Kopikey: Curtain made in recycled Materials


Curtain made in recycled materials ito ang naging bunga ng pag-iisip ko kung paano mapapakinabangan ang sachets/ foil wrappers sa amin. Actually, matagal na akong nag-isip kung anong puwede sa mga materyal na ganyan na madalas lang ibinabasura. Tayo pa namang mga Pinoy, we like retail (tingi) products kaya consumer talaga tayo ng products in sachet. 

Sa amin, tipikal na ang magtimpla ng coffee, hot coffee or cereal na 3 in 1 bilang bahagi ng aming agahan. Ako nga kahit tanghaling tapat nagkakape pa rin.

Curtain made in recycled materials

Pero ang nagtulak sa akin na gumawa ako ng curtain made in recycled materials ay ang isang sirang pintuan sa kuwarto ng Nanay ko. Hindi naman ako nabagsakan noon o naipit man lang para maging turning point ng buhay ko. Gusto ko lang may takip o tabing ‘yon dahil hindi ko alam kung kailan kami makakabili ng pintuan.

Although nagtingin-tingin din ako sa mga websites about craft ( especially Pinterest), wala akong fantastic idea pagdating sa designs bahala na lang sa kung ano ang magagawa ko sa available materials sa bahay namin. So apart from foil wrappers, I used red ribbons na nakolekta ko mula sa mga birthday cakes then ‘yong para sa mga notebooks, mga nasirang beads, at ‘yong white na pinagrorolyohan ng sinulid.   Sa finish touch ang adornment ay ang mga collection ko ng key chains.

curtain made in recycled materials

Para mas madali ay binutas-butas ko (ito talaga ang term) ang mga wrappers using puncher.  Siguro nasa tamang sukat laki at kalidad ng foil ‘yong susi para magandang tingnan ‘pag pinagsama-sama ang mga ito.  Dapat ay hindi rin masyadong masikip at masyadong maluwag ang pagkakakabit ng mga ribbon. Medyo sablay ako rito dahil bukod sa may problema ako sa pagpapantay, nag-experiment pa ako noong una dahil aliw na aliw ako sa hindi uniform na pagkakaayos. Hayun!

Iisip pa ako ng mas okay na design (mas gusto ko sana as much as possible sarili kong idea) o mas maayos na pagkakagawa ng curtain para na mismo sa door ng Nanay ko at malay natin sa CR na rin namin kasi parang maganda ang foil sa shower room.

After kong magawa ito believe na believe ako sa mga nakakagawa pa ng magandang designs sa kanilang pag-a-upscale unless na bumili sila ng additional materials.

Patalastas

*isinali ko ito sa crafting magazine , tapos Wahhh nanalo ako! I made this one with love plus  panaka-nakang pagpatay ng  langgam at pagtatago sa mga  ipis.

by the way, after the contest at since kailangan ng pamangkin ng outfit made in recycled materials, na–transform ko ang curtain na ito into a something bolero blouse.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

19 thoughts on “Kopikey: Curtain made in recycled Materials