Christmas season is coming and this means another set of gift giving for very special kids in our hearts. Instead of choosing fancy gifts that are just only soothing for their eyes, why not pick those that can help to develop their cognitive abilities. Your gift can be an experience that will never forget and importantly, feed their minds. Here are the suggestions I got from Blogapalooza 2013 – courtesy of Rich Prime Global, The Mind Museum and Lazer Xtreme.
The Mind Museum
When I was in elementary at kahit high school halos lahat ng place na pang-field trip ay kailangan ibyahe. In fact, madalas mas nagpo-focus sa biology, botany or zoology. Paano naman yung about sa iba pang part ng Science, ‘di ba, especially Technology.
Isa sa ikina-excite ko na puntahan na booth sa Blogapalooza ay ang The Mind Museum para kasing paglapit mo pa lang dun, genius ka na. hehehe! At mabuti naman nasagot ko yung question nila na may kinalaman sa robot nila. Anyway, the good news kung lagi ka sa area ng Bonifacio Global City, puwede mo dito ipasyal ang iyong mga kids. Bukas ito from Tuesday to Sunday 9am to 3pm, 12nn to 3pm and 3pm to 6pm. Mayroon din silang slot for 6pm -9pm tuwing sabado. Ang ticket prices for Teachers and Students from public schools ay ₱150 lang, habang ₱450 sa mga kids up to college students at ₱600 for adults.
It’s a 1-Billion peso Science and art project ng Bonifacio Art Foundation, Inc. na makikita sa 5 main galleries nito na binubuo ng atom gallery, life gallery, earth gallery, universe gallery, and technology gallery. Bukod sa mga ito ay mayroon din silang tinatawag na MindMoving Studio na kung saan may performances ang resident scientists nila or Mindmovers. Hanggang November 2013 ay mayroon silang Da Vinci The Genius: An Inspirational Exhibition.
Contact: 909-6463/ JY Campos Park, 3rd Ave., Bonifacio Global City/ themindmuseum.org
Invest in educational Toys for Kids
May brand or wala, mura o mahal ang dapat safe at makakatulong sa pag-develop ng kanilang isipan. Sa ganitong paraan, hindi tayo magtataka kapag nagtagal kung saan nakukuha ng isang bata ang mga traits na di natin gusto. Ako aaminin ko, sablay siguro ako pagdating sa paggi-gift wrap pero sinisigurado ko naman na okay ko yung gifts ko.
Okay before anything else, dako tayo sa favorite topic ng mga thrifty and wise – sale! Sa November 28 to 30 and December 1, 5, 6,7,8 12, to 22 ay may Warehouse Sale ang RichPrime Global, Inc. up to 80%. Ito ay mula 9am to 6pm (Saturdays and Sundays) and 1pm to 6pm (Weekdays and Fridays) sa 34 Scout Torillo Cor. Scout Limbaga, Quezon City.
Teka ano ba ang mga products under ng company na ito na karamihan ay imported – Barbie, Hot Wheels, Fisher-Price, Vtech, Mega Blocks, and Chicco. Hindi lamang toys, kundi may apparel and shoes dito.
Share ko yung ilang nabasa ko sa Fisher-Price
0+ months – Bagay sa kanila ang mga toys na nanghahalina sa kanila na manood, makinig at humawak.
6 + months – toys na puwede nilang subukan abutin dahil ito yung time na they sitting and reaching
9+ months – bigyan s’ya ng toys na magde-develop ng kanyang language, vocabulary at pagkilala ng sound.
12+ months – on the go na si baby dito kaya this time fit sa kanya ang toys na makukuha at mapupulot n’ya ng madali
Pero sa kabuuan ay magandang hanapin sa toys ang bibilhin mo ay magde-develop sa Physical (senses, fine motor and gross motor), Mental (logical, artistic, and linguistic), and Social (emotion, communication, and self-esteem) nila gaya ng Learning Triangle sa packaging ng sa K’s Kids.
Pingback: Rediscover Science Pleasurably at The Mind Museum | aspectos de hitokiriHOSHI
Dropping by to say Hi! and THANK YOU for being a part of my fruitful two years!
Cheers!
wow, congrats ate!
mabuhay and I’m glad to be part of your blog life.