Getting novelty @ The Reading Room


Una kong nalaman ang artistic/ novelty shop na ito nung napadpad kami sa Arts and Crafts Fair sa Alabama Street, doon ko nabili ang current wallet ko na ang cover ay recycled junk food.  Mula noon ay naging interesado na akong makita iyong mismong shop nila, na nabigyan naman ng concrete (nail) actualization nito lang.

the  reading room, cubao expo 5 by Hoshilandia.comSakto sa na-visualize ko na laki, ambiance at mga products sa shop na ito. Marami naman ang mapagpipiliian na maaari para sa mga mahihilig magsulat, ma-abubot, magdamit, mag-collect ng novelty items. Halo naman ‘yong mga panindan na gawa mismo sa kanilang mga kamay, mga ka-business partner at iba pang nabibilhan. Katunayan, may mga produkto na puwedeng makita sa kanila at wala sa mga leading book stores or malls.

Kung last year mabibili sa kanila ang Relaks, puso lang yan, malayo sa bituka planner 2011, ngayon naman ay available sa kanila ang 2012 Last Planner You’ll Ever Have. Gusto ko sana yung una dahil kuwela, kaso walang nilabas na bagong planner yung company noon (o Witty Will Save The World, Co.)

Anyway, ang mga unang nakaakit sa akin ay yung mga accessories. Naisip ko na maaaring may mabili rin nito sa iba pero ang maganda kasi dun sa mga nakita ko ay cool na. Kung baga ‘di ko na kayang mamimili ng okay na papasa kundi kung alin na yung coolest. Marami varieties ang mga ito na iba-iba rin ang presyo at mayroon ding pambata.

The Reading Room, Cubao Expo 4  by Hoshilandia.comNakita ko rin dito ‘yong mga nakita ko sa Arts & Crafts fair gaya ng necklace na may tansan at mga wallet. Bumili ulit ako ng wallet and this time, Nova na yung cover. Hohoho!

Wala akong balak na bumili ng bag o ng lalagyan ng ibag gamit pero hindi ko rin ma-resist yung nakita kong mga resourceful na products. Isa pa’y hindi naman basta recycled lang kundi maganda naman talagang pamporma at pulido ang pagkakagawa. You know, tama nga rin naman yung sinabi sa nakapaskil nila doon na ang pagbili ng mga items na ito ay ang pagtulong na maka-save ng mga pantalon o basura sa trash bin at landfill.

Para naman doon sa mahihilig sa mga matroshka doll, mayroon akong nakitang hilera ng mga ito sa loob. In fact, hindi lamang dolls kundi may iba pang gamit doon na may design ng matryoshka (ewan kong tama ag aking palagay). May nakita akong designs sa lip balm, nail polish at maging sa mga accessories.   Gayon din maroon silang budu dolls at iba pa na hindi ko na alam kung anong tawag.

Patalastas

Ang The Reading Room ay matatagpuan din sa Cubao Expo (pang #39 shop) sa Araneta Center at ang maaari ring komonek sa kanila sa pamamagitan ng facebook (http://facebook.com/thereadingroom) at multiply (http://bagsonmymind3.multiply.com/) sites.

[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

20 thoughts on “Getting novelty @ The Reading Room