BonChon and Peri-Peri


Nagustuhan nila foodies ang chicken sa Bonchon. Sa akin okay lang, medyo hindi ko lang mangata ng bongga. Dito sa Peri-Peri hindi ako umorder ng ng chicken kundi macaroni four cheese worth 128 then ceasar salad worth 98. Actaully mas nakamura ako kung nag-platter or nag-combo ako. Weird ba? Naalala ko kasi pag sobra ako sa chicken nagkaka-allergy ako. Di bale tubig na lang ako. Hehehe!

Sulit naman yung macaroni kasi masarap talaga, kahit sila foodies ay sang-ayon naman dyan. Sa salad so-so nothing especial. Oh well ano naman kasi ang ini-expect ko ‘di ba?

Pinatikim naman ako ni fashionista foodie ng chicken, iyon ay dahil siguro sa malaking serving nila. By the way, kung hindi nagkakamali ay Platter 1 ang order nya  pasta (na puwedeng Alfredos/ Bolognese) + chicken na P178 ata.  Masarap naman yung chicken, mas gusto ko kaysa Bonchon.  Iyon din nga pala, yung Combo 1 nila na gravy rice + chicken (na worth 145) ata ay bigatin naman, nalula nga ako pagka-serve dun isa pang foodie. Bagay sa kanya na mahilig sa gravy, hindi na nya kailangan talaga ng mangkok at mag-order.

Sa service, halos walang pagkakaiba sa dalawa pero sasang-ayon ako sa dalawang foodies na kasama ko na mas maayos at reliable ang mga crew sa Bonchon.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

15 thoughts on “BonChon and Peri-Peri