Serendipitous gifts from Diary ni Gracia


Hindi ako nakadalo sa pinaka-Appreciation Day para sa mga sumali ng Me and My Diary Contest  (In My Celebration of Serendipitous Day) noong December 27, 2011. Buti na lang at sinipag sila Ms. Gracia at ang kanyang kaibigan na si Ms. Gina dahil naisipan nilang magkaroon ng second meet up and this time mas malapit na sa akin.

Thank You po…

  • dahil hindi lamang iyong nanalo iyong binigyan ng prize kundi kami rin na lahat ng sumali. Bibihira lang po iyong ganoon at mula pa sa isang blogger.
  • sa certificate at sa mga make up (take note Pierre Cardin). Maituturing ko ang mga ito na mga birthday gift dahil natanggap ko pagkatapos ng kaarawan namin nila Piolo Pascual  at Oyo Boy Sotto (makabanggit lang talaga, hehehe!).

Answer to My New Year’s idea

Co-incident o sign, pero make up talaga ang natanggap ko from Ms. Gracia (akala ko simpleng lipstick lang)?  Alam mo ‘yon bawat bagong taon, gusto mo ng changes sa iyong pagkatao. Isa sa simpleng hakbang siguro ay dagdagan ko ng kulay ang usual na lip balm at foundation/ powder sa pa-tweetums kong face.

Bigla kong naaalala na sa mismong araw ng birthday namin nila Papa P. at kapatid na Oyo ay nahilaan ako ng hikaw (so ingat kayo!) at natapunan ako ng soda sa isang food chain sa Morayta, Manila.  Kamalasan di ba? Pero Inisip ko na lang na siguro, kailangan ko na rin magpaalam sa hikaw na ‘yon (don’t worry po hindi nagdugo ‘yong tenga ko at hindi matatanggap sa pawnshop ‘yon bleehhh!) na since college ko pa ata ginagagamit at ang natapunan nang husto ay ang rubber slipper ko.

Ang realization ko rito ay ‘yong mga make up (pati ang hikaw at tsinelas) ay sagot sa aking isang resolution… Oh ‘di ba sumi- serendipitous ang mga sanga-sangang pangyayari, including na ang gifts ko from Diary ni Gracia.diary ni gracia 2

  The purpose of diary/ planner

Since first year college nung mag-start akong mag-diary at siguro mga bandang 2005 ako naging masigasig na mag-planner.  Nung sumali ako sa contest ni Ms. Gracia, hindi lamang tungkol sa prize ‘yong naglaro sa utak ko kundi maisip ko at maiparating sa iba kung gaano ‘yong halaga ng diary/ planner.  Bago dumating ‘yong blog at kahit may blog na, maganda pa rin ang mga ganitong bagay kasi para may avenue na mai-express mo ang iyong sarili na walang iniintindi kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Kapag ganun mas malaya, mas malawak at mas maa-analyse mo ang iyong sarili , maging iyong mga gustong mangyari.

Muli mabuhay sa Me and My Diary Contest ni Diary ni Gracia!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

8 thoughts on “Serendipitous gifts from Diary ni Gracia