Hit back… Intramuros Manila


Nabasa ko makailang beses na sa mga balita na muling bibigyang pansin ang Intramuros Manila. Sagot ko? mabuti naman! Matagal na rin noong una akong makaikot sa pamosong lugar na ito, pero lumala. Mas nagmumukha na itong ordinaryong lugar lalo na sa ilang bahagi nito.

Sabi ni Syngkit sa akin noon ay buhay na buhay ito noong kalihim pa ng Department of Tourism (DOT) si Richard Gordon. Ano na ang nangyari? At sayang pala hindi ako nakadalaw noong namumuno pa siya.

Baluarte Javier
Baluarte Javier

Sa ibang banda, kung ikaw ay turista maganda mo pa ring tunguhin ang Intramuros, lalo na ang bahagi kung nasaan ang San Agustin ChurchManila Cathedral at Fort Santiago. Mas may dating at mararamdaman mo ang naiibang ambiance at old Spanish vibe. Pinakagusto ko dun sa may souvenir shops.

Sa Fort Santiago ay may entrance fee. Nung una akong napunta rito ay may ilang bahagi nito ang makalat, lalo na ang mga tunnels (gusto ko pa naman pasukin para pampasaya ng feeling). Nakakatuwa iyong dayuhan na nakasabay namin na tingin ko ay interesado sa kasaysayan ni Dr. Jose Rizal at ng ‘Pinas. May ilan sa kanila ay Korean, Japanese at European (sagot sa ‘di alam kung saan talaga). Kung may subtitles lang ang bawat salita nila ay babasahin ko talaga kahit gaano sila kabilis sa imaginary screen.

Samantala, kung iinterbyuhin ko ang aking sarili…

Hitokirihoshi Sr: Ano ang pakiramdam o sentimiento mo tungkol sa Intramuros?

Hoshi Jr.: Iniisip ko sila Rizal at ‘yong mga ka-generation n’ya habang binabagtas ko ang mga daan sa Intramuros. Siguro sa talipapa lang nila binili yong mga gamit nila pero tingnan mo naman naka-museum na. Siempre iyon ay dahil sa taong nagsuot at karakter ng kasuotan di ba?

Patalastas

Eh Iyang Intramuros Manila punong-puno ng karakter at kasaysayan. Sana mapangalaagan pa.

Gusto ko rin i-imagine na nakakasabay ko si Rizal sa paglalakad sa Fort Santiago. Tas nagkukuwentuhan kami pagbabalik-tanaw sa kanyang karanasan dito at ano ang masasabi niya sa mga paintings na nandoon yung itsura nya. Tas ‘yong mga akda nya na kung saan-saan at iba-iba ang pagkakasulat. ‘Tas ‘pag gusto n’ya papaturo ako sa kanya ng iba’t ibang font style sa tablet (yung gawa sa marmol hindi yung PC). Siguro sasabihin n’ya sa akin, Hoshi Jr. ng Hoshilandia.com wala sa istilo ng pagsulat at ano o saan mo isinulat ang iyong akda, nasa isinasaad iyon ng iyong teksto. Sasabihin ko naman, dahan-dahan lang po Doktor sa pagsasalita. Aking itinatala ang iyong mga sinasabi kung iyong mamarapatin, puwede bang titintaan ko pa ang aking pluma. char!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

20 thoughts on “Hit back… Intramuros Manila