa nito ay yung mismong staff ng WVP ay may personal na experience sa bagyong Yolanda.
Hindi naman kalakihan ang naibigay ko pero I’m glad na kahit papaano ay may nagawa na akong unang step for the super typhoon victims.
Ang iba pang business companies na part ng Blogpaplooza ay Figaro Coffee Company (hmmm so aromatic!), Plato Wraps ( like your Tuna Flavor), Gavino’s Japanese Donuts & More, Nice Day Coffee, Flavours of China, Tempura Japanese Grill, Congo Grill, Tropicana Coco Quench, Viewpark Hotel, LazerXtreme, BYS cosmetics, Glutamax, Chef’s Noodle, YSA Skin & Body Experts, PRC Inc. Gurkka.com, Fujidenzo, Miles & Levels, and Nattural Quality Corporation.
Pingback: Aromatic and Pleasing Coffee Madness
Pingback: Looking for valuable gifts for Kids? | aspectos de hitokiriHOSHI
Nice post. Nagsi-search lang ako sa net nang mapadpad ako sa site mo. Then, nakita ko imbitasyon ng Blogapalooza sa mga blogger. Kaya ayun nakadalo ako, salamat!
Salamat William! Mabuti rin nakadalo ka rin dun. saya di ba?!
Mabuhay next year ulit 😉
Pingback: Where to avail convenience these days? | aspectos de hitokiriHOSHI
Yun oh! bilis magpost! 😀
naman! hehehe