6th Taboan: There’s more for Philippine Literature


Lahat ng parallel sessions na nadaluhan ko sa 6th Taboan: Philippine Writers Festival ay nagustuhan ko. Pinaka ay ‘yung The Natural Life of the Word: Translation as Preservation, malapit sa akin ay Saved by the Web: Using Internet to Revive Local Literature at inspiring naman ang Writing on the Verge of Personal Crisis.

 To Preserve is to Translate?

6th taboan, translation  of philippine literature Para sa akin ang core of communication is to understand each other – second na lang yung grammar and other aspects. Paano natin maiintindihan ang isa’t isa? Ito ay sa paggamit ng wika na mauunawaan ng kausap? Mayroong for day to day conversation but how about literary works such as regional poetry, folktales, and books?

Gusto kong maging translator at akala ko hindi ako mahihirapan pero iba rin pala. Kasi unang-una you need to respect the artistry of the author so kung kinakailangan na halos wala kang mabago maliban sa salitang ginamit gawin mo. Pero  darating yong point na you need to use your own interpretation for the reason of understanding.

Johnny Buhay Kaya nakuha ko iyong point of view of Mr. Johnny Buhay, a  writer/ research coordinator/  guro sa PLT College (Bayombong, NuevaVizcaya) na mahirap basta magsalin especially ng  tula. Kung baga nasa side s’ya noong mga author na talaga naman dapat lang kasi ang sakit din na hindi masunod at maiba yung  creation mo.

Buhay na buhay ang session na iyon, hindi lamang dahil sa kanya kundi dahil na rin sa palitan ng mga ideya ng mga tagapakinig at mga panelista na binubuo rin nina Nicolas Pichay, Agnes Espano-Dimzon, at Io Jularbal. Sa pakikinig sa kanila parang hindi na lamang basta challenge sa akin kung ipupursige ko ang pagiging translator kundi pag-igihan ito sa ngalan ng arts and communication.

6th taboan, buhay, nicolas pichay,  io jularbal,  agnes dimzon

 Use of Internet for Creative Writing 

6th taboan, malou nicart, Do I need to explain?

Sige for the sake of sharing my idea. Marami sa mga Filipino bloggers ay mahilig mag-post ng sarili nilang katha  gaya ng tula, kanta at kuwento. Ako mismo ay gumagawa nito na kahit alam kong minsan ay sablay ay walang makakapigil sa akin. Kaya naman agree ako na makakatulong ang internet para mapalawig pa ang Philippine Literature. In fact, may mga nakilala na ako na blogista na naglalathala na ng libro mula sa kanilang mga blog post dati.

Patalastas

Bukod sa mga bloggers,  maraming klase ng writers na makikinabang sa Internet if they only use it as a tool to promote their talents and master pieces.  Iyon din ang gustung-gusto kong isagot nung may nagtanong ang isang Sir tungkol sa risk ng pagpo-post ng literary works sa naunang session na Literature on the Edge , kung saan ipinaliwanag Dr. Epifanio San Juan Jr. ang mga bagay na humulma at  kalagayan ng Panitikang Filipino.

taboan,  saved by the internetTalagang may peligro para sa mga writers and authors na buksan ang kanilang mga likha sa cyberspace. I understand their sentiment against plagiarism and about the issue of Intellectual property. Ang nakalimutan lang din nila ay ang malaking tulong nito sa marketing. If dati limited ang kayang maabot ng isang book ngayon with the use of online marketing you can sell kahit sa ibang bansa and mas easy mag-promote.

Victor Sugbo, Janis Salvacion Canta, Nikos Primavera, Maria Tangcay Jumawan

Panelists of Writing on the Verge of Personal Crisis

[hana-code-insert name=’Zambales’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “6th Taboan: There’s more for Philippine Literature