Christmas Gift wrap: tira-tirang school/office supplies

December 22, 2011
By

Noong June panay ang bili ng mga estudyante ng school supplies at may ilan-ilang pagkakataon na office projects na kung saan marami ang natitirang art paper, bond paper at kung anu-ano pa na sayang naman itapon. Kung napapansin na matagal na itong nakatabi at gustong pakinabangan dahil ang pangit namang basta itapon, gamitin na lang nating pambalot ngayong Pasko.

Sa lahat siguro na puwedeng magamit na pambalot ay mga makukulay na papel gaya na nga  art/color paper at cartolina. Subalit, magagawan naman ng paraan ang mga bond papers. May kakilala ako na nagbigay sa akin ng regalo na ang  ginamit niyang pambalot ay isang papel na may drawing niya (yes complete with colors) at dedication. Ginoo, hindi ko maatim na pilasin kaya dahan-dahan kong binuksan.

Advantage                                                                                          Disadvantage

-menos gastos                                                                  -madaling masira gaya ng ibang mumurahing pambalot

-bawas kalat                                                                       -dumihin sa paningin

-unique                                                                                -mukhang walang dating sa iba

-mako-customized/ personalized                             -walang design at effort na lagyan ng design

Suggestions:

  • Since tira-tira lang naman ang mga ito, malamang ay limited ang iyong stocks. So, unahin mo ang mga taong cowboy lang pagdating sa regalo. Iyong mga simple (actually sila yung the best) at ma-appreciate ka anuman ang iyong iregalo.
  • Piliin lamang yung magagaan at kayang mabalot ng art paper. Pero sa cartolina naman ay matigas naman so carry na.
  • Maganda kung may malinis kang lagayan ng iyong mga regalo para sure na hindi madudumihan.
  • Pagdating sa designs, puwedeng lagyan ng drawing or pictures kahit iyong mula sa magazines. Ang sa akin, may nabili akong rubber stamp noon sa Memory Lane na ginamit kong pantatak. Malaman man lang ng reregaluhan ko na Christmas gift ko talaga yun at hindi pang Birthday o Valentine’s day.

 

Merry Christmas and Happy New Year!!!

Share and Enjoy

Tags: , , ,

12 Responses to Christmas Gift wrap: tira-tirang school/office supplies

  1. apollo on December 22, 2011 at 9:14 pm

    in behalf of your readers, id like to thank you for these green tips. sa panahon ngayon, kailangan natin ang lahat na pwedeng gawin (even like these little steps) para makatulong na mapreserve ang inang kalikasan. aja! :D

    • Hitokirihoshi on December 22, 2011 at 10:50 pm

      naks naman, ang iyong komento ay isang karangalan sa akin. salamat!

      saka isipin din ng iba na sayang naman kung itatapon lang nila. di ba?

  2. jec mendiola on December 23, 2011 at 1:30 am

    Ito rin ang ginagawa ko pag close friends ang binibigyan :)
    nice tips, ate ^^

    mangungulit ako. today ang last day ng giveway :) )

    • Hitokirihoshi on December 23, 2011 at 2:22 pm

      yey, nagawa ko na yung assignment ko sa iyo, hehehe

      oo hindi naman sila makakareklamo dava. hohoho!

      saka importante yung regalo at laman ng regalo. toppings na lang ang pambalot. buti nga binalot pa eh ano, hehehe

  3. Jube on December 23, 2011 at 6:25 pm

    salamat sa gifts Hoshilandia! ;) Maligayang Pasko!

    • Hitokirihoshi on December 24, 2011 at 12:32 am

      salamat jube! may parating pa… nakalimutan ko lang. heheheh

  4. raft3r on December 25, 2011 at 12:08 pm

    merry christmas, hoshi!
    i’m still waiting for my present!
    hehe

    • Hitokirihoshi on December 26, 2011 at 11:09 am

      Merry Christmas din Raft3r!

      i’m still waiting for my present too!
      wahahahha

      • raft3r on January 1, 2012 at 10:50 pm

        naipadala ko na, ah!
        wala pa din?

        • Hitokirihoshi on January 2, 2012 at 2:25 pm

          demanda mo na yang pinadalhan mo. sobra ng atrasado. hohoho

  5. custom gift cards on December 29, 2011 at 3:47 am

    Very nice idea. You can just attach ribbons to it too to make it more festive-looking.

    • Hitokirihoshi on December 29, 2011 at 11:10 pm

      thank you! yeah you are right that. i’ll do in the next batch of gifts.

      Happy New Year!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Translation form - Translate your comment!