Wordcamp 2010 refreshes blogging 101 20


Isa na namang makabuluhan at naiibang experience ang maka-attend ng Wordcamp ng WordPress sa College of St. Benilde ( Taft Ave.,Manila City) well, bukod sa hindi ko pinalagpas na makapagpa-picture ulit sa creator ng WordPress na si  Matt Mullenweg.

logo wordcamp 9-6-08 by hitokirihoshiAs much as I want to share sa inyo lahat ng info na aking nakuha, na gagawin ko rin paisa-isa, hindi pa pwede kasi ire-review ko pa ang notes ko and na-record ko. (yes mahilig ako mag-record hahaha)

In the meantime, isa-summarize ko muna yung event according sa akin P.O.V. bilang introduction na rin.

  1. sa dami ng mapagpipiliang topic/session pinili ko ang Integrating Social Media by Misty BelardoAnatomy of a WordPress Blog by Micaela Rodriguez, and Blogging with Passion by Jayvee Fernandez.
  2. I believe na malaki ang magagawa ng mga social media or social networking sites (twitter,facebook, etc)  sa pagpo-promote hindi lamang ng biz kundi blog na rin. Isa sa pinakamahalagang natutuhan ko sa class ni Misty ay mas dynamic ang palitan ng communication sa blog at alternative ang pagsi-share ng blog posts sa mga social media sa SEO (Search Engine Optimization).
  3. Actually, medyo alam ko na yung kabagayan na nasa report ni Mica pero okay na rin na pumunta roon to refresh yong knowledge ko. Pero siempre I expect na baka may hindi pa ako alam. Wala naman masyado , na-verify  ko lang na talagang dapat na may account ka sa gravatar.com para mas mapadali ang  pag-visit sa blog mo at pag-identify sa’yo ng iba.
  4. Bukod sa nalaman kong guapo si Jayvee sa personal, good to know na yung passion na isini-share niya ay walang kinalaman sa pagiging tech savvy. Ini-encouarge niya ang mga bloggers to talk about something new at hindi puro paulit-ulit na topic. Magandang blog yung interes mo talaga at kaya mong i-sustain sa pangmatagalan.
  5. danny arao wordcamp 9-6-08 by hitokirihoshi

    Danny Arao Wordcamp ’08

    Again, Nakita ko na ulit si Sir Danny Arao na na-meet ko rin sa first Wordcamp. Same topic yung sinabi niya pero maganda pa ring pag-aralan. I’ll share yung mga notes niya sa mga sususnod na araw. Pero ang pinaka-core na nais niyang sabihin (sa tingin ko) ay maging responsible sa pagba-blog. Kung ang blog mo ay tungkol lamang sa sarili mong interes at mga galit mo, maiging wag ka na mag-blog at kimkimin mo na lang yung idea mo. Because ang pagba-blog ay pagsi-share at pag-influence ng public opinion. And walang masama sa advertising, wag ka lang manloloko.

  6. May mga representatives doon na taga-Microsoft and Google. Sayang ang paparemyo nila, gustong-gusto kong sumagot pero wala akong alam e. Buti nga kamo nandoon sila marami tuloy akong nalaman kahit man lang sa mga icons. Hehehe
  7. Hindi na masyadong nag-discuss si Matt (close daw kami) kundi sinagot na lamang ang mga katanungan sa kanya. Pero sa lahat-lahat ng sinabi niya, isa yung tumatak sa akin. Ini-encourage niya na mag-blog sa Tagalog ang mga Filipino. Siguro ang basic dito ay para mas mapalawak ang translation at community sa ibang language ng wordpress. Napansin siguro niya na ang mga Pinoy mas gustong mag-blog in English. Matt Tagalog gamit ko sa 2 blogs ko. kaisa mo ako!
  8. Okay ang meal, busog na busog ako at yung mga kasama sa package – bag- tshirt, stickers at i.d.
  9. Mas maayos ngayon yung process mula sa simula hanggang sa pag-attend sa mga class. Naligaw nga lang ako, napunta ata ako sa building ng Ateneo. Joke!
  10. Nanalo ako ng  one year basic hostong plan from solidhosting.ph. hohoho!

(suwerte ata ako sa ganito, nung nakaraan flexible keyboard from Smart)

mabuhay sa mga tao sa likod ng Wordcamp 2010!


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

20 thoughts on “Wordcamp 2010 refreshes blogging 101