Movie Review: Girl, Interrupted


Minsan bad trip ako sa nguso ni Angelina Jolie pero sa Tomb Raider napagtiyagaan ko siya ng bonggang-bongga. Dito sa Girl, Interrupted  (1999 film under Sony Pictures) hindi naman ako na-interrupt ng pamosong labi niya kundi sa buhok  at ang angas ng acting niya.

Credit: Girl, Interrupted/ Sony Pictures

Medyo nakakabwiset nga yung character n’ya   at tuloy sumasabay siya sa kamukha kong si Winona Ryder (charing lang). Maganda yung pagiging Lisa Rowe na napunta sa kanya para hindi niya bigyan ng justice. Good thing bagay na bagay sa kanya ang pagiging sociopath at nagawa naman niya ng maganda. Pang best supporting actress nga. (Pansin ko lang na pang-Tomb Raider na rin yung mga galaw ni Angelina dito.)

Ang gusto kong purihin din sa movie ay  ang ang editing at pagkakalahad ng istorya. Hindi nakakawala ng momentum ang pagbalik-balik sa past ni Sussana Kaysen (Winona) na sinasabing may Borderline Personality Disorder. Tama yung isang character doon sa pagsasabing ang ganda ng kutis ni Sussana dahil maganda nga ang pagkaputi dito ni Winona. Papasa lang siyang mukhang tomboy dahil sa ilang damit na kanyang isinuot at sa gupit ng kanyang buhok, although nandoon pa rin yung appeal niya.

Pasado si Winona na para lang siyang past ni Keira Knightley sa tingin ko pagdating sa acting. Mahusay, kung di man pang-award winning, ang kanyang performance niya rito.

Samantala, nakaka-aning din ang kalagayan nila sa loob ng Claymoore Hospital pero hindi naman yung sobrang nagpaka-deep. Hindi siya yung teka tingnan nga natin ang kalagayan ng mga baliw at baka nga may ganito. Kung baga hindi siya pang -docu o mala-pang Imbestigador. Tama lang na para maging intimate o maisa-isa ang bawat problema ng patients dito. Nakakaawa lang yung naging situation Daisy Randone (na ginampanan ng namayapang si Britanny Murphy) kasi papasa siyang normal pero nakakabaliw yung realidad ng buhay niya. Akala ko rin isang nakakainis ang role ni Whoppie Goldberg bilang Valerie Owen pero okay naman pala.

Medyo mabigat yung movie pero yakang-yaka naman itulog na lang. Napaisip lang ako kung bumo-border na rin ba ako? charrot, hehehe!

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

13 thoughts on “Movie Review: Girl, Interrupted