Aiza Seguerra’s Lovelife concert


Without maraming tienes, I would like to congratulate Aiza Seguerra and FILharmoniKA sa success ng Aiza Seguerra Lovelife Concert sa On Stage, Greenbelt 1  (aug.21, 2010).  I consider na ito ang “first ever concert” na napanood ko and worth it  na “buena mano.”

Aiza Seguerra’s Concert – kuha ko nung kasama ko ang VJP hehehe

One reason why naghe-hesitate ako sa mga concert-concert ay kasi madali akong maumay sa iisang boses kahit gaano to kagaling yung singer. However sa combo nina aiza at ng Filharmonika hindi ko naman na-feel ‘yon . feeling ko pa nga ako si aiza sa stage, suave lang.  i even like na naka-casual lang sila lahat. concert siya pero yung mood ay kayo-kayo lang din.

Ilan sa mga kinanta ni Aiza ay Runaway (opening number), Sana’y Wala ng Wakas, Here I am, Forever and a day, Ought To know, Gaya ng Dati, Wind Beaneth my Wings, Every time, Bituing Walang Ningning, Hiram, In My Life,  at ang signature song niya na Pagdating ng Panahon.  Bukod sa Sawanawa, RunAway, In my life ay gustong-gusto ko rin ang Ang Huling El Bimbo. Standing Ovation pa nga yun e.

hindi ako sanay na walang dance number or drama effect sa stage pero okay na ang sayaw este pagkumpas-kumpas ni Gerard Salonga na siyang music director ng FIlharmonika. galing ng grupo niya hindi ako nawala sa kawalan. Magaling din si Raymond Sajor na special guest dito.

Proud din ako na may mga namataan akong foreigners at sosyalan na nanood. Saya lang dito ako nakapagpa-picture kasama si Mr. Gary  Valenciano. hohoho!

Puwede kaya ang The Corrs, Celine Dion, dyan na rin sa On stage mag-concert? Para kahit dulo ako ay makita ko pa rin. hehehe.  Actually quota na ako sa concert kasi napanood ko na  yung Black Eyed Peas at dedo na si Michael   Jackson (sila lang sa foreign ang willing ko gastusan)

Pero sana mapanood ko rin ng  live sina  Yeng  Constantino, KZ Tandingan, Lea Salonga, at iba pang local artists na trip ko.  Na-achieve ko na daw mapanood si Aiza e. hehehe!

Patalastas

Mabuhay sa mga Filipino artists!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

18 thoughts on “Aiza Seguerra’s Lovelife concert