Right after pagkauwi namin mula sa Philippine Blog Awards noong December 3 ay nabasa ko ang email ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA) na isa ako sa kanilang award’s recipients. Sobrang sinong hindi matutuwa sa moment na yun?!
At ang happiness na dala ng PEBA ay nag-peak last night sa Trinoma Activity Center, Quezon City dahil finally nalaman at natanggap ko ang aking award – I’m freaking TOP 4 HOME BASED BLOGGERS OF THE YEAR sa kanilang 4th International Blog and Photo Awards.
Acceptance statement
Thank you PEBA sa recognition, sa ganitong klaseng advocacy at sa inyong pagiging warriors overseas. I’m so glad na naging part ako nito at napukaw ko ang inyong interes. You are my special target readers, ang mapasaya ko kayo ay malaking karangalan na sa akin.
Thank you sa mga inspiration ko lalo na sa aking entry na Pasalubungan ng Masigabong Pag-asa’t Pagbabago – ang aking mga kapatid na sila kuya Max, ate Malot, ate Marivic, kuya Marlon, Ate Maricel, Ate Mary Ann at kuya Jun-Jun. Ganoon din sa aking mga pamangkin na hindi ko iisa-isahin, hang dami!
Thank you kay Manang Juling na dalawang beses ko nang kinakaray-karay sa ganitong klaseng event. Behind this blog ay ang anak niyang lumaking motivated dreamer, exquisitely cute, maturely childish and artistically messy na may baha-bahagyang ambon ng pagka- bizarre, reserved at pig-headed.
Thank you rin sa aking mga angels na sila Salbehe at Marion. Baka naging alitaptap ang award ko kung ‘di n’yo ako natulungan last time.
Thank you sa aking mg avid readers, co-bloggers, online and offline supporters- ibinabahagi ko rin ito sa inyo.
And ultimately Thank you kay God, Thank you sa wisdom, inspiration, chance at pagkakapanalo. Pinaghahawakan ko ang kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan, humingi ka at ikaw ay pagbibigyan, sumubok/sumali ka at baka ikaw ay palaring manalo.
PEBA coverage
Let’s say na bukod kay Mr. Jim Paredes, na nagbigay ng inspirational talk na ini-record ko , ay walang sikat na personality sa awards night. However, if you are blogger and you feel yung intense passion sa gitna ng event na mainly for OFWs, everyone sa event are personalities. The event was very successful because of the OFWs, families and bloggers na nagsama-sama. First time kong maupo sa ganoong klaseng set up na nasa gitna ka ng mall, medyo weird pero go-go-go lang.
I commend yung dance number ng mga kabataan sa labas ng area, doxology ni Mr. Ray Albert Salbater at ang kanyang isa pang song number, performances nila Mr. Raymond Fulgar and Inno Martin, speeches nila Mr. Lito Soriano (Manager of LBS Recruitment Solution) and Kenji Solis (Founder of PEBA) – na sayang hindi ako nakapagpa-picture. Pero Sir kapag nakita ko kayo ulit pa-autograph at pa-picture po ha!
There are “some” celebrities that you know because you see them in movies and television. They capture your attention because of their entertainment value but at the end of the day, the people who make differences in your life are not them. Each Overseas Filipino Workers is doing their best for whatever or whoever reasons, but in every single centavo of their remittances contributes to Philippine Economy.
Pingback: What's Up: Jane the Virgin and Sen. Miriam Santiago's Book launch
congrats sa iyo, kapatid. deserving ang beauty and talent mo. malikot at kapaki-pakinabang ang iyong site. sail on, write on… ^^
wah ngayon ko lang nabasa ito kung hindi ko pa kakalikutin ang aking site map. mabuhay doon po sa amin!
Pingback: Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI
di ka na maabot
congrats
pakain ka naman dyan
dahil huli ka na, wala na ubos na. hohoho!
salamat sa iyong pagbati!
Congrats and more power and success to your blog!
salamat kuya Elipidio sa suporta, mabuhay sa iyo!
Congrats Blog mentor Hoshi! Som proud of you! 😉
Salamat Jube, sini-share ko rin sa iyo ang parangal na ito dahil sa iyong walang maliw na suporta.
wow! congrats! kelan langsa PBA ngayon PEBA naman. ano pa kayang susunod? hehe! kung 4th ka, ibig sabihin ikaw ung pang-apat (mula sa kanan) sa last pic! nakita na kita! haha!
bilangin mo yung tao sa pic ng malaman mo na parang may…hahahaha
salamat-salamat sa iyong pagbati at inaalay ko rin ito sa iyo lalo na’t isa ka ring OFW. mabuhay sa iyo Apollo!
Congratulations for winning the 4th place. Last year, I won the 4th as well on the OFW Category. It’s a great Christmas gift for you. God bless and congratulations once again.
salamat po sa inyo! lucky number natin pala ang four, hehehe!
tama po kayo na isa itong Christmas gift sa akin, maaaga at makabuluhan.
God bless din po and mabuhay!
wow, nice naman! Congrats sayo! Can you upload the entire speech ni Sir Jim Paredes and we will post it sa PEBA Website and PEBA Facebook?
wow hi po Sir Kenji and welcome po sa Hoshilandia!
yung record ko po ay voice lang, hindi po siya video. balak ko sana siya i-transcribe at i-post dito.
if you like bigay ko po yung audio at kayo na po bahala kong slide show presentation na lang. yung mga pics niya then habang nasasalita siya.
mabuhay po ulit sa PEBA!
korek ang sinabi mo, na ang mga tunay na celebrities nung gabing yon e tayo, tayong mga bloggers, moment natin yon, sayang nga lang at hindi ako nakarating.
sa yo, isang malaking congratulations, savour the moment!!
Hi McRich and Congratulations to you! wala ka man sa event ay umaalingaw-ngaw ang iyong name sa buong Trinoma parang concert hehehe
yes we are personalities no matter what. hehhe
mabuhay po!
nice! congrats! ang sarap ng pakiramdam na nagbunga ung libangan natin na pagbablog 🙂
maraming salamat LordCM! Tama ka iba yung saya na gusto mo yung ginagawa mo at nakakapagpasaya ka rin ng ibang tao.
more power sa ating mga bloggers!