iBlog: The 8th Philippine Blogging Summit


Kung  truck  lang ng gas ang utak ko baka na-flat na ang mga gulong ko at nagkaroon na rin ng oil spill dahil  sa information overload  na nasagap ng utak sa katatapos lang na  iBlog8: The 8th Philippine Blogging Summit. 

Pero mabuti hindi ako tangke o isang makina, hindi ako nag-lowbat  at sa halip ay buhay na buhay ang aking dugo sa tindi inspiration and influence. Oh ikaw na makinig kung paano magkaroon ng relentless passion na dapat Walang Basagan ng trip? Tas bibigyan ka pa ng sandamakmak na tip kung paano pagyayamamin ang iyong network, traffic at writing. Wala pa dyan ‘yong kung paano magkaroon ng ethics at maayos na freedom of expression. Kundi ka pa maging mahilig talaga sa blogging habang naggo- Google, di ba Sir Vic Abrugar! Maupay gud!

First in 8th           

Connect with Victorino Abrugar

                First time ko ito sa iBlog at isa itong nakakatuwang first time. Sari-sari ang mapupulot mong aral pagdating sa blogging, makakakilala ka ng mga taong may alam at personal experience dito, makakain ka ng libre at mananalo ka pa ng mga items. Nanalo ako ng t-shirt at masayang-masayang na ako roon. Tinalo pa ‘yong thrill kung sino ang mananalo sa American Idol…season 10.

Sa buong tanan na nagka-maong pants ako ay bilang sa kaliwang kamay ang beses na nagpa-autograph ako pero sa summit ay kung kani-kanino ako nagpapa-autograph.  Uso kasi ang palitan ng blog url, email, at chuba mo sa Facebook, Twitter, Plurk, Tumblr, etcetera Friendster. At yung mga speaker, makaka-speak mo rin after at ng mas maging hardcore pa ang iyong nalalaman. Para silang artista in a way, balita ko malakas daw ang appeal ni Sean Patrick Si (On Site Optimization 101) pero  okay na ako sa boses ni Jason Acidre (Inbound Marketing-Merging SEO, Social Content Marketing, Conversation Optimization and Online Branding) at sa malumanay pero bumibirang si Sir Danny Arao (Blogging, Social Media, and Journalism).

Inspiration

The Major-Major lesson

Nakakatuwang malaman na marami sa mga nasa summit ay aware sa maraming bagay at take note majority ay talagang mga kabataan.  Parang it feels like mina-maximize namin ang aming time doing what we like to do, what we can explore and what we can share.  Thank you sa  lahat ng speakers, sponsors,  at mga tao sa likod, labas, o gilid ng iBlog8. Pinatunayan n’yo na kahit papano ay may libre basta’t  ba may pang delihensya pamasahe ka. Mabuhay!

Yeah McDO!

Bien Eli Nilos

Carlo Ople

tnx UniLab!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

26 thoughts on “iBlog: The 8th Philippine Blogging Summit