Manuel L. Quezon is handsome


Ilang taon na akong nagpapabalik-balik sa Quezon City Memorial Circle Pero nito lang Sabado ako nakapasok sa loob ng dambuhalang Quezon Memorial Shrine, na nakatayo sa pinakasentro ng circle.

young Manuel L. Quezon memories  at Quezon  Memorial Circle  Museum (1)

Ang pinakapangit na masasabi ko sa museum ay ang poor lighting nito kasi wala ata akong kuha na maganda-ganda dahil sa tama ng ilaw at medyo dim light ang effect sa loob. Pero maliban sa bagay na iyon wala na akong sasabihing pangit kasi dahil sa shrine naguapuhan ako kay Pres. Manuel L. Quezon.

Sa bente pesos, masasabi kong siguro orange ang favorite color n’ya o kaya naman halatang mestizo ang lahi nito dahil sa tangos ng ilong.  At kinailangan pa akong magpunta sa shrine n’ya para mapatunayan na hindi sing-halaga ng P20 ang kanyang katauhan.

Nakakatuwa ‘yong mga pictutures niya kasi classic na classic ang dating pero malinaw. Ipinapakita ng mga ito ang kanyang aktibong pamumuhay sa larangan ng pulitika kasama ng kanyang pamilya. Masasabi ring marami ang kumikilala sa kanya dahil na rin sa mga naka-display na regalo sa kanya ng iba’t ibang tao.

Mr. and Mrs. Quezon

May isang picture dito na na kung saan nakapila ang mga prominenteng tao na ating pinag-aaralan sa libro. Naisip kaya nila na balang araw na kahit wala na sila sa earth ay inilalathala pa rin ang kanilang life story? At hindi lang pinag-aaralan ha, kundi ipinapamulat sa mga kabataan na sila ay may ganitong kontribusyon sa bayan.

Sa opinyon ko rin kumpara sa iba, lumaki sa marangyang buhay si Quezon ito ay dahil na rin sa mga gamit at kasuotan niyang isinusuot. Napili nga lamang niya ang isang trabahong malaki ang responsibilidad at hindi lamang ang yaman ang pamantayan.

Pero ang talagang nagpahanga sa akin ay iyong part na nagpapakita ng kanyang pamilya at pagsasabing siya ay isang family man. Para sa akin iba yung nagagawa mong buo ang iyong pamilya sa kabila ng iyong mga hangarin sa buhay. Hindi ko na aalamin kung totoo yun pero base sa pictures masuwerte si Doña Aurora Aragon sa kanya. Prominente na, guapo pa at sinasama siya sa lakaran nito. Nakakalungkot lang malaman na namatay si Doña Aurora at ang panganay nilang anak na si Maria Aurora (nakamana ng kaguapuhan ni Pres. Quezon) sa isang ambush noong 1949.

Patalastas

Quezon's tomb

Para sa akin ang tunay na kaguapuhan ni Manuel L. Quezon ay ang kanyang pagkatao at pananaw niya sa buhay bilang Filipino. Smile Quezon City!

mirror painting, quezon


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

30 thoughts on “Manuel L. Quezon is handsome