Filipino authors impart how to manage money with good attitude 17


business and financial booksPaminsan-minsan ay may pagka-impulsive book buyer ako.   Naalala ko nung 2009, bumili ako ng more than P1000 halaga ng mga libro bilang Pamasko ko sa aking sarili.

 

Ilan sa nabili kong libro noon at nabasa ko na ay ang Diskarteng Pinoy! ni William M. Rodriguez II at Go Negosyo: 21 Steps on How to Start Your Own Business nila Dean Pax Lapid at Ping Sotto. Ganito rin halos ang nangyari nung nabili ko ang My Maid Invests in the Stock Market… ni Bo Sanchez at nitong nakaraang sweldo Ang Pera na Hindi Bitin ni Eduardo O. Robert, Jr. at  MoneySense magazine na nagkakahalaga ng P150 <take note hindi back issue  at hindi ko rin crush ang nasa cover>.

Natapos ko na basahin ang book ni Mr. Robert at iba ko pang nabili.  Gaya nung nasabi ko na sa  Why I read small books written by Filipino writers hindi naman ako binigo ng librong sinulat at sinipi ng mga Pinoy na manunulat. Bagkus dinagdagan nito ang impression ko na ang mga Filipino writers and even Filipino entrepreneurs ay nagtuturo hindi lamang mag-manage at magpalago ng pera kundi magpasalamat sa Dios.   Oo kailangan natin ng pambili ng ating mga pangangailangan. Subalit, sa kahuli-hulihan happiness (synonym ata n’yan ang contentment) pa rin ang iyong gusto na hindi kayang tumbasan ng pera at sa kabilang buhay ang ating tuloy. Karamihan din sa kanila ay nagpapamalas ng pagiging mapagkumbaba at pagkilala ng kanilang mga kamalian o pagkabigo na naging susi sa kanilang tagumpay.national book store books-for-only-50-pesos-2

May pitong istratehiya na binanggit si Mr. Robert sa Ang Perang Di Bitin ( halagang Php 50 lamang) para pera’y ‘di maging bitin.  Nagningning lang aking mga mata dahil isa dun ‘yong Educate Yourself. May rationale na ako sa pagbili ng libro at thank God sagana ngayon ang mga librong gawang Pinoy na abot-kaya ang presyo at malaman.

chinkee tan books b

3 na nabasa ko rito!

Samantala, may isang part naman dito na talagang nagpakulot ng aking atensyon at imahinasyon. Iyo iyong pagsabi sa mga pinagkakautangan mo na babayaran mo sila kasi nagbibigay ito ng peace of mind sa kanila. Feel na feel ko ito lalo na sa mga taong nangungutang sa akin. Minsan iisipin mo na lang sige bahala na sila kung babayaran nila kasi baka mas kailangan nila. Pero hindi mo rin maiaalis na masaktan kahit papaano. Kasi yung perang ipinautang mo hindi mo naman ninakaw at pinagtrabahuan mo naman nang bonggang-bongga. Bakit napakadali nilang nautang sa iyo pero ang bigat sa kanilang bayaran? May mga ganung drama talaga pero di naman ako umabot sa point na nagpadausdos ako sa dingding pababa, pagkatpos ay may paghampas sa unan na may panaka-nakang paghikbi.

Sa awa naman hindi ko ugaling mangutang. Siguro dahil na rin nga ‘yon sa sinisikap ko na maging simple <gorgeous ahmmm> at naimpluwensyahan ako ng mga lolo’t lola ko na maging malayo sa laway este layaw.ang-pera-na-di-bitin-ni-eduardo-roberto-photo-by-hitokirihoshi

Tama rin ‘yong point na pagyamanin mo ‘yong talent na ibinigay sa iyo. Ang favorite verse ko sa pag-i-invest ay nabanggit din dito “Remember this: Whoever sows sparingly, will also reap sparingly, and whoever sows generously will reap generously.” -2 Corinthians 9: 6. You know, may ilan na naghihintay nang malaking kapalit sa kakarampot nilang ginawa. Pinapasok ang bagay na hindi nila alam o hindi man lang pag-aksayahan ng panahon na aralin. Tapos magtatanong “why oh why?!”Adarna House Books

Ito tanong? Worth it ba ang libro ni Mr.Robert? Oo naman! Sa halagang P50 daming benefits! Naku naalala ko nung una kong makita yung books nila Elizabeth Ong at Malictionary ni Ernie Zarate mas mura pa sana kaysa nung binili ko na. Tingin ko puwedeng tumaas ang presyo nitong book lalo na’t best seller ito ngayon sa store ni Nanay Coring.So you want to be a freelance writer, Malictionary, My Maid invests in the stock market



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

17 thoughts on “Filipino authors impart how to manage money with good attitude