The 20/20 Retirement Rule: How to Secure Your Future


In our 20s ay nagsisimula ang bagong yugto ng ating pagiging independent sa mga choices natin sa buhay, including finances. May iba na pinagpala na may income na puwede pang gastos sa kanilang gusto at luho bukod pa sa kanilang pangangailangan. May ilan kayang regular na gastusan kanilang travel (unahin n’yo sana ang ‘Pinas) at pagpapaganda ng katawan o mukha. Ganun din ang pagbili ng latest gadgets, fashionable clothes,. Pero ilan kaya ang nakapag-isip na mag-invest para sa kanilang retirement?  Kung isa ka roon, mabuting malaman mo ang 20/20 Retirement Rule?

Kapag may nakakausap akong senior or kaka-retire lang ay natatanong ko kung ano wish nila sa retitement nila, Madalas kung naririnig ay mag-travel at mag-enjoy-enjoy na lang. Madalas din nakakarinig ako ng panghihinayang o pagsisisi. May isang nanay an nagsabi sa akin na sana nung may work pa siya ay nagpa-ravel-travel na siya. Masikip naman si Nanay at puwede naman syang gumastos para sa gusto n’ya. Subalit, ang priority na para sa kanyang montly budget ay para sa pangangailangan lalo ang gamot at regular check-up.

Ayon sa payo ng financial expert na si Randell Tiongson, mula sa Steps to Financial Peace conference , mayroong 20/20 rule pagdating sa retirement. Ibig sabihin nito ay para sa expected 20-taong retirement period ay kailangan na magplano o simulan mo nang pag-ipunan ito ng 20 taon bago ka mag-retire. Halimbawa, tingin mo ay aabot ka ng 80 years old at ang retirement age ay 60 taong gulang. Dapat at 40 years old, which is 20 years before 60 years old, ay pinag-iipunan mo na ang iyong retirement fund.

Siyempre mas maaga, mas maganda. Ika nga Time is your greatest asset. Kasabay ng pagbuo ng retirement fund, dapat ang investment umano ay pang long term. Dito na rin pumapasok ang Compounding na kung saan palaki nang palaki ang worth ng iyong financial asset.

See if you invest early

Oo, walang makapagsasabi kung ano bukas at may iba na nauna nang mag-ripe sa kanilang retirement fund. Pero iba pa rin na may kang savings and investment. You feel at ease na sa sakit o kamatayan ay alam mong may pera ka o may maiiwan ka sa iyong pamilya. Dagdag pa d’yan, ‘yong maisasalba mong wrinkles at stress dahil hindi ka mamomoroblema na walang-wala ka after mong mag-retire sa trabaho.

Kukuya-kuyakoy ka na lang sa ‘yong tumba-tumba na isang terrace sa Athens Greece. Nakadungaw sa ibaba mula sa tuktok ng Eiffel Tower o kaya ay hinahampas mo ang isang guard sa New York dahil ayaw pulutin ang nalaglag mong pustiso, porcelain pa naman at may ilang ginto from Middle East… ganern ang imagination!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

24 thoughts on “The 20/20 Retirement Rule: How to Secure Your Future