Christmas Gift wrap: tira-tirang school/office supplies


Noong June panay ang bili ng mga estudyante ng school supplies at may ilan-ilang pagkakataon na office projects na kung saan marami ang natitirang art paper, bond paper at kung anu-ano pa na sayang naman itapon. Kung napapansin na matagal na itong nakatabi at gustong pakinabangan dahil ang pangit namang basta itapon, gamitin na lang nating pang-gift wrap ngayong Pasko.

gift wrapSa lahat siguro na puwedeng magamit na pambalot ay mga makukulay na papel gaya na nga  art/color paper at cartolina. Subalit, magagawan naman ng paraan ang mga bond papers. May kakilala ako na nagbigay sa akin ng regalo na ang  ginamit niyang pambalot ay isang papel na may drawing niya (yes complete with colors) at dedication. Ginoo, hindi ko maatim na pilasin kaya dahan-dahan kong binuksan.

Advantage                                                                                          Disadvantage

-menos gastos                                                                  -madaling masira gaya ng ibang mumurahing pambalot

-bawas kalat                                                                       -dumihin sa paningin

-unique                                                                                -mukhang walang dating sa iba

-mako-customized/ personalized                             -walang design at effort na lagyan ng design

Patalastas

 

Suggestions:

  • Since tira-tira lang naman ang mga ito, malamang ay limited ang iyong stocks. So, unahin mo ang mga taong cowboy lang pagdating sa regalo. Iyong mga simple (actually sila yung the best) at ma-appreciate ka anuman ang iyong iregalo.
  • Piliin lamang yung magagaan at kayang mabalot ng art paper. Pero sa cartolina naman ay matigas naman so carry na.
  • Maganda kung may malinis kang lagayan ng iyong mga regalo para sure na hindi madudumihan.
  • Pagdating sa designs, puwedeng lagyan ng drawing or pictures kahit iyong mula sa magazines. Ang sa akin, may nabili akong rubber stamp noon sa Memory Lane na ginamit kong pantatak. Malaman man lang ng reregaluhan ko na Christmas gift ko talaga yun at hindi pang Birthday o Valentine’s day.

gift wrap concept school supply

Merry Christmas and Happy New Year!!!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

13 thoughts on “Christmas Gift wrap: tira-tirang school/office supplies