Hit back… Intramuros Manila 20


Baluarte Javier

Baluarte Javier

Nabasa ko sa ilang newspapers na muling bibigyang pansin ang Intramuros. Sagot ko? mabuti naman! Matagal na rin noong una akong makaikot sa pamosong lugar na ito pero may hindi nag-iba at lumala, mas nagmumukha na itong ordinaryong lugar lalo na sa ilang bahagi nito. Sabi ni Syngkit buhay na buhay ito noong kalihim pa ng Department of Tourism (DOT) si Richard “Dick” Gordon. Ano na ang nangyari? At sayang pala hindi ako nakadalaw noong namumuno pa siya.

Sa ibang banda, kung ikaw ay turista maganda mong tunguhin ay ang bahagi kung nasaan ang San Agustin ChurchManila Cathedral at Fort Santiago. Mas may dating at mararamdaman mo ang naiibang ambiance, old Spanish style. Pinakagusto ko dun sa may souvenir shops.

 

Sa Fort Santiago na ang entrance fee ay P75 ay okay rin naman. May mga konting sablay nga lang sa ilang bahagi lalo na ang kalat sa mga tunnels (gusto ko pa naman pasukin para pampasaya ng feeling). Nakakatuwa iyong dayuhan na nakasabay namin na tingin ko ay interesado  sa kasaysayan ni Dr. Jose Rizal at ng ‘Pinas. May ilan sa kanila ay Korean, Japanese at European (sagot sa ‘di alam kung saan talaga). Kung may subtitles lang ang bawat salita nila ay babasahin ko talaga kahit gaano sila kabilis sa imaginary screen.

Samantala,kung iinterbyuhin ko ang aking sarili…

Hitokirihoshi Sr: Ano ang pakiramdam o sentimiento mo tungkol sa Intramuros?

Hoshi Jr.: Iniisip ko sila Rizal at ‘yong mga ka-generation n’ya habang binabagtas ko ang mga daan sa Intramuros. Siguro sa talipapa lang nila binili yong mga gamit nila pero tingnan mo naman naka-museum na. Siempre iyon ay dahil sa taong nagsuot at karakter ng kasuotan di ba?

Eh Iyang Intramuros punong-puno ng karakter at hiyas ng ‘Pinas. Sana mapangalaagan.

Gusto ko rin i-imagine na nakakasabay ko si Rizal sa paglalakad sa Fort Santiago. Tas nagkukuwentuhan kami pagbabalik-tanaw sa kanyang karanasan dito at ano ang  masasabi niya sa mga paintings na nandoon yung itsura nya. Tas yong mga akda nya na kung saan-saan at iba-iba ang pagkakasulat. Tas pag gusto nya tuturuan ko ng siya iba’t ibang font style sa tablet (Yung gawa sa marmol hindi yung PC). Siguro sasabihin n’ya sa akin, Hoshi Jr. ng Hoshilandia.com wala sa istilo ng pagsulat at ano o saan mo isinulat ang iyong akda, nasa isinasaad iyon ng iyong teksto. Sasabihin ko naman, dahan-dahan lang po Doktor sa pagsasalita. Aking itinatala ang iyong mga sinasabi kung iyong mamarapatin, puwede bang titintaan ko pa ang aking pluma.

Hitokirihoshi Sr: Dami mo nang sinabi isang pangungusap lang naman ang tanong ko. May paima-imagine ka pa dyan. Sila na lang, ano ang pakiramdam o sentimiento mo tungkol sa Intramuros?


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

20 thoughts on “Hit back… Intramuros Manila