Stores for Scrapbook 21


Para sa suporta sa panibagong hobby (and soon ay sideline business?) ni Syngkit  ay sumama ako sa kanyang trip sa isang store for scrapbooking, ang Memory Lane Store na matatagpuan sa 99 Lake St . San Juan City or 3545 Lakandili St., Morning Side Terrace, Sta. Mesa, Manila, at pagmamay-ari ni  Mrs. Helen Chua.

Memory Lane
discounted

First time ko sa ganitong klaseng store  dahil madalas at bumibili ako ng materials sa leading bookstore, Papemelroti or  sa Simple Joys ng Regalong Pambahay kapag may extra money.  Magandang makapunta sa kagaya nitong store lalo na ang mga kagaya na ang isang hobby ay ang mag-scrapbook.  Apart sa marami talagang mapagpipilian pagdating sa mga simple materials gaya ng background papers, stamps, stickers and other accessories ay kumpleto rin sila ng mga machines sa pagde-design.  Iyong nabili ni Syngkit ay for her key chain project pero I think sa capacity nang nabili n’ya marami pa siyang puwedeng magawa doon na handicrafts.

Inspiring din na malaman na from simple hobby din nag-start Mrs. Chua sa kanyang business na binuksan niya noong 2005.  She’s very passionate sa pag-e-explain ng kanyang nalalaman sa kanyang  products.  Makikinig ka naman kasi alam mong hindi lamang ito for the sake of selling pero dahil ito rin ang hilig niya.  In fact ilan sa naka-display sa store room n’ya ay mga pictures niya kasama ang mga artista gaya nila Janice de Belen, hosts of  Umagang Kay Ganda, Gladys Reyes na host ng Moments, at hosts of Unang Hirit. In short, istariray si Madam at napi-feature sa mga  magazine shows.

Okay pagdating sa prices, may mahal at mayroong mura siempre depende sa bibilhan mo. sa mga nabili ni Syngkit talagang bibihira o wala noon sa ibang office and school supply stores. Ang cool sa mga nabili kong papers ay bukod sa pakiwari ko ay naiiba at magaganda ang designs ay napamura (hindi yung bad ‘yong practical)  ako  dahil na rin sa ang ibang items ay may discount na may 30- 50% off.

The Yellow Violet House

Dahil na-excite pa kami pinuntahan na rin namin ang Yellow Violet House sa  Sta. Lucia Mall pero ang pinaka-main nila ay sa Vista Verde Village, Cainta. Marami rin silang naiibang materials and supplies for scrapbook.  Dagdag pa ang thought na maganda ang kanilang location sa mall na mas accessible.  Pero ‘yong mga nabili kong materials sa kanila ay gusto ko ring gawing pang- bookmark or frame .   Kung may opportunity, gusto ko ring mabisita ang kanilang main store. I expect na mas marami pa akong makikita doon na materials and at the same time inspirations.

So far ito pa lang ang nadi-discover namin at napupuntahan bukod pa siempre sa mga makikita sa paligid ng famous Divisoria. Gusto ko ang mga ganitong klaseng stores in general, nakaka-push ng creativity at nakaka-inspire talaga. Mabuhay!


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

21 thoughts on “Stores for Scrapbook