Filipino authors impart how to manage money with good attitude


Paminsan-minsan ay may pagka-impulsive book buyer ako. Naalala ko bumili ako one time ng more than P1000 halaga ng mga libro bilang Pamasko ko sa aking sarili.

business and financial books

 

Ilan sa nabili kong libro noon at nabasa ko na ay ang Diskarteng Pinoy! ni William M. Rodriguez II at Go Negosyo: 21 Steps on How to Start Your Own Business nila Dean Pax Lapid at Ping Sotto. Ganito rin halos ang nangyari nung nabili ko ang My Maid Invests in the Stock Market… ni Bo Sanchez at nitong nakaraang sweldo Ang Pera na Hindi Bitin ni Eduardo O. Robert, Jr.

national book store books-for-only-50-pesos-2

Ang Pera na Hindi Bitin ni Eduardo O. Robert, Jr

Natapos ko na basahin ang book ni Mr. Robert at iba ko pang nabili. Gaya nung nasabi ko na sa Why I read small books written by Filipino writers hindi naman ako binigo ng librong sinulat at sinaliksik ng mga Pinoy na manunulat. Bagkus dinagdagan nito ang impression ko na ang mga business or finance Filipino authors, and even entrepreneurs, ay nagtuturo hindi lamang mag-manage at magpalago ng pera, kundi magpasalamat din sa Dios. Oo kailangan natin ng pambili ng ating mga pangangailangan. Subalit, sa kahuli-hulihan happiness (synonym ata n’yan ang contentment) pa rin ang ating gusto. Karamihan din sa mga Filipino authors ay nagpapamalas ng pagiging mapagkumbaba at pagkilala ng kanilang mga kamalian o pagkabigo na naging susi sa kanilang tagumpay.

May pitong istratehiya na binanggit si Mr. Robert sa Ang Perang Di Bitin ( halagang Php 50 lamang nung nabili ko) para pera’y ‘di maging bitin. Nagningning lang aking mga mata nung nabasa ko ‘yong Educate Yourself. May rason na ako sa pag-i-invest sa pagbili ng libro o pagbabayad ng online training. Thank God sagana ang mga librong gawang Pinoy na abot-kaya ang presyo at malaman.

chinkee tan books b
3 na nabasa ko rito!

Samantala, may isang part naman dito na talagang nakapukaw ng aking atensyon at imahinasyon. Iyon iyong pagsabi sa mga pinagkakautangan mo na babayaran mo sila kasi nagbibigay ito ng peace of mind sa kanila. Feel na feel ko ito lalo na sa mga taong nangungutang sa akin. Minsan iisipin mo na lang sige bahala na sila kung babayaran nila kasi baka mas kailangan nila. Pero hindi mo rin maiaalis na masaktan kahit papaano. Kasi yung perang ipinautang mo hindi mo ninakaw at pinagtrabahuan mo naman nang bonggang-bongga. Bakit napakadali nilang nautang sa iyo, pero ang bigat para sa kanilang bayaran? May mga ganung drama talaga pero ‘di naman ako umabot sa point na nagpadausdos ako sa dingding pababa, pagkatpos ay may paghampas sa unan na may panaka-nakang paghikbi.

ang-pera-na-di-bitin-ni-eduardo-roberto-photo-by-hitokirihoshi

Sa awa naman hindi ko ugaling mangutang. Siguro dahil na rin nga ‘yon sa sinisikap ko na maging simple <gorgeous ahmmm> at naimpluwensyahan ako ng mga lolo’t lola ko na maging malayo sa laway este layaw.

Patalastas

Adarna House Books

Tama rin ‘yong point na pagyamanin mo ‘yong talent na ibinigay sa iyo. Ang favorite verse ko sa pag-i-invest ay nabanggit din dito “Remember this: Whoever sows sparingly, will also reap sparingly, and whoever sows generously will reap generously.” -2 Corinthians 9: 6. You know, may ilan na naghihintay nang malaking kapalit sa kakarampot nilang ginawa. Pinapasok ang bagay na hindi nila alam o hindi man lang pag-aksayahan ng panahon na aralin. Tapos magtatanong “why oh why?!”

So you want to be a freelance writer, Malictionary, My Maid invests in the stock market

Ito tanong? Worth it ba ang libro ni Mr.Robert? Oo naman! Sa halagang P50 daming benefits! Naku naalala ko nung una kong makita yung books nila Elizabeth Ong at Malictionary ni Ernie Zarate mas mura pa sana kaysa nung binili ko na. Tingin ko puwedeng tumaas ang presyo nitong book lalo na’t best seller ito ngayon sa store ni Nanay Coring.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

17 thoughts on “Filipino authors impart how to manage money with good attitude

  • ryan

    sana mag labas pa kayo ng maraming libro na kaya ng nga pilipino na kinakapos sa pera ….in short yong morang libro lamang at hitik sa mga empormasyon at hinding malilimutang gintong aral…..thanks po

    • Hitokirihoshi Post author

      Hi Ryan! Thank you sa pagbisita sa Hoshilandia Jr!

      Nakakatuwa na interesado ka sa ganitong mga babasahin. Ang Pera na di bitin ay halagang 50 lamang at mura din naman ang My Maid invests in the stock market. bukod doon ay ang unang part ng Ang Perang Di Bitin ay nagkakahalaga lamang ng P10.

      Nakiki-wish din ako na sana ay magkaroon pa ng ganitong mga babasahin na mura para mas maraming Pinoy ang magkaroon ng kamalayan sa tamang pananalapi.

      mabuhay!

  • elpidio

    Korek ang pera mabuting alipin pero masamang amo diba, one of my article is describing mammon or pera sa tagalog.

    • Hitokirihoshi Post author

      naman kuya tumpak ka dyan… mabuti nang marunong kang humawak ng pera at ikaw ang komokontrol nito.

      when you gain money dapat you also gain wisdom and never neglect your obligations.

      mabuhay ( napa-english daw ako!)

  • Nick

    Nabahiran ng ngiti ang aking mga labi habang aking binabasa ang iyong likha. Nakakaaliw marahil sa iyong pamamaraan ng pagsusulat.

    Namangha ako. Siguradong ako’y babalik 😀

    • Hitokirihoshi Post author

      una sa lahat, welcome dito and thank you sa iyong pagbisita with comment

      thankful din ako at nagustuhan mo ang aking natural way of writing. and i expect na makabisita ka ulit.

      mabuhay!

    • Hitokirihoshi Post author

      lam mo maniniwala pa ako na sabihin mo na hindi mo pa nakikita yung libro o di ka pa napapadaan ng national. pero ang sabihin mo na bitin ang pera mo, liar! hahahaha!

  • Pong

    pasensya na ngayon lang ulit nakadalaw, ako madami akong utang hahahahaha xD
    bondage kasi ang utang kailangan talaga na ma-set free tayo diyan,
    malapit na siguro ako hahaha, wala pa kasing work eh.

    mahalaga ang mga books lalo na kung worth reading ang mga ito.

    mabuhay!

    • Hitokirihoshi Post author

      naku okay lang yun kuya pong. pero I’m glad na nakadalaw ka rito.

      yes ang magagandang books, nagbibigay ng inspirasyon at ibang dimension sa araw-araw mong ginagawa. good luck kuya!

  • apollo

    may nabili din akong ganyang libro. 50petots lang yun di ba?

    re: sa book, tama ang author. dapat talagang maeducate ang lahat ng pinoy sa tamang paggamit ng pera. 😀