Tula ng kalungkutan (Poem about Sorrow)


ang gulo-gulo ng paligid

iba-ibang lengguwahe ang aking naririnig

gustong sakupin ng dayuhang damdamin ang aking puso

ang hirap pag walang kadamay, nakakawala ng pag-asa

II

sinabi ko noon okay lang sa akin mapag-isa

kaya ko dahil isa akong palabang babae

Patalastas

pinalaki akong matapang at aral sa magagandang bagay

aanhin ko pa ang iba kung dapat na akong makontento

III

ngunit hindi sa lahat ng pagakakataon na kung ano

ang laman ng isipan ay siya mo ring mararamdaman

naghahanap ka pa rin ng taong magiging bayani mo

ang magliligtas sa yo sa kalungkutan

III

sorrow, dumating ka at binago mo ang pananaw ko

pinawi mo ang aking kalungkutan at pag-iisa

nandyan ka para pasilayin ang ngiti sa aking

mga labi at patibukin muli aking puso

IV

sana’y hindi ka magalit kong kantahin ko

ang i want to spend my lifetime loving you

dahil sa tuwing maririnig ko yan feeling ko

ako si Elena at yan ang theme song natin.

V

by the way, wag ka magalit kong sorrow ang title

sadya yan kasi noong nagso-sorrow ako sa room ko

naalala ko bumili pa la ako ng part 2 ng movie mo

kaya pinanood na kita. sorrow Zorro! daming errors.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

8 thoughts on “Tula ng kalungkutan (Poem about Sorrow)