Gat Tayaw Tsinelas Festival: Kaaliw sa Liliw, Laguna


Wala kaming ideya na saktong Gat Tayaw Tsinelas Festival pala sa Liliw, Laguna noong nagawi kami doon. At sa obserbasyon ko ay bagaman may pagka-moderno na ang pamamaraan ng pagdiriwang dito ay naroon pa ring touch of traditional Pinoy style of celebration.

Higanteng Bakya sa Tsinelas Festival
Higanteng Bakya sa Tsinelas Festival

Ang Tsinelas Festival

Para sa akin ang pinakakomportableng footgear ay tsinelas, lalo na iyong rubber lang na ginagamit na panglabas ng bahay. Siempre marami ng klase ng disenyo mayroon ‘yan. At kumpara dati, hindi na rin ako nakakita ng taong halos butasin muna ang kanyang tsinelas bago bumili ng bago. Sa ngayon papalitan mo ang tsinelas mo kasi ayaw muna o nawala.  Dati ‘pag napigtal ang tsinelas ay gagawan pa talaga ng paraan para makabit gaya na lamang ng paglalagay ng alambre.

Sa Tsinelas Festival…halos mga kabataan ang aliw na aliw sa fiesta. Siguro dahil Sabado noon at wala pang gaanong seremonya. Isa pa’y ang piyestang ito ay isa sa pinakabagong naitatag.

Liliw Laguna store

Sari-sari ang makikitang paninda at pakulo sa buong street na aming napuntahan. Bukod pa sa sandamakmak na panindang tsinelas. May magagandang bags, masasarap na pasalubong, mascots, giant tsinelas (parang sapatos sa Marikina, Riverbanks) at iba’t ibang booth.

Nakabili ako rito ng bag sa halagang P200, sandals worth Php 80, Liliw’s Tsinelas festival T-shirt na may libreng print ng pangalan sa likod worth P150, at Espasol na 3 for P100.

Liliw Church

Sa Liliw, isang mahabang daanan ang mga tindahan ng tsinelas o sandals. Malapit at nasa pinakatoktok ng street na ito ang Church of Lilio o St. John the Baptist Parish na itinayo noong 1605. Malaki ang simbahan na may makalumang retablo at Capella de San Buenaventura sa left side. Malawak din ang paligid nito na maikukumpara ko sa Antipolo Church.

Liliw Church facade
Liliw Church Altar

Paalala sa mga viajero’t viajera

  • Mag-research sa Internet (laking tulong ng mga blogs) muna para makakuha ng information gaya ng oras ng viaje at magkano ang pamasahe. Ang daan patungong Liliw mula Sta. Cruz ay medyo nakaka-tense dahil matarik at may ilang bahagi ang puro puno lamang ang iyong makikita. Maiging makipag-brainstorm sa iyong kasama at ‘wag mag-stick sa iisang plano.
  • Magtanong sa mga taong nakarating na o nakatira malapit sa lugar. Mayroon silang suggestions na makakatulong sa mahayahay (smooth) mong road trip.

Nalaman namin na hanggang 7 PM lang ang viaje pabalik sa Sta. Cruz. Buti na lang nalaman ko na ang isang way pabalik sa Manila ay pagsakay sa San Pablo, tricycle pa-highway at presto marami nang mga dumaan na bus pa-cubao o LRT Buendia.

Patalastas

  • Magdala ng gamit. mabigat at bulky pero may pagkakataon na walang kuwenta ang ATM at cash sa wallet lalo na sa bundok malayo sa mga suking tindahan.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

11 thoughts on “Gat Tayaw Tsinelas Festival: Kaaliw sa Liliw, Laguna