Hoshilandia. I am very pleased and thankful sa ranking ng aspectos de hitokiriHOSHI. Umabot ako ng PR 3 at kahit bumaba ulit sa PR2 (sana tumaas ulit) ay tuwang-tuwa ako sa Alexa Global Rank & rank in PH ko na pumapalo na sa 833,000 + (pinakamataas ko so far ay 803,000+) at 7700+ (pinakamataas so far ay around 6000+) Wala naman akong masydong ibang ginagawa maliban sa medyo mas may effort at pinaglalaanan ko ng time ang Hoshilandia.com kumpara sa kwentotpaniniwalanihitokirihoshi nitong mga nakaraan (pero treasure sila sa akin pareho).
Iyong position ng Hoshilandia.com sa Alexa at iba pang kauri nito na nagko-collect ng data o traffic report ay nakakangiti kasi lumagpas sa expectation mo ‘yong resulta. Unang-una kasi nasa Filipino ang aking site at ang obvious na magiging market ko ay mga Filipino rin. At nakakapag-blog lang ako ng bongga ‘pag may free time at gamit ko ang PC sa bahay.
Hugh. Hindi ko alam kung naipakilala ko na si Hugh Will pero naging mag-on kami nitong Pebrero 26. Hindi naman siya ganoon ka-high tech pero superb na talaga for me. (hindi ko sasabihin na mura lang ano!? kahit mas less ang price niya kumpara sa ibang notebook). Si Hugh ay bunga ng aking sideline noon at ipon. Bale ang nangyari ay nag-finance ako ng biz ng kuya ko at nung nabalik na niya yong hiniram niya ay isa si Hugh (saka si Bae> my voice recorder) ang inasikaso ko.
Nung nangangarap ako na magka-laptop, pansin na pansin ko sa iba na matagal kung makapag-computer sa Starbucks. Wala na akong paki kong porma lang o talagang seryosong usapan ang ginagawa ng mga taong ganoon kasi laptop is portable PC dava! Kaya sabi ko kay Manilen at Syngkit, ‘pag nakabili ako ng laptop magpapa-picture ako sa Starbucks na naka-laptop. Kahit pa-picture lang wala ng kapehan.
hugh & me (intentionally cropped)- photo by jovy bajo
Starbucks. Hindi naman ako pala Starbucks pero in-acknowledge ko na may something kapag nakapag-Strabucks ka. Dahil nasa bingit na ng 1 million noon ang Alexa ranking ko I promise na kapag bumaba pa ito sa one million ay magpapa-Starbucks ako. Siempre plus factor na roon yung dream ko na makapagpa-picture at may bagong bukas na branch niyan sa building namin. Eh ayun na nga lumagpas na… kaya go go go! Kasama ko ang aking mga officemates na ganoon na lang din ang suporta sa aking bloglife. Siempre, special mention dyan ang VJP Photographics na mula nang nai-post ko ang blog about sa kanila ay lalong tumataas ang ranking ko.
Salamat po sa lahat ng sumusuporta sa hoshilandia.com! “yong pag-visit, comment at pag-link niya ang talagang nagbibigay buhay dito. Mabuhay!
(Long overdue na ito pero queber!)
Pingback: Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI
pa-comment tungkol dun sa Alexa Rank, panu ba ang teknik mo jan?hihi pangarap ko din kasi magpataas nyan.hahah
Hi Ian albert welcome sa hoshilandia.com
wala naman akong ibang ginagawa, maliban sa masipag ako mag-share sa mga social media at mag-post ng mag-post. pero ang alam ko nakakaapekto rin dyan yung bilis ng pag-load ng website mo at quality ng sites na naka-link sa iyo.
salamat sa tips. 😀 sige tatandaan ko yan.^^ parehas pala tayo ng gamit na theme. hihih http://iantamad.com ^^
walang ano man! okay kasi ito kahit sobrang simple.
Naman! Ikaw na! You already! Pero parang ang tagal na nito ah. LOL.
oo tagal bago ko naalala. hehehe
salamat na rin sa suporta IamStorm! next time ikaw na ang manlilibre sa Starbucks!
naman
iba na talaga ang sikat
teka, nasan na ang starbucks ko ha
mabuhay ka at ang buong tropa ng hoshilandia
hahaha di na kailangan ng starbucks for you raft3r. cute ka na e. hahahahah
Congrats sa iyo Hoshi. Marami ka ng kliyente siguro, basta importante enjoy ka sa ginagawa mo.
wow! salamat po kuya at maraming salamat din sa palagi ninyong pagbisita rito. mabuhay po!