Angono’s Pride: Jose “Pitok” Blanco and Blanco Museum


Nang mapasok ko ang Blanco Family Museum hindi ko lamang hinangaan ang ideya na maraming makikitang magagandang painting dito kundi ang sining pala ay puwedeng manalaytay sa buong pamilya. Take note, si Mrs. Loreto “Loring” Perez Blanco ay graduate ng BS Education at 48 na siya nang seryosong magpinta.

artworks of  Paul Peter Blanco
artworks of  Gay Blanco

Pito ang kanyang naging supling kay Jose “Pitok” Blanco na sina Glenn, Noel, Michael, Joy, Jan, Gay at Paul. Lahat ay visual artists professionally at may kani-kaniyang talento o forte rin sa pagpipinta. Ang kanilang pinta ay nagpapakita ng mga senaryo at kultura sa Pilipinas. Realism ang kanilang istilo, na ako na magpapatotoo, may pagkakataon na sasabihin ko na akala ko kuha sa camera ang pagkakapinta. May isa nga roong painting na itinuro sa akin, hanep sa effect ng lighting.

artworks of Jan V. Blanco (ang huli ay iisang subject pero ipininta niya noong siya ay 9 at 13)

Sila ang kauna-unahang pamilya na nagakapag-art exhibit sa National Museum noong 1978. Pero maliban daw dito ay nakapag-exhibit na sila sa ibang bansa at madalas buong pamilya talaga sila kung mag-travel. Dahil yun na nga rin daw bonding nila.

artworks of joy blanco

The Blanco Family Museum

Itinayo noong 1980, ang Blanco Family Museum ay naglalaman daw ng more than 400 artworks na naipon sa loob ng limang dekada.  Maayos ang pagkakasalansan ng mga art works dito na sisimulan sa pinakabunsong si Paul at hahantong sa hindi lamang nakakamangha kundi nakakalulang mga pinta ni Pitok.

 
artworks of Michael P. Blanco

Ngunit maliban sa mga art works at ilang simbolikong gamit ng pamilya mayroon din namang ibang makikita sa museum. Mayroon itong audio visual room at silid para sa conferences, lectures at performing arts. Mamataan din dito ang props na magpapaalala ng pista- tulad ng Carabao fiesta at Higantes gayon din ang magandang garden nito na dinisenyo mismo ni Pitok.

artworks of Noel P. Blanco

By the way, patay na kapwa sina Mr. & Mrs. Blanco para sa detalye – pasok Mel http://www.youtube.com/watch?v=eGze1Yfd8sA

My Favorites

artworks of Glenn P Blanco

Sa dami ng naka-display sa loob ng Blanco Museum, hindi na ako magkanda ugaga sa kakatingin at kakakuha ng litrato. In fact bukod sa mga art works ng pamilya ay mayroon pa roong iba na kung hindi ako nagkakamali ay mula sa art competition na sininulan ng Blanco family.  Narito naman ang mga favorite ko, kung gusto mo pa ng iba aba magpunta ka na sa Blanco Family Museum at magbayad ng 70 pesos, sulit na yon.

Patalastas

artworks of Loreto P. Blanco

Bukod sa mga likha ni Pitok, gusto ko ang arts works nina Mrs. Loring at Michael.  Sa mga pinta niya ko kasi nararamdaman ang pananaw niya bilang ina.  Pinakagusto ko yung Mt. Pinatubo Madonna at yung may matandang nagbibilang ng pera. Kay Jan hanga sa ako sa pagkadetalyado ng mga pagkakapinta n’ya saka hindi siya tipong puro maganda lang, kung ano lang baga ang totoo.

 
artworks of Jose “Pitok” Blanco (hindi lamang malalaki yan, detalyado pa)

Noong  April 25, 2001 ay ninakaw sa part na ito ang mga sinaunang  artwork ni Pitok.

years of Jose Pitok Blanco



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

21 thoughts on “Angono’s Pride: Jose “Pitok” Blanco and Blanco Museum