Franchising or buy and sell/ online selling?


Tamang-tama na nag-iisip ako ng mapagkakakitaan ay siya namang pagpi-feature ng Ang Pinaka kahapon (Aug. 8 ) ng mga Pinakapatok na Business Franchise.

Nakalimutan ko na ‘yong pagkakasunod-sunod pero ang top 1 ay retail stores kung saan under ang mga convenient stores like Mini Stop and 7 -11. Samantala ang iba pang kasama sa listahan ay ang Cafés (Starbucks/ Mocha Blends/ Figaro), Miscellaneous (ink refilling station/ T-shirt Printing etc), Personal Care (HBC, Spa & Massage Center), Water Refilling Station (Crystal Clear), Service-Oriented (Parlor), Fast Food/Resto, at Food Cart. (Aalahanin ko pa ‘yong dalawa, nakalimutan ko lang kung saan ang aking kodigo.)

Gusto ko ‘yong sinabi ng isang panelist na EIC ng Enterepreur Magazine na tungkol dun sa Water Refilling station (WR). Aniya madalas katabi ng ganoong establishment ay ang mga Laundry shop kasi sa WR ang waste water na dumaan na sa proseso ay nakakapanghinayang kaya ginagamit sa paglalaba. Oh diba double purpose.
Market of HoshiSa aking paninimbang at sa pagbabasa na rin sa iba, hindi magandang mag-franchise kung

  • maliit pa lang ang capital mo lalo na’t may 50, 000 to 10 million ang ilan sa mga ito,
  • wala ka pang naiisip na matao o magandang puwesto at hindi mo rin hilig ang ipa-franchise mo. Kahit sinong sikat na kompanya ang i-franchise mo kung hindi naman maha-handle ng tama at hindi tauhin ay balewala rin.

Hindi ako nagsasalita ng tapos kasi marami naman talagang benefits, pero mas gusto ko ata ang magtayo ng negosyo na ako ang nakaisip. Ako ang nagpangalan at akin ang konsepto. Risky nga lang ang ganito kasi wala naman akong formal na kaalaman sa pagha-handle ng negosyo. Pero I think sa ganyang usapan lalabas ang pagiging tunay na entrepreneur -yong mahuli mo ang panlasa ng madla mula sa iyong interes.

May nagustuhan ako dati na i-franchise ‘yong Hansarap ata yon na nagtitinda ng goto na nasa cup at may kasama ng gulaman. Murang-mura lang ito sa halagang 20 (siempre may mura pang iba pero okay kasi ang packaging nito) at nakapuwesto iyon sa MRT Cubao. Bukod sa Cubao ay mayroon din ‘yon dati bandang Ayala Station kaso sa huling daan ko sa mga lugar na ‘yon wala na doon ang Hansarap. Pero kahit mayroon pa, hindi na ako ganun ka-open sa idea. Mas gusto kong patulan ang online selling or buy and sell. Pansin ko kasi marami sa may perang mamimili ay napipirmi sa pagba-browse sa mga websites  at doon na bumibili. Last year, ibinenta na namin ang lumang sasakyan namin. Alam n’yo kahit sinabi namin na may aayusin pa sa saksakyan- tatlo ang tumingin doon na lahat ay bunga sa pag-a-ad ng isa naming kakilala on line. And yes ang isa sa tatlong yon ang bumili sasakyan namin.

Gusto ko na nga ibenta ang mga gamit naming gumagana pa pero hindi naman nagagamit gaya ng stereo namin na ginawa na lang display ni Manang Juling. Sana lang ‘wag ako masobrahan kasi baka pati yung ginagamit namin i-sell ko na rin online. Magtaka na lang Nanay ko nasan na ‘yong ref namin naibenta ko na pala. Well sana ang una kong maibenta ay libro. Bow!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

7 thoughts on “Franchising or buy and sell/ online selling?