Audioblog: 5 Celebrities I Impersonate 21


Since sa February 9 na ang Second Anniversary ng aking Hoshilandia jr aka. Hitokirihoshi jr o hoshi Jr.,  gusto ko i-try ang podcast at audio blog. Dumating na kasi yung panahon yung sinabi ko sa aking kauna-unahang blogpost sa aking unang-unang blog na kwentotpaniniwalanihitokirihoshi Sr. na puwede na ring magsalita sa blog.  So sabihin na natin na audioblog post ito na parang ewan. podcast.

Nabanggit ko na rin sa isang hiwalay na post na  nahilig ako sa panggagaya ng tao. Hindi naman sa mapagpansin pero mapag-observe lang lalo na kapag colourful ang personality.

(Note: paki-click na lang ‘yong naka-bold na mga lines at puwede rin namang hayaan na mag-play ng mag-play.  May mga mali–mali lines din siempre.)

Queen of Soul Jaya

Hindi ko masasabi na gustong-gusto ko si Jaya basta  trip ko lang yung mga nauna niyang kanta. Noong una niyang dating sa music scene,  iba ang kanyang boses sa karamihan lalo na sa mga singers na kilala na sa biritan.  Isa siya sa  tipong kaya mong abutin high notes kahit hindi talaga.

Ito subok – Laging Naroon Ka

Parang trying hard… ito kaya Wala na Bang Pag-ibig

Iba ata lumabas ang boses so ito na lang Bakit Pa

Superstar Nora Aunor

Sa dami ng impersonator ni Ate Guy parang mapapagaya ka na rin ata.  Kilala sa natural niyang arte pero kapansin-pansing mannerism at may kasamang pagdidiin sa kanyang linya.

Paano kung binabati n’ya ako para sa aking second anniversary?

Annabelle Rama

Isa rin siya sa madalas gayahin, hindi ba?  Maraming sikat na Cebuana sa showbiz pero nag-iisa lang si Annabelle Rama kahit maganda o pangit pa ang pagtingin mo sa kanya.

hindi ko malaman kung sya ito o si Mommy Dionisia

Many Pacquiao

Siyempre hindi ko kaya yung boses nya, kasi lalaki ito no. pero gusto kong kantahin lagi yung pamatay nyang kanta.  Natutuwa kasi ako minsan na kapag naglalakad siya sa ring, kanta nya mismo ang pinapatugtog.  Tapos yung shorts nya may mga ads pa. Isipin mo na rin kung kasama sa intro sa kanya sa ring ang pagiging host, actor, producer, endorser, at congressman nya. Ikaw na Manny!

ito sinabayan ko lang s’ya ha Para sa Iyo ang Laban na Ito

Vicky Morales

Sa totoo lang maliban sa facial expression n’ya, kung papakinggan mo lang talaga boses ni Vicky hindi bagay sa kanya ang pagbasa ng bad news. Hehehe!  Ang bait-bait kasi ng boses n’ya.

gaya lang newscast ala Wish Ko Lang

And for my foreign fans este visitors here’s my rendition of…


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

21 thoughts on “Audioblog: 5 Celebrities I Impersonate