The Hitokirihoshi’s 2012 Scrap Planner

January 7, 2012
By

In two days ay binuo ko ang worth 30.75 (including pen) pesos 2012 Scrap Planner ko na ito katulong ang aking pamangkin. Ito ang resulta ng paghahangad ko na mabawasan ang papel sa aking Purple Nassau o mag-recycle, magkaroon ng inexpensive diary planner at yamot dahil out of stock ang isang planner na gusto ko sana bilhin bago magbagong taon. Pero okay lang din, mahal kasi iyon at personalized ito. Kung ano ‘yong nakalagay, ‘yon naman talaga ang ginagawa at pa-planuhin ko for the whole year. Matrabaho kaya hindi ko pa talaga ito tapos at take note lahat ng nakasulat dito ay handwritten.

Materials

Ang front cover ay gupit ko sa 2011 Chinese calendar na ibinigay ng friend ko. Matigas na ‘yong carton at kulay gold pa.  Para ginuntuan ang aking 2012, hohoho! Yung back cover naman n’yan ay mula sa  buong isang paper bag ng Starbucks, iyong may handle at karton sa ilalim. ‘Yong loob ay binubuo ng white scratch papers na may naka-print sa likod (kaya dinoble ko) at tira-tirang manila paper and black cartolina. Ginamitan ko rin ito ng double sided tape, notepad, stationery at ribbon. Habang ginagawa ko ‘yong pagsusulat at paggugupit ng manila paper/cartolina, naalala ko ‘yong pagre-report sa school dati.

Sections

Daily and monthly basis lang ‘yong pagkakagawa ko, anyway mahirap maplano ang buong taon di ba?  Si God na bahala sa rest pero puwedeng mag-isip ng pinaka-concept na gusto nating i-achieve. Basta sa bawat month ay may:

Space for inspiring quotes/ bibles verses/ pictures

S’yempre sa January ko ay iyong New Year’s Resolutions ko na. So February, Love/ Valentine’s Resolutions at sa November ay, Halloween Resolutions?

 Rica’s drawing

Rica: Happy Birthday Tita/ inabot (yung regalo)/ Hoshi: Thank You sa 'yo Rica!

– Wala ito sa orihinal na plano ko pero dahil mahilig mag-drawing ang aking pamangkin, sinama ko na.  Ang instruction ko lang ay mag-isip siya ng mga bagay sa bawat buwan. Buti kilala ako ng pamangkin ko, hahaha!

Calendar

Pangalawang pinakamadugong part sa planner na ito. Ang hirap talagang umalala ng petsa. Hehehe!

Goal-oriented page 

Dito nakasulat ‘yong mga gusto ko na ma-achieve o maplano sa isang particular na aspeto.

                Blue – Business

                Pink – Relationship (family/ friends/ Love Dovey)

                Red – Career

                Yellow – Social

                Purple – Self/ Spirituality

Note: ang hirap dun sa pink!

 Activities and Pleasures

– Usually umiikot  ang aking pampasaya, pampa-relax at pampatanggal umay sa limang ikot este sa mga bagay na ito – blogging, reading books, watching movies/series, travel/places,  and photos. Iyong photos puwedeng maging others, kasi marami pang ibang puwedeng gawin ‘di ba?

Budget and Finance

Ang pinaka- template nito ay nakuha ko sa vertex42.com at inareglo ko na lang. Ito na ‘yong pinakamadugo (bloodiest?) dahil literally and mathematically ay career ang paggawa ko sa content nito.

Realization page 

Puwedeng nandito ‘yong summary, thought, remark o mga natutuhan ko sa loob ng isang buwan.

Share and Enjoy

Tags: , , , , , , , ,

16 Responses to The Hitokirihoshi’s 2012 Scrap Planner

  1. c5 @ globalrecycledproducts.com on January 7, 2012 at 5:34 pm

    dapat yata’y gumawa ako uli ng planner ko. saludo ako sa tyaga mo! :)

    • Hitokirihoshi on January 7, 2012 at 5:45 pm

      Hi C5 and welcome sa Hoshilandia Jr!

      Salamat! hehehe Nadaan ito sa matinding motivation na wag gumastos at sayang na mga kapapelan sa kuwarto.

      mabuhay and happy blogging!

  2. chrisair on January 7, 2012 at 9:48 pm

    uy ang galing nito, I will try kaso baka magprint nalang ako, nakakainis ang NB hindi man lang sila magbenta ng refill , may refill nga di naman kasukat sa ring

    • Hitokirihoshi on January 8, 2012 at 7:57 pm

      Salamat Chrisair! Ako rin talagang pinilit ko sa sarili ko na huwag mag-print to prove a point na kailangan hindi ito maging mahal at gumamit kung ano lang yung available na materials. i will try my very best na ipagpatuloy ito… huhuhu kahit magkakalyo. hehehe

      Tama ka dyan sa refill. bibihira o kung di man ay mahirap maghanap ng sukat. problema ko naman yan sa refill ng clear books ko.

      salamat sa iyong pagbisita and mabuhay!

  3. apollo on January 7, 2012 at 11:59 pm

    wow! nice job on your personalized planner. at natuwa ako sa drawing ng pamangkin mo. buti pa sya marunong magdrawing. hehe…

    naalala ko pala ung planner ng starbucks. wala akong nakikitang kabuluhan dun. it’s just a yearly fad if you ask me. just my two cents. :D

    • Hitokirihoshi on January 8, 2012 at 8:01 pm

      salamat apollo! oo pareho tayo ng nasabi mabuti pa siya marunong mag-drawing hehehe.

      actually yan din ang pang-asar ko kung bakit ginawa kong back cover lang yung carton nun, hehehe! mabuhay!

  4. Joyo on January 8, 2012 at 3:54 pm

    napakaorganize naman, gumawa rin kaya ako nyan… hmmm sana nga lang kaya kong panindigan mga ilalagay ko hohoho… happy new year hoshi!

    • Hitokirihoshi on January 8, 2012 at 8:04 pm

      go go go Joyo! matrabaho man ito eh, nakaka-invigorate naman kahit papapano na magplano. Paano planner pa lang pinagpaapaguran muna kaya dapat may mailagay ka. hehehehe!

      happy new year Joyo!

  5. McRICH on January 8, 2012 at 6:13 pm

    wow napaka-organize naman, bilib ako syo na kaya mo pang gumawa nyan aside from maintaining your blog, angaling!

    • Hitokirihoshi on January 8, 2012 at 8:06 pm

      salamat McRich! hehehe naalala ko bigla yung mga sandali na napapaisip ako kung itutuloy ko ito o hintayin na lang yung planner na gusto ko sana. pero sabi ko hindi sayang yung mga papel at oras na libre ako. hahaha!

      salamat sa pagbisita at mabuhay!

  6. Jube on January 9, 2012 at 8:44 am

    totally creative! ;) Ikaw na! more power sa 2012!

    • Hitokirihoshi on January 9, 2012 at 9:36 am

      salamat Unni! Yeah more power sa atin at sa magiging laman ng ating planner!

  7. Pao on January 10, 2012 at 4:00 pm

    Ang tarayyyyyy!!! Ikaw na ang artistic! Clap Clap Clap!! :)

    • Hitokirihoshi on January 10, 2012 at 5:06 pm

      naku… taob pa rin ako sa pagiging artistic/ creative mo. sabihin na nating resourceful ako at kurpot. hohoho!

      salamat sa pagbisita Pao, mabuhay!

  8. raft3r on January 13, 2012 at 9:49 pm

    astig, ha
    pag pagka kuya tony pet ka pala

    mamigay ka ng planner mo
    penge
    i deserve one
    hehe

    • Hitokirihoshi on January 14, 2012 at 5:09 pm

      naku paperless ka na di ba? saka di ko maisip na magsusulat ka, pang type na yang magaganda mong kamay. naka naman!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Translation form - Translate your comment!