Kwentong lakwatsa sa UP Diliman Campus


O para naman mabigyang buhay ang kulay ng tulay sa balay

Makwentuhan ang mga utoy, kengkay at taga-Taytay

Narito ang iba ko pang kuha sa ligid-ligid ng Uni-ber-si-dad ng Pi-li-Pi-nas!

(wala ginaya ko lang kung paano i-cheer sa UAAP)

Malapit sa amin ang UP – mga tatlong sakay tas pag nakarating ka halhal ka. Nagpupunta ako rito pag may event, may murang seminar at kapag may nanlibre. Bago ang photowalk ang huling punta ko dyan ay nung ganapin sa film center ang graduation ng pamangkin ko na tinanghal na MOST ENERGETIC.

bloggers and Mang Larry

my fellow bloggers at iBlog Kina Mang Larry 

Maraming ginawang touching moment itong UP Film Center sa akin e, isa na dyan nung manood kami ng anniversary ng Bubble Gang noong 2005, ang una kong panood ng theater play (Merchant of the Venice), at ewan nakalimutan ko na yung iba.

4th-pandayang-lino-brocka-_-lobby-up-film-center-by-hitokirihoshi

UP Film Center

Bilib din ako sa pa-seminar dito kasi kung sa iba nagbabayad ng libo para makinig sa magagaling na hindi mo kilala, sa kanila nagbayad ako ng 50 pesos para makinig kay Joel Lamangan at isa pa uling P50 kay Mario J. delos Reyes. Ngayon yuyupiin kita pag hindi mo  kilala ang itong dalawa ito at hindi ka muna mag-research.

Patalastas

Marv de Leon of Freelance Blends on Podcasting

ang iBlog Summit ay palagi sa Malcolm Building

Anyway, hindi ako nag-aral ng UP pero may ilang ulit na akong napagkamalang nag-aaral sa UP. Ngayon nasa sa iyo na ‘yon kung ano sa palagay mo itsura ko noong tinanong ako nila basta hindi naman pang-Oblation. Hayun! Nagkuwento lang ako konti para hindi puro photos ang makita mo. hehehe

Mabuhay na lang sa Uni-ber-si-dad ng Pi-li-Pi-nas!

[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

14 thoughts on “Kwentong lakwatsa sa UP Diliman Campus