Flashdance…lousy but superb


Gaya ng Dirty Dancing ang Flash Dance ay ipinalabas noong 1980s, napaaga lang kasi eksaktong 1983 siya at classic  dance film baga!

Sa opening scene, nagitla ako. Ang eksena kasi isang kulot na babae na nagba-bike sa isang kalsada at papasok sa kanyang work kung saan siya welder. Eh ano naman nakaka-gitla doon? Nasa background music. Kasi dito pala nanggaling ang kantang “What A Feeling” na naririnig ko lang dati pa at ni hindi ko alam kung sino kumanta (nandito rin ang “Gloria”). Sabi ko nga eh pagdating sa mga familiar old song ay ang weird ng pakiramdam ko.

Maganda ang bidang babae rito na si Jennifer Beals at maging ang acting niya. na-dissatisfy  lang ako na  ‘yong mga bigating dance routines niya sa movie ay mga double niya ang gumawa. (kaya pala kako parang tigas naman pagkakulot ng buhok niya ‘pag nagsasayaw siya. buti na lang magaling talaga sumayaw).

Pansin ko lang sa mga napanood kong dance flicks na gawa noong 1980s- Staying Alive, Dirty Dancing at itong Flashdance- grabe ang struggle noong mga bida. Pang heavy drama ang tema pero ang bawi ay sa mga bigatin namang mga dance numbers, sobrang nakaka-amaze!

Ang siste lang nitong Flashdance ay parang labu-labo ng mga pangyayari. Patalon-talon, hindi lamang ng twist ng istorya kundi ng ilang eksena. May mga parang mailagay lang at ka-boom ibang eksena na kaagad. Sayang kasi for me dahil malaki ang promise ng love and dream na ipinapakita ng movie. Parang ang gulo pati ng pagkaka-present ng struggle ng lead actress at ng kanyang mga kaibigan.

Pero gustong-gusto ko ang love story nina Alex (Jennifer) Own at Nick Hurley (Michael Nouri) na in fairness ay maraming sikat na artista pala ang puwede sanang gumanap sa role nila gaya ni Demi Moore at Kevin Costner. Siempre naibigay naman ng film na ito ang ini-expect kong powerful dances at sobrang napaka-creative ng pagkakagawa. Pasadong music video na puro sayaw. Maikukumpara ko ang dance number sa club nila Alex sa club na pinagtatrabahuhan ng bida sa Make It Happen.

Dito hindi ko na kailangan ng sikat na bida tamang fresh na mukha ang inilagay na napakagaling naman sa pagsayaw. Although narito rin si Cynthia Rhodes na nasa Staying Alive at Dirty Dancing din (pero parang hindi ko lang siya napansin sa credit kasi parang wala siya sa ending credit.

Patalastas

Pero kahit saliwa ang pagkaka-edit wahhh okay na okay sa akin itong Flashdance. Hindi kataka-takang naging hit ito. Naloka lang ako sa itsura ngayon ni Michael Nouri. Tsinek ko kasi siya kasi parang like ko na siya as Nick. Wapak lolong-lolo na ang istura niya. Well dapat akong sinasabi pa kasi nong ginawa niya ang Flashdance (1983) ay 36 years old na pala siya noon. Wahhhh!

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Flashdance…lousy but superb