minsan nagda-doubt ako kung in what sense ko in-admire ang isang artistang lalaki. Crush ko ba siya kasi guapo siya o ang suave ng personality niya. Pero may nabuo akong sagot, iyon ay dahil type ko ang character na ginampanan niya.
Marc Darcy of Bridget Jone’s Diary
Head over Heels ako sa character na ito ni Collin Firth kasi ang cool niya sa pagha-handle sa wacky character ni Bridget (Renee Zellwegar). Saka I don’t think na cheesy siya sa pagsasabing “I like you very much, just as you are.”
Paulie Bleeker of Juno
Passive lover itong lalaking ito at parang walang B. Pero ang magmahal ng isang erratic at unpredictable na si Juno (Ellen Page) ay something na nagbibigay character sa kanyang buhay. Ipinapa-realize din ng katauhan na ito na may mga lalaki sigurong maaaring hindi nila alam ang pinaggagawa nila sa buhay pero marunong silang magmahal ng totoo. Medyo hindi ko type si Michael Cera pero bilang Paulie hot na hot siya para sa akin.
Juno MacGuff: No… I mean for real. ‘Cause you’re, like, the coolest person I’ve ever met, and you don’t even have to try, you know…
Paulie Bleeker: I try really hard, actually.
Achilles of Troy
Oo pogi si Brad Pitt pero hindi ako apektado, eh ano naman? Pero nag-iba ang lahat ng mapanood ko ang Troy. Bwiset nabading ata ako sa kanya doon. Ang macho, ang angas, ang dumi, ang lakas at terrible. Ayun! Pero sa ibang pelikula wala na sa akin si Brad booh! Sa acting na lang papasa.
Hector of Troy
Ito ang lalaki na kahit kulot ay crush ko. Siya yung tipong boy next kingdom na guapo na ay responsible at mapagmahal pa. Sa lahat ng scenes ni Eric Bana ito ang pinakagusto kong sinabi niya bilang Hector “All my life I’ve lived by a code and the code is simple: honor the gods, love your woman and defend your country. Troy is mother to us all. Fight for her!”
Tony Stark of Iron Man
Prior sa Iron Man hindi ako familiar kay Robert Downey Jr. sino ba ‘yang artistang ‘yan na mukhang matanda na ay nag-aasta pang maging super hero? ‘Wag ka na-iron na ang mata ko sa kapapanood sa kanya. Believe ako sa ability niyang magpatakbo ng sasakyan at ng mga tao sa paligid niya. Galing din niya actually sa Sherlock Holmes and I believe ang galing talaga niyang actor.
Edward Scissorhands
Weird pero dito ko unang na-appreciate ang acting at itsura ni Johnny Depp. And hindi lang ito dahil sa nakakagupit niyang mga kamay o nakakaawa niyang kalagayan. Basta na-feel ko lang na dulce de leche may istura pala si Johnny Depp. Gusto ko itong actor na ito sa mga tinatanggap niyang roles.
Peter Parker of Spiderman
Short lang comment ko dito kung bakit si Peter Parker (Tobey Maguire). Kasi feeling ko ako si MARY JANE Watson (Kirsten Dunst) oha-oha!
Joon Kang of Winter Sonata
Sinong magkakagusto sa isang malihim, suplado at may maitim na balak na lalaki kahit pa sabihing guapo siya? Well ako ‘yon wag ka ng mag-isip. Na-realize ko ito noong masilayan ko ang Koreanong si Bae Yong Joon. Tapos noong nagbalik siya ay nagsalamin na siya with matching gulo-gulong effect na buhok. Ay naku, hindi lang ako nabading tumambling pa sa kilig.
Kang Seung-Joon of My Love Patzzi (Cindy)
Kung ako si Cindy (Jang Nara) malamang mahihirapan akog pumili sa kanyang mga leading men. Pero kung ako ang sasanib sa katauhan niya gugustuhin ko si Kang Seung-Joon (Kim Jaewon), pusa cute kasi ng smile. wahahaha
Ah Ken of Love Contract
3 bagay – guapo si Mike He, under ang character niya sa role ni Ariel Lin at mukhang siyang kawawa na nakaka-in love.
Oh eh hindi ko pa isinasama dyan sila Kenshin Himura (Samurai X), Hotohori (Fushigi Yuugi), Touya (Ayashi no Ceres), Master Jericho (Ghost Fighter), Gurong Seravi (Akazukin Cha Cha), Dr. Hokoto (BT’X) , at sa Yuya Noda (Miracle Girls) at
Pingback: Ani ng Dangal 2014 presents Awe-inspiring Filipino Artists | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: 11 Places to Visit in South Korea part 1 | aspectos de hitokiriHOSHI
recount, recount
ipatawag si teddy boy locsin
nyahaha
napatawa mo ako sa comment na ito ah.nyahahahahahaha
hayaan mo gagawan kita ng separate entry. abangan mo!
ay
walang Raft3r of The Deadbeat Club?
=(
Napanood mo na ba ang Iron Man II?
Si Bae Yong Joon kamulha siya talaga noong isang character sa BOF! hehehe peace! :p
At binoo mo talaga si Brad Pitt? Hmp! :p
hay naku baka hintayin ko na lang makakuha ako ng copy niyan. hindi ko na nahabol.
ah nang-aasar ka na ba ng lagay na ‘yan? puwes alam mo na ang sagot ko. wahahaahha
oo boooh sa fan ni Brad na si Leng-Leng Armea.
waahaha jokeness!
Anong masama sa kulot? Hindi totoong salot ang mga kulot. Hindeee. 😆
siempre wala, hindi ko lang type ang lalaking kulot.
alam mo kasi salbehe buong buhay ko may 5 akong lalaking kulot na kasama. sawa na ako. pero pag sanggol pala ang kulot ang cute. wahahaa
tuwang-tuwa ako sa buhok ng pamangkin kong lalake.
waaah. agree. yung character ang nakakainlab eh hindi yung tao mismo. basta. ang alam ko mahal ko si sherlock holmes. ang cool niya doon eh. ang tindi ng utak. wirdo pero basta may dating sa akin eh.
mahal ko din si chiaki senpai ng nodame cantabile. mahal na mahal.
alangya nababakla nanaman ako.
in fairness no, nakaka-inspire ang mabading tayo wahahaha
naku buti ipinaalala mo ‘yang nodame cantabile. kailangan makakita na ako niyan. mabuhay!
panoorin mo yun ah. ang ganda. hakhak. pero wag mo aagawin sa aking si chiaki senpai at saka si noda na rin. ang cute niay eh. ahay!
siempre sa iyo na sila. nakahanap naman an ako ng sa akin. wahahaha
saka yun para kay eloiski ay para kay eloiski at yung kay hitokirihoshi ay kay hitokirihoshi
Hahaha! Talagang suplado ang crush mo Eloiski! Kapag anime, ang favorite na leading man ko ay si Keiichi sa Oh My Goddess, at syempre, leading lady si Belldandy. Hehehe. Keso ako eh. Pero isa sa mga paborito kong anime yang Nodame Cantabile.
Sa leading men naman, si (upopular) James Bond Daniel Craig ang gusto at si Papa James Marsden – pwera lang nung Cyclops sya sa X-Men kasi halos hindi naman sya nagsasalita doon. Hehehe. Leading ladies, dati gusto ko si Heather Graham, pero ngayon gusto si Gemma Arterton, yung gumanap na Io sa Clash of the Titans at Prince of Persia: The Sands of Time. Meron din syang maliit na role sa Quantum of Solace, kung saan namatay sya agad. Hehehe.
natawa ako hahahaha! akala ko kami lang ni eloiski ang nababading sa mga reel crushes namin. wahahahaha
hmmm sa lahat ng crush mo, wala akong trip wahaha. kaya go wala kang kaagaw sa kanila dito sa hoshilandia. sa babae ang crush ko lang ay si Elena de la Vega (Montero) o Catherine Zeta Jones. yung iba in-admire ko dahil sa kanilang dancing skills or acting gaya nina Julia Stiles, Jenna Dewan, Renee Zellwegar, Drew Barrymore, at Jennifer Garner.
Hahaha! Si Daniel Craig as James Bond kasi, tunay na lalaki, kaya nakaka-kras. Tumatakbo ng naka-leather shoes sa mga bubungan, pumapatay ng walang madaming satsat, nasusugatan na parang wala lang – sa katunayan ay nahahampas pa sa itlog pero nagagawa pang tumawa. Hehehe.
Si James Marsden naman, magaling kasing kumanta. Hehehe. Saka pogi. LOL.
haba ng explanation para kay Daniel Craig. okay sige hindi ko pa rin siya type. hehehe. kayo ni ate rose ang magkakasundo pagdating sa kanya.
kay james marsden believe ako sa pagiging versatile actor niya, kaya lang hindi ko pa rin siya type. parang hindi pa ganun ka-outstanding yung acting or role na nakukuha niya. napansin ko lang siya before dahil sa “disturbing behavior” eh. hehehe pero sige magaling na siyang kumanta at pogi para sa iyo.
hindi ko na babasagin ang trip mo.