Ani ng Dangal 2014 presents Awe-inspiring Filipino Artists 3


Seeing live performances  of Sarah Geronimo , Jed Madela, Pupil, ABS-CBN Philharmonic Orchestra were  just added bonus when we  watched Ani Dangal 2014 of National Commission on Culture and the Arts . Believe me  the artistic spirit of  Filipinos were very much alive in that evening at Newport  Performing Arts , Resort World Manila last February 2.

Ang Ani ng Dangal ay bahagi pa rin ng Philippine Arts Festival ngayong Pebrero.

Ang makita ang mga celebrities in front of you

Sawi ako again na makita in person si Jericho Rosales na isa pararangalan sa  Cinema category pero napakaraming artista ( hindi lang from mainstream  movies and television) ang nagsipagdating.  Nandoon sila Eugene Domingo, Jun Lana, Kim Atienza,  Joel Torre, Eddie Garcia, Alessandra De Rossi, child star Barbara Miguel, Brillante Mendoza, and  Nora Aunor.Joel Torre sa harap ng aming upuan

Kagaya ng karamihan, if may chance nagpa-picture ako kasama ng mga artista.  Sawi kami ng hipag ko na makunan ko sya kasama si Ate Guy. Pero sinuwerte ako na makapagpa-picture kay Dir. Brillante Mendoza. Sino si Mendoza sya lang naman ang internationally acclaimed director na naghatid sa atin ng magagandan independent film.

Awe-inspiring performances

Pinangarap ko noon na maging part ng  choir pero dahil sa hiya at katamaran, waley.  Ang mapanood ang Hail Mary the Queen Children’s Choir (Immaculate Concepcion Cathedral in Cubao) at De La Salle University Chorale ay sadyang nakaka-wow. Mabuti na lang din pla hindi ako nag-attempt, pang instant  coffee lang ang pag-blend ng golden voice ko di ko kaya yung ganun.Hail Mary the Queen Children's Choir (Immaculate Concepcion Cathedral in Cubao) De La Salle University Chorale

 Kapuri-puri rin ang talent nina Denise Barbacena at Philippine All Stars na kasama ni Sarah sa pag-awit ng Sining ng Pinoy na may rep part ni Gloc 9. Ganun din kina Jed, Bayang Barrios, at Halili-Cruz Dance Ballet. Sa ibang banda,  fan na talaga ako ni Gerard Salonga at ng kanyang orchestra ever since na napanood ko sila sa   concert ni Aiza Seguerra kaya true isa rin sila sa inaabangan ko.

Bayang Barrios

Gusto mo ba ng something cultured?  Na-experience ko yun nung nag-poet reading si Merlie Alunan at yung tumugtog ng instrumental (sorry di ko nakuha ang name kumomportrumako)

Congrats to all panalong  artists!

Siempre hindi ko lahat kilala ang mga awardees dahil sa iba’t ibang sining sila nagsimula. Pero tunay na nakakabilib lalo nung  tumuntong sa stage si Maria Cecilia Cruz   dahil  di lang s’ya babae kundi batang-bata pa. Mayroon din sa hanay ng  mga pinarangaln sa visual arts pero hindi ko nakuha eksakto yung name so alin sya kina Trisha Co. Reyes, Bianca Jamille Aguilar, Jamia Mei Tolentino,  at Maria Angelica Ramos Tejada.

Maria Cecilia Cruz awardees of  Ani ng Dangal 2014 - Visual Arts

Para sa mga Pinoy na hindi naniniwala na magaling ang kalahi nila pagdating sa arts, dapat maniwala na at  manood ng ganitong event. Para sa ibang pang pinarangalan at totoong alagad ng sining- Mabuhay po sa  inyo!


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

3 thoughts on “Ani ng Dangal 2014 presents Awe-inspiring Filipino Artists