Vegetable Hoshi: si hoshi naggugulay?


Patanong talaga ang title ano kung naggugulay? Oo kasi ako rin eh hindi ako makapaniwala. paano ba naman, sabihin lang na gulay ang ulam ay pumupuga na ako sa harap ng lamesa.

Habang sarap na sarap ang iba sa pagngasab ng upo, kamatis, ampalaya, carrots, sayote etc etc ay ayun ako sa tindahan bumibili na lang ng de lata. At minsan, kapag sumakit ang tyan ko sinisisi ko talaga doon sa nakain o nagbigay sa akin ng gulay. 😛

Boneless buffalo and chicken salad

ewan, lahat naman ng mga kapatid ko kumakain ng gulay. at nung toddler pa si hoshi ang alam n’ya ay kumakain pa siya ng ampalaya with egg, sayote con sardinas, at ginataang pumpkin with salty daing. ta’s hayun nag-emerge into vegetarian (sa sobrang pagka-pro-gulay ayaw ng kainin). Naalala ko kung paano ako pumupuslit sa binatana para iluwa yung lutong gulay ng kuya ko. hahahahaha kahit anong gawin niyang parusa walang nagawa, stubborn ini!

Siguro ang nagbigay sa akin ng bagong pagtingin sa gulay ay ang kaklase ko nung 1st year high school. Ini-share niya sa akin ang baon niyang adobong sitaw. Eh letsugas talaga nasarapan ako. 3 bagay ang na-realize ko sa mouthwatering moment na yun –

  • masarap makikain sa baon ng iba,
  • magaling magluto ang mga Ilocano
  • at mas gusto ko ang lutong gulay na hindi pinagsama -sama gaya ng chopsuey at pinakbet.

Mula noon ni-try ko na ang pritong talong na isinasaw-saw sa sukang may garlic, pechay na may sabaw (sorry di ko alam luto),binagoongan na kangkong (ewan kong diningding yun), at laing. Siyempre all time favorite lutong gulay ko ay MONGGO hehehe

Pero lately, nagki-crave na ako sa vegetable salad. Kung dati-rati ay hanggang macaroni salad lang ako, ngayon ay lume-level up na rin ako ha! nag-start naman yun nung mapakain ako ni Manang Juling sa Pancake House ng salad, eh letsugas ang sarap din. Kaya ngayon super order na rin ako ng salad sa Kina Mang Kenny at Aling Wendy’s. Masarap din ang salad sa GOttis at Tropical Hut. kapag ang gulay mo ay isinalad mo pala mukhang sosyal na.

oh ayan at least gumugulay na ako! bow!

Patalastas



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

14 thoughts on “Vegetable Hoshi: si hoshi naggugulay?