Ginanap noong July 24, 2010 ang third annual photowalk. Isa itong activity ng mga photographers kung saan sama-sama silang magkakalabitan (ng camera) sa isang particular na (mga) lugar. Worldwide ito kaya malamang ay hindi naman umuga ang buong earth sa kakalakad ng mga mangunguha (ng picture-picture) parang may panaka-nakang pagkidlat lang dahil sa mga flash.
First time kong mag-try na sumama sa activity na ganito. Wala pa naman ako balak na mag-photographer o bumili man lang ng DLSR (pero kung may magbibigay, tatanggapin ko ng buong puso). Gusto ko lang ma-experience kasi baka magustuhan ko rin. Hindi ko lang alam kung ipagpapasalamat ko na naiwan kami ng sinamahan naming grupo.
Nung mapadpad naman kami sa circle na part pa rin ng photowalk namin ay ako naman ang nag-tour sa kanya. niligaw ko lang naman. Hehehe
Hindi naman sa nagpapaka-humble ako pero huwag nyong asahan na maganda ang mga pinagkukuha ko. Tama ng ma-amaze kayo na tingnan mo nga naman naisip ni Hoshi yun? hehehe (jokeness).
Baka next year mag-photowalk din kami at sana (pero hindi naman ako atat) ay may bago na akong cam. Pero okay lang yung digi cams ko, kontento pa naman ako. basta masaya lang ako sa maayos na pangangalabit at pagkukuha. Mabuhay sa mga skywalkers este moonwalkers este photowalkers!
Pingback: Outside the Darkroom: How to capture Manila By Night? | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Salamat 2010 | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
so palaliman na tayo ng Tagalog? hehehe
oo naman nagustuhan ko, medyo napika lang talaga ako kung paano yung set up. hindi sa photowalk kundi sa grupo. na hindi ko nakita ever.
Ayun! Nagustuhan mo pala! Buti naman. Kagaya ng sinabi ko, hindi yan nadadaan sa DSLR or kung anumang mga fancy gadgets. Kapag maganda ang kuha mo ay maganda ang kuha mo, kahit ano pang ginamit mo. 😉
Bakit konti ang pictures?
Congratz! isa ka ng Photographer 🙂
1.kasi ayoko panakaw
2. kasi lalagyan ko pa ng watermark
3. kasi feeling ako
4. hahahaha
salamat sa iyong pagbati masabihan lang ako ok na ang kuha kahit na magaling na magaling. ok na ok na.
mabuhay!
naku sumama lang ako duking, hindi ko pa kaya yang ganyang trip.
medyo pahapon na yung kuhaan namin then umulan kaya ganyan tas yung cam ko mga ordinary digi cam lang. walang halong special effects kaya ganyan.
hayaan mo ilalagay ko yung ibang feeling ko puwede na sa mga sinabi mo. hehehe
mabuhay!
wow.bagong libangan!
fan din ako ng photo art.taga tingin lang.bat parang gabi na yung picture taking.dapat umaga para ma capture mo yung sinag ng araw.mas magaganda yata ang kuha kapag umaga at nasa natural light.
happy weekend hoshi!
gusto ko rin magphotowalk…
like totallyyyyyy!
sige next year sana maalala kong masabihan ka. masaya naman kahit kami lang nung friend ko. masuwerte ka nga at may dlsr ka. sayang din yung mga magaganda sanang shots.
wala akong dslr. hindi siya dslr.
nakakalungkot.
sige isama niyo ko…
saan ba?
ayaw niyo sa baguio?
hakhak!
ay wala ba? akala ko meron para kasing nakita ko or nakuwento mo yng pinaghirapan mong mabiling camera.
anyway, magkakaroon din tayo noon. hmmm yung photowalk naman mayroon sa iba’t ibang bansa at iba’t bang lugar sa Pilipinas. pero sana nga magawa namin yan next year dyan sa baguio. hehehe
ang saya noon!
Wow
Medyo magastos ang hobby na ire
Hehe
oo kaya ayoko pasukin. heheh
saka na pag nasa kalahati man lang ako ng kita ni raft3r. eh sino ba yang rafter na yan? hehehe
beys..
ahehe. kung ako lng may magandang cam malamang every movement ng mga tao sa paligid ko pipiktyuran ko.
nice shot, ate hoshi!
😆
wah talaga?! as in talagang ok ang kuha ko? salamat girl. natutuwa akong nagustuhan mo. digi cam lang ang gamit ko dyan. walang kahit anong effect.
naku magkakaroon ka rin niyan. baka dlsr pa, baka iba pa lang ang pina-prioritize mo. mabuhay!
maganda xa hoshi nu kb! ehehe. ako tlga walang talent sa gnyn. o well wla namn tlga akong talent! ehehhe. tska hnd aq nagkukuha ng pix pag naggagala,kc nman pano q ma eenjoy ang gala kung puro click ng click db? ehehe.
*kaway hoshi*
wow, salamat girl!
naku ikaw naman, baka nga eh hinhintay ka na sa talentadong Pinoy or na-late ka sa Pilipinas Got Talent. hehehe
oo ako kawawa pag ako photographer wala akong kuha sa mga pinapasyalan namin. pero medyo okay lang naman hindi rin kasi ako gaanong mahilig magpa-picture. hehehe!
Kawaii Kayedee!
Ang dalas mo sa bandang circle ah. Haha.
oo nga e, napapansin ko na rin e. susunod niyan magtatayo na ako ng travel agency dyan. wahahaha